Kulangot na Puti

Karaniwan na para sa ating mga pilipino ang mangulangot. Syempre sino ba naman sa atin ang hindi nangungulangot, e di mas masahol pa sa payatas ang loob ng ating mga ilong. Noong nasa Pilipinas pa lamang ako, panay ang pangungulangot ko pagkauwi ko sa bahay. May pasok kasi ako sa aming paaralan mula ala syete ng umaga hanggang alas singko ng hapon kaya ang bahay namin ang swabeng lugar upang ako ay mangulangot.

Sundo dito, dundot doon, marami akong nakukuhang kulangot sapagkat hindi na iba sa atin ang polusyon lalo na ang maiitim na usok na galing sa mga sasakyan. Iyon ang lalong nagpaparami ng aking mga kulangot sa ilong(alangan namang sa bibig hehe).

Bawat araw napapansin ko na napaka makulay pala ng aking mga kulangot,minsan manilaw-nilaw na may kasama pang onting sipon at minsan naman ay kulay berde(yaks!) na may kasamang dilaw ng malagkit(yaks talaga!), at malala pa dun ay ang pagiging kulay itim na may kaunting kulay lupa(brown) ng aking kulangot.

Hindi ko lubos maisip na magiiba ang kapalaran ng aking kulangot sa paglipas ng panahon. Noong umalis ako sa Pilipinas hindi ko akalain na doon magsisimula ang panibagong yugto patungkol sa aking kulangot.Sa unang tatlong araw ko sa amerika halos nakalimutan ko ng mangulangot sa sobrang lungkot, hay ganun talaga kapag may iniwan kang minamahal sa ibang lugar( ‘hay nag senti pa talaga’).

Sa ikaapat na araw doon ko na naisipang mangulangot, gaya pa rin ng dati ang kulay ng aking kulangot ngunit nahirapan akong kuhain ito kasi namuo na yung iba, mantakin mo ba namang tatlong araw naka pondo yung kulangot sa ilong ko. Kala ko nga dudugo yung ilong ko sa kakasusundot pero sa awa ng Diyos nakaraos naman.

Di nagtagal ay regular na ang pangungulangot ko dito kahit malungkot pa rin ako at napapansin ko na nahihirapan na akong kuhain ang mga ito sapagkat nagpupulong ang mga kulangot ko sa may dulo. Simula noon ay gumamit na ako ng cotton buds(sosyal!) na noon naman ay hindi ko ginagawa kasi dati hinliliit lang ang gamit ko ayos na.

Sa pagkuha ko ng aking mga kulangot araw araw napansin kong iba na ang kulay ng mga ito, hindi na tulad ng dati na sa tingin ng iba ay nakakadiri(‘pero sa akin okey lang naman na ganun ang kulay, gusto ko pa nga kulay violet yung kulangot ko eh hek hek hek’). Nakakagulat man pero naging kulay ‘PUTI’ ang aking kulangot, hindi mo naman masasabing uhog yun kasi kulangot talaga e(hindi naman ako uhugin no!). Araw araw na akong nakakakuha ng puti kong kulangot(sosyal na ang kulangot ko wow!). Kahit nakakatuwa ang nangyari sa kulangot ko namimis ko pa rin ang dating kulay nito. Hay ang ibig sabihin gusto ko ng umuwi para bumalik na rin sa dati ang kulay ng kulangot ko. Aanhin mo naman ang kulay puting kulangot kung hindi ka naman masaya sa buhay mo diba.

Lahat ng meron sa Pilipinas namimis ko na pati tuloy kulay ng kulangot ko napag diskitahan ko pa hay…

Mag-iwan ng puna

Walang puna.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s