im not a filipina anymore….

At dahil sa english ang title ng entry ko, dapat tagalog ang nilalaman nito nyahahahahha. Saka na yun pag malufet na ako mag english hmmm just gimme more 3 months to prepare lol.

Kahapon natanggap ko na ang pinaka hihintay kong american passport. Akala ko kasi October pa darating yun pero medyo napaaga ang pag process nila dahil kinulit ko sila sa internet. Syempre nakasulat dun yung mga information about sa katauahn ko at pinaka malufet lang dun e ang pagbabago ng nationality ko na ang nakasulat ay:

Nationality/Nationalite/Nacionalidad:
United States of America

huwhat! samantalang dati e FILIPINO pa ang nakasulat kapag nationality ko ang pinag uusapan. Kung tutuusin hindi ko nga na feel na nag iba na nationality ko e. Syempre dugong pinay parin ang dumadaloy sa ugat ko noh haler!

Pansamantala lang naman tong pagiging amerikana ko e kaya lulubus lubusin ko na nyahahaha. Hindi ibig sabihin nun na magiging inglesera na ako kasi di pa masyadong kaya ng shakra ko yun okey pero Im getting there…(ika nga ni Piolo nyahahahah). Bakit kamo pansamantala? aba syempre hindi ako papayag ng basta ganun ganun na lang. Mag aaply ako ng dual citizenship wahahahahah. Next week nga balak ko ng asikasuhin yun e kaya baka hindi matuloy yung sinasabi kong 3 months kanina sori na!.

Wag kayong mag alala hindi ako magbabago. Ako parin si BRATH na kilala niyo. Maganda, sexy, mabait ah basta lahat na lol.

Mga Puna

  1. waaaahhh!!! amerikana ka na kafatid! what you doin?? nyahahahaha!

    ay labyu padin kahit maging halo-halo citizen chovarloo ka.😉

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRaTh: labyu din kafatid heheheh, magigng special halo-halo citizen ako balang araw lol

    xiao!

  2. Naku! Di ayaw mo na ng Jollibee? Mc Donalds na? Hehehe!🙂

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRaTh: peyborit ko kaya jollibee saka mcdo. kaya lang alang jollibee dito sa jersey e sa las vegas meron na yata kaya lang ang layo naman nun e heheheh

    xiao!

  3. nakow! kakalimutan na nya kantahin ang bayang magiliw 😦

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRath: pramis hindi ko pu yun makakalimutan gaya ni Christian Bautista pramis! yung anthem nga nila dito hindi ko pa lam e at wala akong balak alamin nyahahahah

    xiao!

  4. congaratulations! pag dual citizen ka na, ganito pledge of allegiance mo …

    I pledge allegiance to the Flag
    of the United States of America,
    and to the Republic of the Philippines,
    one Nation under God, indivisible,
    With Liberty and Justice for all.

    haha🙂

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRath! mamat. di nga sis ganun ba yun? dual citizen kana ba?

    xiao!

  5. hmm, na inggit ako, mag sumpa na rin kaya ako sa bansang alemanya? edi sprachen deutsch na pati blog ko, lufet — di ko kaya yon, mas malubha pa sa nosebleed ang mangyari sa akin. at sempre wala na makaintindi sa emo ko, hmm

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    BrAth: ay naku sis kengks wag na, mas mabuti pang maging pinay ka na lang poreber! hehehe

    xiao!

  6. haha! idinagdag ko lng ‘yong Phils sa pledge of allegiance ng remika. american passport ko pero ako’y filipino sa isip, sa salita at sa gawa. :))

  7. Are you applying for dual nationality? So you can have both American and Pinoy passports.

    joy
    Your Love Coach

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    bRath: im not sure if I can have those two passports..

    xiao!

  8. does the states allow dual citizenship legally? i thought you’re not. however, i did read that quite a few americans do carry multiple citizenship. but, i might be wrong and just misunderstood the paper. anyway, well done.

    what’s the stories on heroes and smallville?

    ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
    brath: pinapayagan yun dito sa esteyts basta dadaan sa legal process…

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s