ang drama ko….?

Bakit sa tagal tagal ko ng nabubuhay sa mundong ibabaw ay hindi ko pa rin maramdam na masaya ako sa buhay ko. Hindi naman kami ganun kayaman para masunod ang luho pero nabibili ko naman ang gusto ko. Naniniwala kasi ako na magkaiba ang luho sa gusto. Pero di bale hindi lang naman tungkol sa luho at gusto ang nais ko ng iparating. Eto talaga yun pramis!

Maraming tao lalong lalo na sa Pinas ang gustong makapunta sa Amerika, sabi kasi nila maganda daw ang oportunidad doon, kikita ka ng maraming pera, makakabingwit ng kanong mayaman at kung anu ano pa.

Aaminin ko isa ako sa maraming pinoy na gustong makapunta ng Amerika, nagsimula yun ng iwan ako ng mama ko sa Pinas para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Naiintindihan ko kung bakit niya kaylangang magtungo papuntang Amerika, anu pa nga ba kung di siguraduhin ang magiging kinabukasan ko. Ang kinalulungkot ko lang ay yung hindi niya nasubaybayan ang paglaki ko. Umalis kasi siya nung grade 5 pa lang ako, neneng nene pa ako nun. Kung baga yung mga sumunod na taon ang pinaka importante sana ng paglaki ko bilang isang babae na hindi naman niya nakita.

Limang taon siyang hindi bumalik ng Pinas, minsan nga iniisip ko kung bakit ayaw niyang umuwi. At may mga panahong hindi mo maiiwasang maiyak dahil ang mismong nanay mo ay hindi nakarating sa graduation mo ng elementary at highschool. Masakit yun para sakin lalo na’t nag iisa lang akong anak. Halos durugin ang puso ko sa sakit(ouchhh!).

At dahil sa naging matapang ako at positibo sa buhay, nakayanan ko lahat yun. Kahit papano naging masaya ako kahit hindi ko kapiling ang mama ko, sa madaling salita, bigla ko na lang natanggap ang lahat ng walang pag aalinlangan.

Dahil malayo ang mama ko sakin mas nabuhos ko ang pagmamahal ko sa mga kaibigan at sa tita ko na siyang nagalaga sa akin. Masaya ako dahil nabigyan ako ng mga makukulit at malulufet na kaibigan. Nawala na yung pangarap ko na maka punta ng Amerika dahil naisip ko na sobra saya palang mamuhay sa Pinas lalo na’t marami kang kaibigan laging nandyan para sayo.

Hindi ko akalaing inasikaso na pala ng mama ko ang mga papeles ko papuntang Amerika. Halos wala ako sa ulirat nung interview ko sa US Embassy dahil hindi ako makapaniwala na may pagkakataon na pala akong makapunta ng Amerika. Hindi ako natuwa, nalungkot pa nga ako ng matanggap ko yung visa ko. Siguro kung iba pa yun nagtatalon na sila sa sobrang tuwa pero ako parang ayaw tanggapin ng kamay ko yung visa nung iabot sakin nung mamang taga deliver.

Hindi ako makaiyak nung mga panahong iyon, dahil halos lahat sila masaya para sakin at sinasabi nilang napaka swerte ko daw dahil hindi biro ang mabigyan ng ganitong klase ng oportunidad. Lahat ng iyak ko naipon sa loob, mahirap, masakit hindi ko mapakita sa kanila kung ano ba talagang nararamdaman ko nung mga panahong iyon dahil narin siguro sa ayokong ma disappoint sila sakin. Baka sbihin pa nilang tumatanggi ako sa grasya.

Ang punto ko naman kasi, Kung kaylan naman ako naging masaya at kuntento sa buhay ko sa Pinas saka naman dumating yung panahon na kaylangan kong iwan ang bansang napamahal na sakin ng sobra. Iniisip ko nga minsan na kahit sobrang hirap mamuhay sa Pinas dahil sa mainit, mahal ang bilihin, talamak ang krimen etc etc, bakit hindi ko minsan maramdam lahat ng hirap sa bansa natin? Dahil narin siguro ay sanay na tayong mga Pilipino sa paghihirap minsan nga ay nakuha pa nating tumawa kahit kapos at hirap na tayo sa buhay. Doon ako bumilib sa mga Pinoy, napaka positibo sa buhay!

Ngayon nandito na ako sa bansang pinapangarap ng maraming tao, sinasabi ko sa inyo malungkot at mahirap din ang buhay dito. May parte sa buhay ko ngayon na masaya dahil kapiling ko na ang mama ko pero hindi sapat yun para punan lahat ng kalungkutang nararamdaman ko sa buhay ko ngayon. Gaya nga ng sabi ng iba sa akin: “Onting tiis lang”. Oo titiisin ko at alam ko namang kakayanin ko to, kaylangan ko lang sigurong magsakripisyo pansamantala. Oo nga mabibili ko lahat ng gusto ko pero hindi mabibili ng mga dolyares ang kaligayahan ko. Kaligayahan na tanging sa Pinas ko lang matatagpuan…

sad.jpg

Mga Puna

  1. waaahhh!!!! ang bagsik talaga ng lunar eclipse! ikaw din drama mode. ako din kaya…😦 pinipigilan ko lang.

  2. aww. Pero pagnagkapamilya na rin ako, ayoko ng may pupunta sa ibang bansa para lang magtrabaho. Iba pa rin pag magkakasama kayo. Dad ko kasi been away for 25 years, ‘tas once a year lang siya umuuwi. Sad un.

    Ayoko nun. *drama mode din*

  3. Ako rin, dream ko maka punta ng US. Pero nung nagka bf ako ng Kano, parang nag-iba ang tingin ko sa US. Hindi naman sa bad boy ang exbf ko pero iba pa rin ang ugali ng mga pinoy talaga.Iba pa rin ang Pinas lalo na pag nakikita mong nagtsitsismisan mga kapitbahay mo, may makulit na nag kakaraoke na ang sagwa naman ng boses, may dumadaan sa tapat ng bahay at nagpapataya ng jueteng, etc. masarap parin dito sa Pinas.

  4. %ms.jojie~~ baka nga dahil sa lunar eclipse tong nangyayari sakin ehehehe

    %ms.laarni~~ naku buti pa nga yung dad mo once a year kung umuwi. e yung mama ko, 5 years bago pa siya naka uwi ng pinas,, hay

    %ms.red~~ tama ka dyan ms.red yung mga tao dito parang walang pakialam ni hindi nga nila makuhang makisalamuha sa mga kapitbahay nila kahit alam nilang mga pinoy yung neybors nila e..

    xiao!

  5. naalala ko tuloy yun friend ko. hindi nia gusto umalis kasi masaya na cia dito kasama kame kaso gusto ng dad nia. may mga kamag-anak kame na sa US naka-base pero ako hindi ko pinangarap na manirahan jan. marahil, magtrabaho oo, pero pagkatapos makaipon balik at balik ako sa pilipinas. iba kasi yun saya ng pinoy eh. nakakahawa. yun kahit lubog ka na sa utang at andame nang naninigil sa inyo araw-araw, nagagawa mo pa ring kumanta at tumawa.

    parang yun commercial dati sa jollibee. naalala nio yun? yun hindi ganyan sa states na dialogue. tas sa dulo iba pa din ang values ng pinoy. nasanay kasi ang ibang tao na tignan ang amerika bilang dream country. napapaisip nga ako minsan eh, kung yun mga amerikano nga eh ang hilig na magbakasyon, mag-invest at tumira saten at gustong-gusto pa nila dito. habang marami saten, puro pula na lang sa bansa naten ang nasasabi.

    basta ako masaya nako dito, pakain-kain ng isaw, minsan balut, pakanta-kanta at minsan nag-roroadtrip sa jip.

  6. kaya nga ako gustong gusto ko ng bumalik e kahit 2 months pa lang ako dito,, hay di bale pramis sa feb uuwi na talaga ko!

    salamat sa pagbisita nika!

    xiao!

  7. daan..😉

  8. tamang senti ha. 2 month ka pa lang pala dyan e, give it time, mas lalo ka ma homesick, hehe. pareho lang tayo, ako medyo na late ma homesick dahil naging busy sa mga kiddies pero nung nag kindergarten na sila — halos mabaliw din ako. pero dahil may chikahan sa cyberspace, feeling ko asa pinas din ako — kulang nga lang yung chi-cheria at batukan, nyaha.

  9. hmmmm. lunar eclipse…

  10. %dean~~ salamat sa pagdaan.,.,.,.,

    %ms.kengkay~~ buti ka nga may mga chikiting ka e at least nakaka bawas ng lungkot, uu nga buti na lang my may cyberspace laking tulong din nun sakin para di masyadong malungkot. mamat sa pagbisita.,.,.,.,

    %sawn?~~ heheh himala at napadaan ka sa blog ko, bihira ka lang kasi dumaan dito e (tampo mode) hihih juk lang.,.,.

    xiao!

  11. ei brath…nadala ako sa kwento mo, pramis. gs2 ko din makarating sa abroad pero para lang maka-ipon and para din masabing at one point in my life..I’VE BEEN THERE..pero yun iiwan ang Pilipinas for good, baka mabaliw ako sa homesick. ramdam ko ang kalungkutan mo, pero may rason kung baket nanjan ka. take it easy…try mo na i-enjoy yung stay mo jan.

    Remember..it is your responsibility to make yourself happy!
    cheers!

  12. salamat sayo chuva heheheh u sige try kong mag enjoy dito kahit kunwari lang mahirap kasi talaga yun e.

    xiao!

  13. depressed ako at s kahahanap ng makakapag-paluwag ng nagsisiskip kong dibdib,napunta ako s website n ito.napetisyon ako ng isang kanong penpal ko na 22 yrs ang agwat s akin.may isa akong anak s pagkadalaga at pareho na kaming narito s amerika.3 taon n kaming nagsasama ng kano pero habang tumatagal,lalo kong nare-realize na hindi ko sya kayang mahalin.hanggang sa nagkrus muli ang landas namin ng una kong pag-ibig thru internet makalipas ang 16 na taon na hndi pagkakaroon ng komunikasyon..nasa ibang bansa din sya at umabot ng taon ang lihim naming relasyon na hanggang computer lang naman ngunit ang pagmamahal sa isat-isa ay buhay n buhay muli.sa ngayon pilit n nya kaming pinauuwi ng pinas at mamuhay doon kasama sya at ang mga binuo nyang panagarap para sa aming mag-ina.alam ko sa puso ko na gus2 ko n syang makasama at magkasundo naman sila ng anak ko.naguguluhan ako.pag umuwi ako,magagalit ang magulang ko dahil opportunity na ito at paano si kano?kapag hndi ako umuwi,alam kong mawawala n din sa akin ang pinakamamahl ko.ayaw nya dito sa amerika at kaya nya daw kaming itaguyod mag-ina.gus2 nya akong maialis sa pagkakalubog ko sa malaking kasinungalingan…sa pakikisama s taong halos ama ko na at ni wla akong pagtingin kahit konti.naguguluhan ako.ano b ang dapat kong gawin?meron pa akong 8 buwan pra magdesisyon.uuwi ba ako s pinas at tuluyan ng kakalimutan ang amerika o isasakripisyo ko na lang ang sariling kaligayahan?paano ang kinabukasan ng anak ko n hndi sgurado s pinas?paano ang magulang ko na umaasa sa akin na mapepetisyon din sila(ngunit yun ay napakatagal pa bago mangyari)?nasa punto n ako ng pagpili kung puso b o future?minsan lng kumatok ang oportunidad ngunit pag pinalampas ko p ang pangalwang pagkakataon n maksama ang taong tangi kong minahal ng ganito katindi,alam ko wla ng susunod p.alam ko mdami kayong nakokornihan pero totoo lahat ng ito.napakahirap din pala dito s amerika.s haba ng panahong inilagi ko dito,ni minsan di ako naging masaya dito.gulung-gulo ang isip ko.sana may makapagbigay s akin ng payo s website n ito.

  14. di ko talaga ma-appreciate ang amerika kahit ang tagal ko na pero nwawalan ako ng loob kapag my nagsasabing malaking katangahan daw pag iniwan ko ang tate dhil wla daw knabuksan s pinas.pero dito ko nranasan n mabaon s utang ng nwalan ako ng trabaho,mag-iiyak s gabi dahil wla n kming kakainin ng anak ko at d k naman pwede manghingi s kapitbahay mo,tpos ung prang nadi-discriminate ang anak mo s school dahil d p sanay mag-ingles.malungkot ako dahil ipit n ipit ako s sitwasyon.maisusumpa ako ng parents ko kapag bumalik ako s pinas.maisusumpa din ako ng bf ko kapag d ako tumupad s pangako ko na umuwi na at pakasalan sya…sa tuwing magkakausap kmi,excited syang ibalita n gngwa n ang titirhan nming maliit n bahay,n nakabili n sya ng ganito o ganyan pra s bahay at higit s lahat,ang wedding ring n binili nya.hndi ko makuhang mgsaya ng totoo dahil di ko alam kng anong dapat kong gawin.oo,magiging masaya ako s piling nya pero paano ang magulang ko n masasaktan ko?at my kinabukasan kaya ang anak ko sa pilipinas s paglaki nya?anyone…pls help me.sana may maka-relate.

  15. […] How to Be a Good BoyfriendBoHoL, BoHoL sagot sa kahirapan…ang drama ko….?”Pregnant” Mannequingusto mo ba ako makilala?13 Kinds Of Kisses That Will Leave Women […]

  16. yang story mo puwede sa mmk ni charo santos =D

  17. malungkot pala ang buhay mo! ma drama =(

  18. magaling ako mag advice


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s