fanaginip…

Pangit at nakakatakot ang panaginip ko kanina, nasa parang probinsya daw ako at may dinalaw na isang babaeng hindi ako sure kung mangkukulam ba yon o engkanto, basta!.

Pumasok daw ako sa loob ng bahay niya tapos medyo madilim, hinanap ko ang babae at nakita ko siyang natutulog sa isang kwarto kaya bumalik ako sa salas ng bahay niya. Ang weird talaga kasi parang sinapian ako sa loob ng bahay ng di ko malaman kung sino ang sumapi sakin(baka si Emily Rose yun!ahahaha). Sigaw ako ng sigaw pero wala pa ring tumutulong sakin hanggang sa tumigil daw ako sa pagwawala at nagising yung babaeng kaninang natutulog. Sabi ko sa kanya:

para hong may sumapi sakin kanina bakit di nyo ko tinulungan?

sinapian ka siguro nung lamang lupa na nakatira sa ibaba nitong aking bahay.

Kakaiba talaga yung panaginip kong yun halos di ko na matandaan ang ibang pangyayari.

At meron pang isa, ito yung panaginip ko matapos yung tungkol sa sapi sapi na yan whatever!

Umpisa na daw ng klase, e di syempre papasok ako tapos nung pumasok ako sa una kong subject na hindi ko naman alam kung anung subject ba yun nagulat daw ako kasi parang hindi klasrum ang napasukan kung hindi isang parang malaking dome na may maraming tao sa loob. Nagtaka ako bakit ang daming tao sa loob tapos hindi naman sila nagkaklase at kapag nagtatanong ako sa kanila e hindi nila ako pinapansin(bad sila nag bayad naman ako ng tuition ah!). Dun na naputol ang panaginip, nagising na kasi ako…

Di ko gusto yung mga panaganip ko na yun lalo na yung una kasi parang nakakatakot naman kung mangyayari sakin yun sa totoong buhay diba.(sigh**)

drum.jpg

May mga panahon lagi akong nanaginip at may mga panahon ding hindi ako nanaginip, dati pa nga kapag nanaginip ako tungkol sa kung anong bagay ay tinitingnan ko ang kahulugan non sa pamamagitan ng isang libro. Meron kasi kaming libro na ang title ay “Panaginip” na kung saan malalaman mo kung ano ang kahulugan ng panaginip mo. Halimbawa nanaginip ka ng tae, sabi dun magkakapera ka daw. Basta marami kang malalaman dun kaya lang naiwan ko yung libro sa Pinas kaya di ko maibabahagi yung nilalaman nun sa inyo sayang naman.

Ibabahagi ko na lang sa inyo ang ilan sa mga di ko makakalimutang panaganip:

*May mga panaginip ako na may pagka naughty, may kasama daw akong lalake at alam mo na may mga lampungan, halikan at kung anu anu pa (hehehe), pero ang kinaiinis ko lang hindi ko matandaan yung mukha ng mga lalakeng nasa panaginip ko. Masyado silang misteryoso! hmp!

*Bata pa ako noon, tapos uso pa yung unang labas na playstation. At dahil sa can’t afford namin noon ang bumili ng playstation e dun nalang ako sa bahay ng pinsan ko nakikilaro, mga benteng hakbang mula sa amin(malapit lang diba? hhehe). Halos araw araw nagpupunta ako dun para lang mag laro ng playstation hanggang sa kinagabihan, e di matutulog na ko at ang lagi kong katabi sa pagtulog e ang mama ko.

plystion2.jpg

Siguro mga alas dose na yon ng nanaginip ako na naglalaro daw ako ng playstation(hala na adik ako!). Ang hindi ko alam hinablot ko daw yung kamay ng nanay ko pinag pipindot ko daw yung palad niya. Ang akala daw niya e hinihilot ko lang daw siya pero nung naramdaman niya ng parang nilalamutak ko na yung kamay niya(siguro mag susuper na yung karakter ko kaya ganun hehe) e itinulak nya daw ako pahiga at ayun tumigil na daw ako…(pasaway na bata na adik sa playstation!)

*Eto ang ikinatatakot ko sa lahat, maraming beses na rin akong naglakad habang natutulog ako at yun ang ayaw na ayaw ko. Nangyayari lang iyon kapag wala akong kasama sa pagtulog at buti na lang ay hindi umaatake ang sakit kong yun. Dati daw kasi muntik ko na daw buksan yung gate ng bahay namin para lang makalabas ng bahay. Natakot talaga ako nung malaman ko yun kasi pag nagkataon di ko alam kung san ako pupulutin. Baka pagkagising ko na sa ibang lugar na ko at hindi alam kung sa pupunta pabalik. Buti na lang talaga e nakita ako ng mama ko na binubuksan yung gate kung hindi nakaw! hindi ko na alam mangyayari sakin.

slip-woker1.jpg

Ang nakakakilabot pa dun e hawak ko daw yung susi at parang wala daw ako sa sarili, siyempre kung balak ko mang maglayas ng mga panahong yon e di sana may dala akong bag, pero wala! nakapantulog lang ako nun at naka paa pa!

hay panaginip nga naman parang pelikula minsan nakakatakot, minsan nakakatuwa, nakakalungkot, at minsan may pagka x-rated din hehehehe…

Mga Puna

  1. brath, ‘neng, to maipapayo ko sau. dalas-dalasan mo ang pagligo para naman di ka masyado nananaginip. hahaha!

    i-kunsulta mo na rin sarili mo sa doc ng WP na si isagani.x.😆

  2. lately nagkakatotoo lahat ng panaginip ko, kaya minsan ayoko na lang maalala sila.

    maru: baket ako naliligo naman ako (kahit hindi obvious minsan,hehe!) madalas ko paring naaalala ang mga panaginip ko, may epekto ba yun?

  3. ay hala diva pag ganun na nakikita mo na yung sarili mo na naglalakad, lumulutang o whatever e nagaastral projection ka na nun dibah?

  4. %jojie~~ naku siguro nga ganun pero buti na lang hindi na nagyayari sakin yun ngayon.

    %bonnie~~ hay ako naman hindi ko talaga maalala yung iba kong panaginip kahit alugin ko pa utak ko ayaw talaga eh.

    %ms.maru~~ ay kaylangan bang dalasan yung pag ligo? lately kasi parang nakakalimutan ko nang maligo,, heheheh

    xiao!

  5. nanaginip po ako na tumatae ako ng madami sa panty ko, tpos ung una kung pagtae lumabas sa panty ko,tpus ang sunod sa panty ko n, ginising ko ang asawa ko sbi ko punta kami ng cr at cnmahan nmn nya ako, peru pagdating din nmin s cr puro barado ang mga cr, barado ng mga popooo,pero ung tae ko sapu sapo or hawak hawak ko sa panty ko dahil bk malaglag,ang asawa ko nilinis nya MUNA ANG BARAdung cr.


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s