para sa nawawalang ama ni BRATH…

Hindi ako magsusulat ng ganitong klaseng entry dahil lang sa wala akong maisip na iba (pero sige sabihin na nating isa na rin yun lols).

Tawagin na lang natin siya sa pangalang MR.NAVOTAS(pagkakaalam ko kasi dati taga navotas daw yun). Di kasi ako sanay na tawagin kang papa, itay, tatay, pudra, erpats, dad, daddy, pappi, etc.

MR.NAVOTAS,

Alam ko hindi pa father’s day o di kaya christmas para sulatan ka pero ito lang ang tanging paraan para ilabas kung ano ang saloobin ko tungkol sayo. Huling kitang nakita nung 3 years old pa lang ako. Alam ko matangkad ka, maputi at balbas sarado. Pagkatapos nun di kana ulit nagpakita.

Wala akong sama ng loob, galit o hinanakit sayo. Kung tutuusin gusto ko pa ngang magpasalamat kasi kung hindi mo kami iniwan ni mama, hindi magiging ganito ka ganda ang buhay ko ngayon. Ni minsan hindi ko naramdam na may kulang sa pagkatao ko dahil napunan lahat ni mama ang pagkukulang mo sakin kaya wag ka mag alala.

Wala na akong balak na hanapin ka pa, ni hindi ko nga pinangarap na mag krus pa ang landas nating dalawa gaya ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Huwag mo na rin sana akong hanapin, di dahil sa ayaw kitang makita pero kasi baka makita kapa ni mudra, masampal ka pa nun alam mo na.

Ang nais ko lang sana ay maging maayos ang kalagayan mo ngayon. Minahal mo man kami ng mama ko o hindi wala na akong pakialam dun. ang importante lumaki akong maganda(hala!), mabait at may takot sa Diyos.

Hindi ko alam kung mababasa mo ito o hindi, ang importante alam ko, alam ng mg makakabasa nito at alam ng Diyos na tanggap pa rin kita bilang isang ama…..

Nagmamahal,
BRATH….

Mga Puna

  1. hinde naman pala spoiled brath… =D

    that’s very nice of you…i’m sure kung mababasa nya to, he’ll be very proud of you. stay hapi my dear. tama, wala ng grudges…it’s bad for the soul…mwaaahh

  2. ganda ng letter mo ate.. nkakarelate ako.

  3. hmnnn… sana nga mabasa niya toh.. i just thought na kahit papano gusto mo parin cguro syang makita.. coz he’s still ur dad..

  4. ganito din kaya ang isulat ng mga junakis ko sa blog nila someday? hehehe

  5. you’re a good girl brath😀

  6. hmmm, bait naman. ano kayang magiging reaksyon ng mama mo pag nabasa nya ‘to? sulat mo rin – pang update.

  7. Ambait naman! Pero tama yun, walang bitterness. At least naging maganda pa ang buhay niyo kahit na wala siya.

  8. to all`~` hehe mabait pala ko, nako pag nakita to ng mudra ko patay talaga ako lols

    xiao!

  9. […] para sa nawawalang ama ni BRATH…gusto mo ba ako makilala?desperadang komento,,,,Mi Ultimo UboHow to Be a Good Boyfriendthesis […]


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s