BoHoL, BoHoL sagot sa kahirapan…

Wala lang papansin lang yung title ko.

Every year kaming nagbabakasyon sa Bohol. Doon kasi ang probinsya ng aking mudra kaya hindi pwedeng di kami mapadalaw dun. Napamahal na sakin ang lugar na yon dahil simula 3 years old pa lang ako e regular na ang pagbisita namin sa Bohol.

Nakakaintindi rin ako ng bisaya pero medyo hirap magsalita. Pano ba naman kasi halos lahat ng kamag anak ko sa mudra’s side e puro bisaya. Pati nga mudra ko minsan binibisaya ako. Lahat ng kaibigan kong bisaya e binibisaya ako pero pag sumagot ako sa kanila tagalog na hehehe.

Pinagmamalaki ko na galing ako sa lahi ng mga bisaya kahit sa Manila na ko ipinanganak. Wala lang para sakin masarap sa feeling e.

Isa sa pinagmamalaki ng Bohol ang FLOATING RESTAURANT sa Loboc River. Kada magbabakasyon ako, lagi akong pumapasok bilang extra sa restaurant na yun sayang din kasi e. Gusto niyong makita yung restaurant na sinasabi ko? eto yun o:

floating.jpg

O diba ang ganda ganda! hehehehe maraming turista ang sumasakay diyan lalo na pag summer at nagpupunta sila dun sa maliita na falls na ang pangalan ay Busay or Busai(di ako sure sa spelling e).

busai.jpg

Gustong gusto maligo ng mga kano diyan sa maliit na falls na yan.

Talaga namang mabibighani ka sa ganda ng Loboc River. Doon pa nga nag shooting si Cesar Montano sa pelikula niyang “Panaghoy sa Suba”. Isang likas na boholano din kasi si Cesar kaya ganun.

float2.jpg

Malapit lang ang bahay bakasyunan namin sa suba(river) kaya dati lagi akong pumupunta para maligo hehehe. Sa susunod na summer pupunta ulit ako sa Bohol para mag relax. Ano gusto niyong sumama?

Mga Puna

  1. Nasa Cebu lang naman din ako😛

  2. pangarap ko din talagang makadalaw sa bohol… sana next year matupad na. dadalawin ko yung mga tarsiers, pipiktyuran ang mga simbahang bato, pakikinggan ang mga mala-boses anghel na loboc children’d choir, at kakain sa floating resto… bonus na kapag makasalubong ko pa si cesar montano🙂

  3. dru~~ malapit ka lang pala e

    taroogs~~ kita kits na lang tayo dun ha..

    xiao!

  4. gustong-gusto kong pumunta dyan kaya lang may kamahalan daw ang pagbabakasyon sa bohol. any tips that you can give me para makatipid?🙂

  5. sarap naman magbakasyon jan..

  6. […] sa mga katalik (kung mayroon man) 6. Red, na kailan lamang ay naghahanda para sa kaniyang IELTS. 7. Brath, na laging present sa listahan ng aking naiimbitahan. 8. Jon Cabron, na kapitlungsod ko […]

  7. ganda naman! sarap kasama family pagnamasyal jan.

  8. air~~ tips para makatipid? ah sabay ka na lang sakin pag pumunta ko dun heheh la ako maisip e, di naman masyadong mahal ang pumunta dun pwede ka namang mag barko e.

    rhapsody & banana~` uu masarap talaga pramis!

    xiao!

  9. sana mag reply ka sa email ko kung panu pumunta ng bohol sa murang halaga, gusto ko kasi sana kumuha ng mnga litrato jan, e d naman ako mayaman sana matulungan moko t.y.y


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s