winter,spring,summer or FALL

Ber month na ibig sabihin malapit na magpasko at 100 days na lang mula september 17 bartday ko na hay(gift ko ah!). Nagsimula na ang FALL season dito sa esteyts, unang fall ko ito. Malamig, sagad sa buto ang lamig. Nagsisimula narin mag iba ng kulay ang mga dahon sa puno, nangangahulugan malapit na silang malagas.

Tuloy pa rin ang buhay, kahit nangangatog ako sa lamig. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tirik na tirk yung araw sa labas pero ang lamig ng hangin. Sabi nga nila na huli na daw ang simula ng fall ngayon, dapat daw nung first week pa yun ng september. Ala naman akong pakialam kung napaaga o nahuli, ang gusto ko lang sana uminit ulit.

Ubos na ang jacket at sweater ko, nasa labahan na lahat kaka suot. Dahil nga sa hindi ako excited pumunta ng estayts noon ,inasar ko ang sarili ko at nagdala lang ako ng 2 jacket at isang sweater(at naasar nga ako). Pero ok lang bibili naman ako dito kapag sale na, every weekend naman kasi may sale dito e.

Susunod winter naman, hay sana magbago ang panahon. Sana pagdating ng December, mapapanood ko sa balita na may unusual weather disturbance at sasabihin nilang nagkapalit ang summer at winter. Bale ang winter e sa April pa. Para pagdating ng April e nasa pinas na ako nyahahaha.

fal.jpg
FALL

Mga Puna

  1. sis malapit na lang ang april. hehehe..

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRaTh: uu nga sis e ilang tulog na lang…

    xiao!

  2. HAPPYYYYYY BIRTHDAY SISTER!!!!!! *muah!!!!*

  3. wahahahaha! advance na’ko.😀 para ako una bumati.😉

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRaTh:uie sis asan yung gift ko? lols btw mamat!

    xiao!

  4. Heypi Bertdey tu yu! Hay kung ako siguro ang nasa States, nag uumpisa pa lang ang fall eh nauna na akong namatay sa lamig. Ginawin naman kasi ako. Ingat na lang, lagay ka extra protection sa lamig mahirap magkasakit lalo pag ganyan ang klima.

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRaTh: mamat po! heheheh naku parehas pala tayong lamigin no

    xiao!

  5. Dito rin sa amin nagsisimula na lumamig. Pakapalan na naman ng suot ng jacket nito!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s