Ber month na ibig sabihin malapit na magpasko at 100 days na lang mula september 17 bartday ko na hay(gift ko ah!). Nagsimula na ang FALL season dito sa esteyts, unang fall ko ito. Malamig, sagad sa buto ang lamig. Nagsisimula narin mag iba ng kulay ang mga dahon sa puno, nangangahulugan malapit na silang malagas.
Tuloy pa rin ang buhay, kahit nangangatog ako sa lamig. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tirik na tirk yung araw sa labas pero ang lamig ng hangin. Sabi nga nila na huli na daw ang simula ng fall ngayon, dapat daw nung first week pa yun ng september. Ala naman akong pakialam kung napaaga o nahuli, ang gusto ko lang sana uminit ulit.
Ubos na ang jacket at sweater ko, nasa labahan na lahat kaka suot. Dahil nga sa hindi ako excited pumunta ng estayts noon ,inasar ko ang sarili ko at nagdala lang ako ng 2 jacket at isang sweater(at naasar nga ako). Pero ok lang bibili naman ako dito kapag sale na, every weekend naman kasi may sale dito e.
Susunod winter naman, hay sana magbago ang panahon. Sana pagdating ng December, mapapanood ko sa balita na may unusual weather disturbance at sasabihin nilang nagkapalit ang summer at winter. Bale ang winter e sa April pa. Para pagdating ng April e nasa pinas na ako nyahahaha.
Mga Puna
Mga Puna RSS Bakas-pabalik Tagatukoy na URI
Mag-iwan ng puna


















sis malapit na lang ang april. hehehe..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
bRaTh: uu nga sis e ilang tulog na lang…
xiao!
HAPPYYYYYY BIRTHDAY SISTER!!!!!! *muah!!!!*
wahahahaha! advance na’ko.
para ako una bumati.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
bRaTh:uie sis asan yung gift ko? lols btw mamat!
xiao!
Heypi Bertdey tu yu! Hay kung ako siguro ang nasa States, nag uumpisa pa lang ang fall eh nauna na akong namatay sa lamig. Ginawin naman kasi ako. Ingat na lang, lagay ka extra protection sa lamig mahirap magkasakit lalo pag ganyan ang klima.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
bRaTh: mamat po! heheheh naku parehas pala tayong lamigin no
xiao!
Dito rin sa amin nagsisimula na lumamig. Pakapalan na naman ng suot ng jacket nito!