ang muryot kong wikend

Namuryot lang naman ako ngayong weekend kaya hindi tuloy ako nakapaglagay ng bago kong saloobin dito sa bahay bahayan ko. Nabwisit ako kay Odysseus, oo sya nga! Nahilo ang utak at dumugo ang ilong ko kakabasa ng THE ODYSSEY. Ang maganda lang dun e hindi ako binigo ni Odysseus, pinaliwanag niya ng maayos kung anong naging karanasan niya sa kanyang paglalakbay papuntang Ithaca. Hay, buti na lang mas makapal pa sa mukha ko yung dictionary na ginamit ko, laking tulong din nun para maintindihan ko yung mga pinagsasabi ni Odysseus sa kwento niya.

od1.jpg
ODYSSEUS(kuno!)

Anyweiz, wag na nating guluhin pa si Odysseus alam kong tahimik na ang pamumuhay niya ngayon. Bukod sa pagbabasa ng THE ODYSSEY nitong weekend, naging busy din ako kaka bloghopping. At napadpad ako sa makamundong blog ni ms.BANANA kasama ng kanyang saging sa bibig. Nagulat at nagulantang (parehas lang yata yun?) ako nung nakita ko yung maganda kong fektyur (kapal ko no? hehehe) sa isa sa mga entry nya. Sobra talaga akong na tats dun sa entry na yun ni ms.BANANA, hindi ko akalaing magkakaroon ako ng isang kaibigan tulad niya, at hindi lang siya marami sila na tumanggap sakin dito sa mundong to kahit hindi pa nila ako ganun kakilala.

Nandyan sila ms.MARU kasama ng kanyang mabulaklak na bikini, ms.JOJIE at ang kanyang curlers na blue na pinagkakaguluhan ng lahat, ms.RED na sinasabi nilang demonyita pero hindi naman.

brat1.jpg
kunwari tayo to mga sistah hehehehehe

Miski lahat ng nasa blogersrollers ko ay pinasasalamatan ko (tenk you tenk you!) kasi naging parte sila, nakibasa, nakikomento sa aking munting bahay bahayan. o diba nag drama naraman ako? hehhe wala lang.

Pero in the fair of ness kayo yung una kong set of friends dito sa esteyts no kasi dito lang naman ako nagsimulang mag blog.

Sana magkarooon tayo ng pagkakataon na makita ang isa’t isa tapos lahat tayo na ka curlers na blue o diba hindi halatang na obsess tayo sa curlers ni ms.JOJIE? hehehehe. Nasasabik na tuloy akong umuwi sa Pinas hehehe mis ko na rin kasi fafa ko dun e,(sabay ganun..)

sige sibat na muna ako ha magsasaing pa kasi ako e, hehehe(ang sipag ko talaga)

xiao!

Mga Puna

  1. elo brath .. salamat sa pagdalaw sa site ko. link kita a? bago lang ako sa wordpress e.

  2. uki mamat din sa pagbisita airwind!

    xiao!

  3. Isa sa mga paborito ko yang The Odyssey, kasama na ang Greek & Roman mythology.

    Paki bura na lang yung nauna kong comment na may typographical error. Salamat.

  4. nakahanap ako ng curlers pero pink e, hehe!

  5. %E.J~~ maganda naman ang the odyssey kaya lang ang hirap basahin pag sa libro na pero alam mo mas maganda yung movie kasi mas realistic talaga yung dating, napanood ko yung nung 3rd year hayskul kami..mamat sa pagbisita!

    %ms.kengkay~~ sige pede na yun ms.kengkay ang importante may curlers ka na hehehehe

    xiao!

  6. nung pinabasa sa amin dati yung odyssey, pinakuwent ko na lang siya sa kaklase kong chikadora. pero dinugo pa rin ako.

  7. teka kapatid alin ako dun?! malamang yung negrang makapal ang nguso! wahahahaha!

  8. nagustuhan ko din yang the odyssey na iyan. masaklap nga lang, ano? buti nalang matapang din ang misis ni odysseus, hindi nagpadala sa kanyang napakaraming manliligaw (na barbaric).

  9. %tim ang~~ mas lalo na pag sa internet mo binasa yung kwento, hindi lang ilong ang duduguin sayo hehehehe

    %ms.Jojie~~ hehehe sige ikaw na lang yun, pansin mo lahat tayo makapal nguso? hehehe

    %Pao~~ uu nga e ang haba ng hair ni Penelope, dami nyang suitors.

    xiao!

  10. Ganda yon, magkakamukha tayong lahat, hehehe😀

  11. tama ka dyan ms.red hehehehe

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s