unfortunate cookie ehehe

Noong nasa Pinas pa ako, hindi ko nasubukang kumain sa isang buffet restaurant. Ayus na sakin ang mga ulam na niluluto ng tita ko kahit paulit ulit(heheh!), Hot and Spicy na Chicken Joy sa Jolibee(tulo laway yaks!), french fries at coke float sa Mcdo, hawaiian pizza sa Pizza Hut, siomai sa Siomai House, kwek kwek sa gilid ng simbahan, fishball at kung anu anu pa!(whew!).

Lahat ng yan ay hinahanap ko dito sa Amerika, meron namang Mcdo at Pizza Hut pero di pa rin ako na satisfy dun. Hanggang sa na diskubre ko na marami pala ditong mga “Buffet Restaurant”(wow!). Karaniwang mga itsik kwakang ang may ari ng mga buffet Resto dito pero in the fair of ness!, masarap ang mga pagkain.

buf-22.jpg

Napapansin ko na sa kada kain namin doon ay may ibinibigay sila sa aming fortune cookie. Hindi ko pa alam kung anong lasa nun dahil hindi naman ako mahilig dun at una ko lang nakita yun sa palabas ni Lindsay Lohan na Freaky Friday(kakatawa yung movie na yun pramis heheh!). Sinubukan kong kainin pero di ko nagustuhan yung lasa kasi para naman talagang walang lasa yun e. Ang nagustuhan ko lang dun ay yng naka siksik na papel sa loob, parang horoscope. At may nakalagay pang 6 digit na number na pwede mong itaya sa Lotto(kamusta naman yun). Pano ko naman matataya sa Lotto yung mga numerong yun e walang namang Lottery Outlet dito(hay pasaway!).Wish ko lang sana imbis na papel ang nakalagay sa fortune cookie e pera na lang sana para at least nakatulong pa sila sakin noh! ehehe

fortune-money.jpg

Sa ngayon lima lang yung nai saved kong maliliit na papel galing dun sa fortune cookie ewan ko kung nasaan na yung iba nakain siguro ng madrasto ko wahahahaaha! Ibabahagi ko sa inyo kung anu yung mga nakasulat mga naipon kong papel.. chedeng!

Step away from the power position for one day…

(hay anu nga bang posisyon ko sa buhay? hay ang labo a!)

Give yourself a day off–at least give yourself a relaxing evening…

(hello! wala pa po kong trabaho no! college student pa lang ako!)

Emotion is energy in Motion…

(so what!?ano namang mapapala ko dun? hay talaga!)

They will be grateful that you cared enough to make it…

(thank you thank you!)

You will inherit some money or a piece of land…

(Aba! gusto ko yan.Kaylan ko kaya yun makukuha? wahaha!)

Ilan lang yan sa mga naka sulat sa mga mumunting papel sa fortune cookie.Sa susunod ng pagpunta namin dun para kumain e hihingi ako ng maraming fortune cookies ehehehe…

Mga Puna

  1. alam mo bang may float na rin sa kfc.. yun nga lang mas masarap pa rin ang mcfloat. nagutom tuloy ako. never pa akong nakabukas ng fortune cookie. buti ka pa hahaha.

  2. talaga bihira na kasi ko kumain dun kasi sabi nila hindi na daw tunay na manok yung niluluto nila dun e, ewan ko lang di ako sure a

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s