a text message..

May natanggap akong text message kanina galing Pinas, at ito yung nakalagay:

kung may makita ka na dyan na sa tingin mo mas magiging maligaya ka.. sabihin mo lang pu sakin.. kasi parang nahihirapan ka na yata dyan dahil sa layo.. baka nakakahanap kana dyan.. matatanggap ko naman e…

bigla ko na lang napansin na naluha na pala ako habang binabasa ko yung text message niya. Nalito ako, hindi ko maintindihan kung ano gusto niyang sabihin o iparating sakin. Hindi ko tuloy makuhang mag text sa kanya dahil di ko naman alam kung anong dapat kong sabihin.

..dahil ba yun sa pag aaral ko dito? hindi ko naman ginustong mag aral ulit ng nursing dito dahil nakatapos na ko ng kolehiyo sa Pinas yun nga lang hindi ko magamit kung ano ang natapos ko dito. (hindi naman kasi lahat ng tao nabibigyan ng oportunidad dito, ang iba nga nakatapos ng engineering sa pinas pero pagiging isang cook ang naging trabaho niya dito. Kaya gusto nila na mag nursing ako tsk tsk)

..baka naman sya tong nakahanap ng iba?

naguguluhan talaga ako,ang labo rin kasi minsan ng mga lalaki. Hindi ko alam kung may ibang kahulugan yong sinabi niya na yun.

Kaya kaylangan ko ng tulong di lang ng mga babae pati na rin ng mga lalake dahil mismong mga lalake lang makakaintindi sa mga pinag gagawa o pinagsasabi nila. Ipaintindi niyo sakin kung ano ba talagang ibig sabihin nun..waaaaaaaaah/..hay

tir.jpg
hay buhay

Mga Puna

  1. hayyy.. long distance relationship. nakakatralala talaga, dama kita sister pero dalawa lang ibig sabihin ng text message na iyon.

    1. nagpaparamdam na ng break-up, cool-off at malamang kabaligtaran ang ipinahihiwatig ni fafa, siya ang may nahanap na at pagod na sa sitwasyon. masakit sister pero isa yun sa posibilidad.

    2. naghahanap ng assurance sa relasyones niyo, ano pa ba kayo? ang mga lalaki insecure yang mga yan aminin man nila o hindi.

    ito ay mga pala-palagay ko lang. ang pinakamabuting remedyo diyan. MAG-USAP kayo, as in yung usap na usap sa lagay ng niyo.

    i hope maayos sister, balitaan moko. *bighug!*

  2. ate sa akin lang ano…baka kasi na isip niya na baka nainip kana sa pag hihintay…wala siguro ibang kahulogan ang sinabi ng bf mo..thanks poh..un lang

  3. %jojie~~ hay sana nga maayos, salamat sister ha, ang harap talaga kapag ganun e.,.,

    %rechel~~ salamat sa payo rechel, salamat din sa pagbisita sa blog ko

    xiao!

  4. hi sis, tingin ko naman sincere ang text nya sayo.
    baka lang nung day na un, namimiss ka nya super, tpos alam naman nya na wala xang magagawa.🙂 cheer up

  5. tama ang sinabi ni jojie brath. maaring sya ang may nakita ng iba at hindi lang masabi sayo ng maayos. lalai ako😀 ganyan kami minsan, ayaw namin makasakit without even thinking na kung malalaman ng partner namin ang totoo, eh mas lalo pala kami nakakasakit.

    pwede rin naman na nanghihingi nga ng assurance. meron talagang mga guys na medyo insecure sa relationships lalo na kung magkalayo sila ng partner nya.

    the best course of action would be to talk to him.. about everything. and ask him what the message is for. jan mo lang malalaman kung ano ba tlaga ang gusto nya iparating sayo.

    i wish u all the best. sana mali ang mga naiisip mong negative thoughts😀 cheer up!

  6. %eitheryousinkorswim~~ salamat ha, sana nga ganun yung dahilan niya

    %Azrael~~ sana nga mali lahat ng iniisip ko tungkol sa sinabi nyang yun, pero gagawa ako ng paraan para magkausap kami as soon as possible,. btw thanks for that meaningful advice,.,

    xiao!

  7. ako may magkalalaki akong tumingin pag ganyan, hehe. katulad ni az, masyadong malaman ang message na yun. ang una kong naisip e cool off dahil may nakita na sya or cool off dahil na insecure na sya sa layo mo. sagutin mo, magusap kayo. hirap ng ganyan. be brave little one😀

  8. kung mahal ka niya talaga, hindi niya sasabihin yun.

  9. kung mahal ka nun di ka nya bibigyan ng problema magisa dyan.. saktan na yan! defense mechanism yan ng mga lalaki para sa huli hindi sya ang lalabas na nagloko.. haaays

    .. pero pwedeng mali ako syempre
    .. usap kayo’

  10. %ms.kengkay,foo,jon~~ salamat po sa payo, wag kayo mag alala pag uusapin namin yan..

    xiao!hay

  11. naniniwala ako na true love knows no bounds…mahirap pero choice nyo pa ring dalawa if you still want to be together…don’t give up. you may not be together physically for now, but in spirit dapat lagi kayo magkasama

    all the best to yah! miss ka lang nun, assure him na in the next few years, ipe-petition mo sya, tingnan mo di ka iiwanan nun..hehehhe

  12. “you may not be together physically for now, but in spirit dapat lagi kayo magkasama”

    wow gusto ko yun ah, thanks for the advice sis

    xiao!

  13. agree ako kay Jon. pero pag-usapan nyo muna, wag sa text o email o chat. kung kaduda-duda talaga, unahan mo nang kalasan! 🙂

    pero may mga tell-tale signs naman kung nawalan na ng interest sa ‘yo. baka dumadalang ang pag sulat/text/tawag nya sa yo? walang ganang makipagkwentuhan? biglang nagbago ang porma/ayos? nabago ang mga hilig at pinagkakaabalahan? nag-iba ang daily routine? iniiwasan ang mga common friends ninyo?

    maaring di reliable as indicators ang mga ito pero at least may pagbabasehan ka sa pagdecide later.

    IMHO.

  14. salamat sayo jun, alam mo ba kapangalan mo pa naman yun jun din ang nickname niya ,di bale kaya yan!

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s