Baguio moments hehe..

Nung fourth year highschool ako nagkaroon kami ng retreat sa baguio, tatlong araw din kaming tumira sa mala haunted na retreat house na kung saan puro madre ang nakatira.

Hakaboring at hakainis talaga dun kasi sobrang lamig(lamigin kasi akong tao) at dapat maaga kami magising dahil nag uunahan yung mga kapwa ko klasmeyt sa paghigib ng tubig galing sa main heater(pinapatay kasi ng mga madre yung heater). At di lang yun, pati pagkain nila dun sobrang lamig mula sa almusal hanggang sa hapunan malamig ang pagkain (hay ganun ba talaga sa baguio lahat malamig?)

Pero kahit malamig lahat e may mga times naman na masaya. Ang pinaka gusto ko sa lahat ng ginawa namin ay yung magsusulat ka ng gusto mong sabihin sa bawat klasmeyt mo, isusulat mo yun sa kani kanilang cartolina. Haha ang ganda ng cartolina ko kulay fenk hehe wala kasi akong makitang kulay violet kaya fenk na lang at ito ang mga isinulat nila sa cartolina ko:

^ Makulet pero mabait pero minsan malakas magtrip heheh…Aries^ (hay ganun ba talaga ako?)

^ ‘to mabait to kaso may hablig eh!…Sherricka^ (habligin!! parang jolen!heheh)

^ Lagi akong inaasar kahit hindi ko inaano…Panes ^ (ako inaasar ka? san mo naman napulot yan?!)

^ makulet sa matino ghe ghe …alyssa^ (ibig sabihin ba nun ako yung pinaka makulit sa matitino? wosh!)

^ Mabait, madaldal, Matalino rin yan!…victoria^ (sinong victoria? si victoria amarillo? hehehe ehem matalino pala ako!)

^ you are nice ang intelligent, i admire your humor kasi ako corny eh…eda^ (korny ka talaga! jowk)

^ ikaw ay mabait, maganda, matalino, madasalin, maagap, masigasig, maunawain, basta lahat ng positibo. keep it up stay sakto ha! wag ka ng iiyak!…andrei ^ (pasaway talaga, uhm nu ibig sabihin nung stay sakto?hay)

^ hehe ito ang pinaka pasaway kong s1 hmp, pero kahit ganyan mahal na mahal ko to, salamat sa mga biruan, tawanan, iyakan at problemang napagdaanan natin, salamat napaka swerte mo dahil friend mo ako hehe!…meysi^ (huhuh nakakaiyak naman yun pero alam mo mas swerter ka sa kin wahaha)

^ masarap kasama, mabait, matalino kagaya ko! sa badminton magaling din pero mas magaling ako!…paul^ (hoy mas magaling ako noh! paramihan ng medals ano? hehe jowk)

^ ang kulit mo at lagi mukhang nagmamadali…kristine^ (ang bagal ko nga kumilos eh kaw talaga)

,,,,,,,, ayun ilang yan sa mga makukulit na koments nila sa akin di ko na sinulat ung iba kasi parang nobela sa sobrang haba eh, saka baka maiyak pa ako hehehe.

1 Puna

  1. na miss ko tuloy ang baguio bigla, hehe!😉


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s