going back to skul

bk-tu-skl-1.jpg

Malapit na ang pasukan dito, ilang tulog na lang at papasok na ako sa isang unibersidad. Pero natatakot akong pumasok dahil sa pagpasok ko back to zero naraman ako. Walang kaibigan, walang kakilala sa madaling salita “wala lahat“, buti na nga lang at may nakakausap pa ko kahit papano dito sa mundo ng pagbo blog.Hay kayo talaga ang unang kong mga kaibigan nung nagpunta ko dito sa lugar na to(how sweat). Ako pa naman yung tao na mahirap makapag adjust sa lahat ng bagay. Sa tingin ko nasa stage parin ako ng sinasabi nilang “culture shock”.

bak-tu-skl-1.jpg

Ayokong ma discriminate at ayoko ring ma reject ng ibang tao kaya kinakabahan talaga ako. Kung nasa Pinas lang siguro ako, hindi ko na kaylangang mag alala dahil sandamukal na ang mga kakilala at kaibigan ko dun. Pambijrang buhay to o!

Pinoproblema ko pa ang pagsasalita ko ng ingles, hay hindi ganun ka perfect ang grammar ko sa english at hindi rin ako masyadong fluent mag english, baka pag nagsimula na kong magsalita e magkabuhol buhol yung dila ko(wag naman sana!) at kada uuwi ako galing skul e makita na lang nila na puro dugo yung ilong sa kaka english. At hindi naman masyadong nang aasar yung skul na papasukan ko pano ba naman kasi puro English subject ang binigay sakin at isang Math, ewan ko na lang kung hindi pa ko gumaling mag english nito pag natapos ko tong semester na to noh!

nus1.jpg

Aminado naman ako na ayoko talaga ng English subject, pero sabi nila nung nasa hayskul pa lang ako magaling daw ako mag english(hay binola pa talaga ako). Nasabi lang naman nila yun dahil narinig nila akong mag deliver ng isang persuasive speech. Syempre kinabisado ko yun at pinag aralang mabuti kung pano ko idedeliver yung speech na yun sa maraming tao kaya siguro na impress sila sa akin at pati na rin yung guro namin sa English(naks! hehehe).

Hay kakayanin ko yan! kaya nga ako mag aaral para matuto ng matuto hanggang sa maging tutong(heheeh).

Isa itong malaking hamon! Madugong Inglesan para sa madugung kinabukasan!(ahahaha)

Mga Puna

  1. […] to EmoSeb (a poet, a student, a believer), Brath (the fourtunate soul), Arlo/Ishna (bagong reader, hindi ko alam kung babalik pa sya), Trishbabe, […]

  2. good luck sa yo.

  3. salamat

    xiao!

  4. […] I expect the following people to join this nonsense: EmoSeb (a poet, a student, a believer), Brath (the fourtunate soul), Arlo/Ishna (bagong reader, hindi ko alam kung babalik pa sya), Trishbabe, […]


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s