whew! Infairness na miss ko tong kubo ko dito sa wp, siyempre pati mga frends ko na miss ko. Sa sobrang dami ng nangyari sakin nitong mga huling araw e hindi ko na alam kung ano ang unang ikukuwento ko sa inyo.
Anyweiz, malapit na ang pasko ibig sabihin malapit na rin ang bartday ko, tatanda naraman ako ng isang taon. Malungkot mang isipin pero yun ang totoo echos! hehehe Hindi ako excited na mag pasko dito kahit ito ang una kong xmas sa esteyts. Ang gusto ko yung masaya, maliwanag at maingay na pasko sa pinas. Totoo naman diba? Iba talaga ang pasko satin, walang katulad.
Syempre gaya ng marami, excited din ako sa mga gifts na matatanggap ko. Last week, naisipan ko ng mamili ng pang regalo, at sa di ko mawaring dahilan ay bigla na lang akong pumasok sa isang pet shop sa mall. Naramdaman ko kasi na parang gusto ko ng pet ngayong pasko. Yung tipong kasa kasama mo sa darating na Noche Buena. Kaya naman si BRATH e tumingin tingin sa mga kyut na hayop, may aso, pusa, daga, isda, at kung anu ano pa.
Pero ,pero, pero! Meron akong nakita na nakupaw ng aking pansin, at sa unang tingin ko pa lang e parang gustoko na silang bilhin, eto sila:
Anon
MERRY CHRISTMAS!!!
Mga Puna
Mga Puna RSS Bakas-pabalik Tagatukoy na URI
Mag-iwan ng puna

















nakow, miss brath… naalala ko nung nag-alaga ako ng iguana dati. angkyut nung maliit pa siya. kaso, ambilis lumaki ng powtah! at kapag nakawala sa hawla at hinabol mo, andaming kalmot ang aabutin mo! hehehe…
ay hindi mo ko reregaluhan ng gusto kong pet? ay talaga..
xiao!
brath! gusto ko rin nyan..hehe! naghahanap na nga rin ako ng mabibilhan nyan eh..
nakapag alaga na ako dati ng chameleon kaya lang eh namatay after 1 month..matibay kaya yan?
meron ako nyan… after 10 years.. naging ulam.. pero di nga.. ang laki na nya.. at kung may magnanakaw man na matapang sa aso, di sila uubra dito.. nasa heaven na sya ngayon…
hmmm gusto ko posisyon nila, patung patong… may natatandaan ako…
lego blocks…
ikaw ha..
yiii, ayaw ko nyan. nung asa thailand ako yung kasama namin sa bahay nagbitbit ba naman ng ganyan tapos nung gabi biglang nawawala daw. ay talaga namang nag check in kami ng hotel hanggang hindi nya nahanap ang mga anik anik na yan, heheeh
Talagang patung-patong sila, hehe… Sorry Brath di kita mabibilhan nyan kasi takot ako sa mga butiki… Hug na lang para sayo ngayon Pasko.
Happy Christmas at happy birthday sayo!
sister!!!!! welkam back! yang hinihiling regalo e pag-iisipan ko pa. lol!
merry christmas! *muah!*