madrasto

Lumaki ako ng walang amang kinamulatan, okey lang naman sakin yun dahil hindi ko naman naramdaman na may kulang sa buhay ko napunan lahat yun ng mama ko. Hindi ko naman ginusto na magkaroon pa ng tatay pero wala akong magawa ng dumating ang isang madrasto sa buhay ko.

Hindi ako tumutol sa kanila dahil super labs ko talaga ang mama ko as in labs na labs. pero hindi ko rin masasabi na labs ko rin ang madrasto ko. Hindi ko gusto ang ugali niya kasi ang gusto niya siya lagi ang tama, puwes nakahanap siya ng katapat niya at ako yun! Kung ang mama ko ay lagi lang siyang inaayunan, sakin hindi pwede yung ganun no ano siya sinuswerte?

Halos hindi ko siya pinapansin pag magkasama kami, isang tanong isang sagot lang ang makukuha niya sakin pero yung magkukuwento ako sa kanya tungkol sa nangyari sakin? not a chance! hinding hindi ko gagawin yun! Ewan ko ba pero talagang malayo ang loob ko sa kanya kahit ano pa ang gawin nya sa, madaling salita, hinda kami close.

Ayus lang sakin kahit hindi nya ako pansinin pero kapag dating sa mama ko, aba ibang uspan na yun. Tama ba namang hindi nya pansinin ang mama ko sa mismong harapan ko pa dahil lang sa walang ka kwenta kwentang bagay.

Dalawang araw na niyang hindi pinansin ang mama ko habang kumakain kami at dahil dun inis na inis na ako sa kanya. Sinasabi ko sa inyo huwag nyang sasagarin ang pasensya ko dahil pag nangyari yun hindi nya magugustuhan ang mga sasabihin ko sa kanya! ( waaaah nag iinit ako sa galit). Hindi ko masikmura ang pagpahiya niya sa mama ko kahit nakaharap ako, natural na mabait ang mama ko pero hindi tama na tratuhin siya ng ganun kainis talaga.!

Ngayon ang pangtlong araw, hindi ko alam kung bati na sila o hindi. Okey lang sakin kahit hindi nya ako pansinin dahil hindi ko rin naman siya pinapansin e. Paki ko ba sa kanya.

binabantaan ko siya! umayos siya ha!

Alam ko na hindi lahat ng madrasto ganun, pero malas ko lang siya ang napunta sakin patawarin sana ako ng diyos sa mga pinagsasabi ko pero anak rin ako at may karapatan akong magsabi kung anu ang nararamdaman ko..

Ayan hindi na ako galit nalabas ko na sama ng loob ko eh salamat!

xiao!

Mga Puna

  1. Thanks for visiting sawariko😛

  2. tama yan, iisa lang nanay mo kaya kailangan pangalagaan mo sya.😀

  3. >caretaker
    welkam po mahilig kasi akong bumisita sa kung saan saan,, hehe salamat din po sa pag bisita

    >///red///
    tama! tama! hehehe salamat po sa pag bisita

  4. Salamat po sa pag lilink sa IsaganiX.wordpress.com

    Ay wala pa pala (parinig) hahahha.

  5. % caretaker~~~ chige po ililink pu kita. hehe

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s