gusto kong mag aral kahit ayoko?

Dahil sa sobrang pagkabagot ko dito, naisip ko na parang gusto kong mag aral dito kahit ayoko (gulo no?) wag niyo na tanungin kung anung major ko secret na lang yun!

ayoko kasi:
~ mahal ang tuition fee at ayoko ngang umasa sa mga student loans dito dahil for sure hindi rin ako magtatagal dito.

~ dumudugo ang ilong ko pag nag e english. bwisit pahirap sa buhay!

~ tinatamad na akong gumising ng maaga, hay ang sarap kasing matulog (gusto niyo akong samahan? hehehe)

~ wala pa akong prends, nakakakaba kaya yun, back to zero tuloy ang dating ko.

~ sayang ang pera pamasahe, iipunin ko na lang para hindi na ako naghihiram sa mudra ko ng laptop. bibili ako ng sarili ko hehhe

~ naiinis ako sa mga itim dito masyado silang marami at sobrang ingay pa nila

bigla ko naman nagustuhang mag aral ulit kahit ayoko kasi:

~ makaka ipon ako kapag binigyan ako ng alawans ng mudra ko

~ makakagala ako pagkatapos ng klase sa journal square ahihihihi

~ para hindi na ako masyadong mabagot dito sa bahay

~ para magkaroon ng prends

~ para ma praktis ko ang ability ko sa pag e english (wish ko lang meron)

~ para ma excercise ang utak ko sa kaiisip, medyo kinakalawang narin kasi

~ gusto kong magpasikat at patunayan sa kanila na magaling at malufet ang mga Pinay. O diba ang taray!?

Nagpapasalamat naman ako sa aking dearest mama at binayaran niya ang tuition fee ko kahit may kamahalan ng onti. Di bale isang sem lang ako mag aaral dahil panigurado sa feb uuwi na talaga ko (paulit ulit ko na tong sinasabi! hay kulit ko talaga).

Parang ang dating tuloy nun sakin e sinayang ko lang yung datung ng mama ko dahil isang sem lang ang papasukan ko. Pero ok na rin yun kasi kung sakaling gusto kong mag aral ulit e di sa Pinas na lang, mura pa.

Ah basta naguguluhan talaga ako bahala na nga si spiderman! i drop ko na lang kaya mga subjects ko, pede naman i refund e ehehehee….

confused.jpg

Mga Puna

  1. kahit ako naguluhan. wahehehe… aral ka na.😀 ako nga gusto ko ulit mag-aral ya lang andami ng ibang priorities. haaayyy…

  2. hay ewan ko ba, kasi kung mag aaral ako sa Pinas na lang hindi dito, mauubusan ako ng dugo rito e

    xiao!

  3. huy bruha! natural lang yang mga nararamdaman mo eh kasi nga bago ka pa lang. kumbaga nasa adjustment period ka pa. sabihin mo ulit yang pagkabagot mo after another year. tingnan ko lang kung gugustuhin mo pa rin umuwi pag nagka syota ka na jan at nagka friends.

    tsaka isipin mo na lang na isa kang “privileged” na tao. ang dami dami kaya gustong makapag aral jan sa states. wag mo sayangin ang pagkakataon. ikaw din naman ang makikinabang. o sya, tama na to bago humaba ang sermon ko. wahihi! di nga. di na kita itinuturing na iba…parang kapatid na rin kita kaya kahit makinig ka sa ate. umayos ka jan. hahaha!

  4. sistah sistah sistah… u listen ssshh ka muna ha? lols ano man ang negatib na feeling mo ngayon, feeling lang yan! unahin mo ang iyong pagaaral! whatever it takes alam ko mahirap ang buhay abroad but being a student abroad, haaays dami ata may gusto niyan ano. kung alam mo lang talagang buong story ng life ko, haays.. knowledge is power sabi nga ni ernie baron. pag may magandang work ka na, u can buy whatever you want kaya tiis lang muna. tama nga si ate maru lol. sa una lang yan habang wala kapang prens, pero wak ka munang mag jowa lol. “minsan” istorbo lang yan, “minsan” masarap din bahala ka ng mag balance kung sakaling makahanap ka ng boylet lalo na kung irresistible siya ahihihi.. kaya sumatotal, MAGARAL ka sis.. labyu lols

  5. wag ka makinig sa payo nila brath. wag ka na mag-aral. mag-asawa ka na lang agad..

    oist biro lang!!!! hahahaha.. mag-aral ka no. sayang ang pagkakataon. hanggat bata, educate yourself. all the hardship that comes with schooling will pay off once u graduate😀

  6. KOREK! Opportunity yan to live a far better life! Go girl! Ipakita mo ang sipag at tyaga ng isang Filipina. AT kahit bumalik ka d2 sa Pinas, pag jan ka graduate, naku, pag aagawan ka ng mga kumpanya d2.

    KAYA MO YAN.

    kahit na ma-nosebleed ka araw araw…tuloy mo lang!

  7. tama ang mga sinasabi nila,makinig ka sa kanila, wag sa akin, ok?

    wag ka na mag-aral, period. ^^

  8. marami rin naman mga noypi dyan na nag aaral, I’m sure marami kang magiging friends, pakitaan mo lang ng ITAKTAK MO, ITAKTAK MO! at A DOO DOO DOO, A DA DA DA!

  9. %ms.maru~~ mamat po sa sermon este advice pala, nakaw ms. maru ayoko nga magka syota dito, di ko sila feel eh hehehe

    %ms.banana~~ labyu too, hay maraming boylet dito kaya lang parang lahat sila suplado e,

    %azrael~~ o sige mag aasawa na lang ako ha, sabi mo yan..

    %chuvaness~~ taos pag balik ko sa Pinas ang putla putla ko na dahil dami ng dugo na nawala sakin hehehe

    %raymond~~ o sige na nga hindi ako makikinig sayo pramis

    mamat!

    xiao!

    %ms.red~~ sige papakitaan ko sila ng itak tak tak mo,(ano kayang reaksyon ng mga kano pag nikita nila akong tumataktak?lol)

  10. mag-aral ka ulit.

  11. sabi nga ni flavier noon, “Just DOH it!” Good luck!

  12. %tim ang~~ sige ttry ko talaga pramis

    %MOGLI~~ mamat sa pagbisita,,

    xiao!

  13. pag-isipan mong mabuti. kung ano talaga ang feel mo, then do it. just make sure na yung gusto mong kurso ang papasukan mo. am sure mag enjoy ka dyan, at maka hanap ka rin ng fafa. kung ano mauna, balitaan mo kami, hane? good luck!

  14. sige balitaan kita ms.kengkay kung may improvement sa buhay ko,,,mamat!

    xiao!

  15. masarap mag-aral, basta may magpapaaral sa iyo. ehehehe. gusto ko din mag-abot lang ng kamay tapos may allowance na ako agad. lol.

  16. hehhe masarap talaga pag may allowance lalo pag dolyares ang allowance mo hehe

    mamat po sa pag bisita!

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s