Philippine Fiesta ’07

Ang akala ko ay puro trabaho lang inatupag ng mga Pilipino dito sa Amerika yun pala meron din silang tinatawag na “Philippine Fiesta”(wow!). Halos siyam na taon na nilang ipinagdiriwang ito tuwing Agosto sa Secaucus, New Jersey. At dahil sa first time kong pumunta dun ay inakala ko na boring at walang ka kwenta kwenta ang madadatnan ko roon. Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa mga ganung klaseng pagdiriwang at dahil sa nababagot, nawiwindang at nabuburyong na ako sa bahay ay pumunta nalang ako para maipasyal ang sarili ko.

fiesta.jpg

Pagpasok ko sa loob nagulat ako sa nakita ko, dahil sobrang saya ng mga tao at maraming mga booth na nagbebenta ng mga kung anu anu na galing pa sa Pinas. Hindi ko akalaing ganung karaming Pilipino ang nagkaisa para magsaya ng araw na yon.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako matutuwa nung nandoon na ako at nakikita ko na puro Pinoy ang nandoon. Mis na mis ko na talaga kasi ang Pinas. Naisip ko tuloy na kung hindi lang sana mahirap ang bansa natin malamang mangilan ilan lang ang Pinoy dito pero sa kasamaang palad mahirap parin hanggang ngayon.

Halos siyam na oras din akong nandon at nag ikot ikot kasi sabi nila magpe perform daw sa fafa Piolo, Pokwang atPops. E lagi ko namang nakikita si Piolo at si Pokwang sa tv titingnan ko lang kung makalaglag panty ba talaga ang kagwapuhan ni fafa Piolo.

At ng lumabas na si pokwang hindi ko akalaing maganda pala yun sa personal syempre ganun naman lahat ng artista, lahat gwapo at maganda sa personal. Pero nung si fafa Piolo na ang kumanta hindi nga ako nagkamali gwapo nga talaga pero hindi nalaglag ang panty ko nung nakita ko siya dahil nakalimutan ko palang mag panty hhehe( juk lang).

Marami akong natutunan doon, syempre hindi pwedeng wala no! Ang pinaka makulit ngunit totoo na realize ko about the Filipinos e sadya talagang mahilig tayo sa mga libre, sample at bargain. Syempre kahit may trabaho ang mga Pinoy dito e praktikal pa rin sila kung mag isip dahil hindi biro ang magtrabaho dito para lang kumita ng pera na ipapadala sa mga kamag anakan sa Pinas.

Kaya ikaw! kung sino ka mang kontrabida ka na sobra kung manglait sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa aba kilabutan ka! dahil hindi mo alam kung anung hirap at sakripisyo at pinagdadaanan namin no!

pagandahan nalang ano? laban ka?
hehehehe

kilala niyo naman siguro kung sino yun? ahihihih

Kaya I am supah proud to be Pinoy!!! (wow talaga!)

Mga Puna

  1. hehehe.Akala ko usapang fiesta lang, nasa dulo para yung banat. Ayos girl!

  2. heheh pasensya na nadala lang..

    xiao!

  3. antarush may fiesta din.😀 diko type si piolo mas gusto ko si diet kasi im on a diet. wahahahaha!

  4. last year si diet yung guest nila kaya lang di ako nakapunta nun kasi nasa Pinas pa aku nun e.

    xiao!

  5. hey i got your link from pinoy wordpress. where in nj are you from? i wanted to go to that fiesta para lang makita si piolo pero hindi ako nakapunta. kaasar. inggit ako sa inyoooo. =[

  6. sa jersey city ako nakatira, sayang naman hindi ka nakapunta masaya dun pramis.

    xiao!

  7. uy, sa jersey din naghahasik ng lagim ang mga kamag-anak ko. sa new milford. lapit ka dun?

  8. naku ms.jojie malayo pu ako dun malaki rin kasi yung jersey.

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s