payo ni BRATH kay VANGIE…

Dahil sa may trabaho ako ng sabado at linggo(pati pala lunes) ay hindi ako nakapag bukas ng kompyuter.

Merong isang babae ang nag comment sa entry kong:Ang Drama ko?…..Tawagin na lang natin siya sa pangalang Vangie. Di ko alam kung pano siya napadpad sa bahay ko, sa tingin ko naman kasi e hindi naman sikat ang bahay ko para madiscover ng ibang tao. Ayun nagulat lang ako kasi ang haba ng comment niya, kala ko nga nung una spam e pero mukang hindi naman.

Nanghihingi siya ng payo sakin. Ikinawindang ko yun dahil bihirang bihira ako magbigay ng matinong payo. Kung totoo man ang pinagdaraan niya ngayon, susubukan kong bigyan siya ng payo.

Vangie’s comment:

~depressed ako at s kahahanap ng makakapag-paluwag ng nagsisiskip kong dibdib,napunta ako s website n ito.napetisyon ako ng isang kanong penpal ko na 22 yrs ang agwat s akin.may isa akong anak s pagkadalaga at pareho na kaming narito s amerika.3 taon n kaming nagsasama ng kano pero habang tumatagal,lalo kong nare-realize na hindi ko sya kayang mahalin.hanggang sa nagkrus muli ang landas namin ng una kong pag-ibig thru internet makalipas ang 16 na taon na hndi pagkakaroon ng komunikasyon..nasa ibang bansa din sya at umabot ng taon ang lihim naming relasyon na hanggang computer lang naman ngunit ang pagmamahal sa isat-isa ay buhay n buhay muli.sa ngayon pilit n nya kaming pinauuwi ng pinas at mamuhay doon kasama sya at ang mga binuo nyang panagarap para sa aming mag-ina.alam ko sa puso ko na gus2 ko n syang makasama at magkasundo naman sila ng anak ko.naguguluhan ako.pag umuwi ako,magagalit ang magulang ko dahil opportunity na ito at paano si kano?kapag hndi ako umuwi,alam kong mawawala n din sa akin ang pinakamamahl ko.ayaw nya dito sa amerika at kaya nya daw kaming itaguyod mag-ina.gus2 nya akong maialis sa pagkakalubog ko sa malaking kasinungalingan…sa pakikisama s taong halos ama ko na at ni wla akong pagtingin kahit konti.naguguluhan ako.ano b ang dapat kong gawin?meron pa akong 8 buwan pra magdesisyon.uuwi ba ako s pinas at tuluyan ng kakalimutan ang amerika o isasakripisyo ko na lang ang sariling kaligayahan?paano ang kinabukasan ng anak ko n hndi sgurado s pinas?paano ang magulang ko na umaasa sa akin na mapepetisyon din sila(ngunit yun ay napakatagal pa bago mangyari)?nasa punto n ako ng pagpili kung puso b o future?minsan lng kumatok ang oportunidad ngunit pag pinalampas ko p ang pangalwang pagkakataon n maksama ang taong tangi kong minahal ng ganito katindi,alam ko wla ng susunod p.alam ko mdami kayong nakokornihan pero totoo lahat ng ito.napakahirap din pala dito s amerika.s haba ng panahong inilagi ko dito,ni minsan di ako naging masaya dito.gulung-gulo ang isip ko.sana may makapagbigay s akin ng payo s website n ito.

~di ko talaga ma-appreciate ang amerika kahit ang tagal ko na pero nwawalan ako ng loob kapag my nagsasabing malaking katangahan daw pag iniwan ko ang tate dhil wla daw knabuksan s pinas.pero dito ko nranasan n mabaon s utang ng nwalan ako ng trabaho,mag-iiyak s gabi dahil wla n kming kakainin ng anak ko at d k naman pwede manghingi s kapitbahay mo,tpos ung prang nadi-discriminate ang anak mo s school dahil d p sanay mag-ingles.malungkot ako dahil ipit n ipit ako s sitwasyon.maisusumpa ako ng parents ko kapag bumalik ako s pinas.maisusumpa din ako ng bf ko kapag d ako tumupad s pangako ko na umuwi na at pakasalan sya…sa tuwing magkakausap kmi,excited syang ibalita n gngwa n ang titirhan nming maliit n bahay,n nakabili n sya ng ganito o ganyan pra s bahay at higit s lahat,ang wedding ring n binili nya.hndi ko makuhang mgsaya ng totoo dahil di ko alam kng anong dapat kong gawin.oo,magiging masaya ako s piling nya pero paano ang magulang ko n masasaktan ko?at my kinabukasan kaya ang anak ko sa pilipinas s paglaki nya?anyone…pls help me.sana may maka-relate.

payo ni BRATH:

Hay buhay! May pagkakahawig ang buhay mo sakin Vangie kaya lang ako walang asawang kano at anak. Ibig sabihin parehas tayong may iniwan at pinangakuan na babalik tayo sa Pinas.

Mahirap pumili sa pagitan ng pag ibig at kinabukasan lalong lalo na kung anak ang pag uusapan. Tama ang sinabi mo na walang kasiguraduhan ang future ng anak mo sa Pinas, hindi basta basta uubra na ang bf mo lang ang magtatrabaho para masustentuhan kayong dalawa ng anak mo. Oo nga at magiging masaya ka dahil makakasama mo ang pinaka mamahal mong tao pero pano naman ang anak at mga magulang mo diba? Kung mahal ka niyang talaga makakapaghintay siya.

Kung may pagkakataon ka na makapag trabaho dito sa amerika, bakit di mo gawin.? Marami kang mahahanap na trabaho lalo na dito sa amerika, hinding hindi ka mauubusan nun. Kahit under the table lang sunggaban mo na ang importante makaipon ka. Pag nakaipon ka na, saka mo planuhin ang pagbalik niyong dalawa ng anak mo sa Pinas. Teka pano nga pala yung kano? Siyempre hindi mo pala basta na lang malulusutan yun.

Ang mabuti mong gawin kausapin mo yung kano. Sabihin mo sa kanya ang gusto mong mangyari. Alam ko iisipin niya na wala kang utang na loob pero kung desilido ka talagang bumalik ng Pinas siguro naman maiintindihan niya yun.

Kung hindi ka man payagan ng kano na umuwi at iwan na lang siya ng ganun ganun na lang, wala kang magagawa kung di magtiis. Ganun talaga ang buhay Vangie, kaylangan may sakripisyo, kaylangan may piliin para sa ikabubuti ng buhay mo. Sadyang mahirap talaga ang buhay dito sa Amerika, akala nila pa easy easy lang tayo dito pero kung alam lang nila ang pinagdadaanan ng mga Pilipinong tulad mo at nagtitiis para makamit ang magandang kinabukasan.

Vangie gaya nga ng sinabi ko kanina, kung mahal ka talaga ng bf mo, hihintayin ka niya kahit gaano pa katagal. Kung alam mo sa sarili mo na hindi ka makakabalik, sabihin mo sa kanya agad at wag mo siyang paasahin.

Hindi ako sigurado kung may mapupulot ba si Vangie sa mga sinabi ko. Ang hirap hirap naman kasi ng sitwasyon niya. Sana lang mapadpad ka ulit sa bahay ko at mabasa mo itong entry ko para sayo. Salamat nga pala sayo kasi nagbigay ka ng tiwala sa di mo kilalang taong tulad ko yun lang.

Sa mga ka bloggers ko, kung may iba pa kayong ma ipapayo para kay Vangie, mag payo lang kayo malay niyo naman makatulung tayo diba?

Mga Puna

  1. pwede…. aus na advice sis…

    pero ang hirap nga ng sitwasyon niya.. un nga lang hindi din niya masisiguro ang kinabukasan nya kapag bumalik siya ng Pinas.

    Kung minsan hindi din natin alam kung ano ang mangyayari kapag pinili natin ang sariling kaligayahan natin. Ang mahirap lang, papano kung umuwi siya ng Pinas at magkaron sila ng problema ng bf niya sa Pinas, mahirap na ang bumalik pa ng States. Mas maigi nga ang maghintay ang bf niya, kung totoo ang pagmamahal nila sa isat isa tama ka kapatid, kailangan ang pagsasakripisyo, gaya ng ibang mag-asawa na nagkakalayo para rin sa kinabukasan ng pamilya nila. Nagtitiis kahit na matagal na magkalayo kasi alam nilang sa ikabubuti nila at ng mga anak nila ang dahilan ng pagkkahiwalay nila.

  2. mahirap-hirap ng ang kalagayan ni vangie. pero una sa lahat sigurado ba syang mahal nya yung ex nyang 16 years na nyang di nakikita? o ang kanyang “pag-ibig” para dito ay bunsod lang ng realization nyang di nya pwede mahalin ang kano? pwede rin namang kaya nya naisip na imposibleng nyang mahalin si kano ay dahil gusto nya ang kanyang ex. minsan kasi ang mga pagtingin natin sa mga bagay-bagay ay nahuhubog ng ating mga inklinasyon. halimbawa bago pa man sya pumunta ng america ay alam nya nang malaki ang agwat ng kanilang edad. bakit di ito issue noon para sa kanya at bakit ngayon biglang naging issue na?

    pangalawa, sigurado ba sya sa kanyang ex? mahaba-haba ding panahon ang 16 years na walang komuniskasyon. iba ang pakiramdam sa relasyon sa internet (virtual) at iba talaga ang magkaharap at magkasama na kayo. di kaya ang resurgence ng “pagmamahal” na ito ay bunga lang ng pagka-ayaw sa kano at naghahanap sya ng mapanghahawakan para iwanan ito?

    ipagpalagay na nating mali ngang kasama nya si kano… pero ibig bang sabihin na tama yung palno nyang sumama kay ex? di porke’t mali ang kanyang kasalukuyan ay tama na ang kanyang pupuntahan. a wrong may not be corrected by another wrong.

    di ko sinasabing mali si vangie, posible rin naman tama sya, pero dapat lang na pag-isipan nyang mabuti ang kanyang gagawin.

  3. Hays.. mahirap nga ang situation niya…

    Question for Vangie:
    Nasabi mo na ba sa bf mo sa Pinas ang sitwasyon mo na nahirapan kang magdesisyon na umuwi dahil marami ka pang gustong tuparin para sa pamilya mong umaasa sa yo lalo na ang kinabukasan ng anak mo?

    Kung HINDI pa you should kase kung ano man maging sagot niya dun pa lang you’ll get to know the real him.

    Kung nasabi mo na at pilit ka pa rin niyang pinapauwi, selfish siya. Sorry pero in the name of love walang kondisyones. Why can’t he go to the US kahit ayaw niya and sacrifice himself rather than HURTING the people you love most? Di ba may kasabihan tayo na love mo love ko rin? Magiging asawa mo yun kung sakali and his happiness shouldn’t be for himself only but for the good of the whole.

    I am a single parent and I’m out of Pinas din para magwork for the future of MY FAMILY. 7 years akong nagiisa dito tiniis ko yun dahil sa pangarap, now on my 10th year unti unti ko ng dinadala mga kapatid ko dito para magwork. I don’t care kung tumanda akong walang pakakasalan basta malaman ko lang na masaya ang mga magulang ko para sa aming magkakapatid, masaya na rin ako. Di bale na iwanan ko ang bf ko wag ko lang ma disappoint ulit mga magulang ko. I’ve done that and I am still content, seeing my parents smile and happy, kaligayahan ko na rin yun!

    Vangie, i hope this will enlighten you, this is my own life experience. Kung hindi man maybe other bloggers may do.. I’ll pray for you.

  4. di ko inaasahan na mdami na palang nag-comment s akin.salamat s inyong lahat lalo n s may-ari ng website na ito.may isang nagtanong kung nasabi ko na ang sitwasyon ko s bf ko.ang sagot ko po ay oo..kaya nga ninais nyang lalo na makawala ako s isang malaking kasinungalingang kinasasadlakan ko.ako na lang ang hinihintay ng tahanan na uuwian naming mag-ina.mahirap ipaliwanag.ilang libong beses ko mang piliting ipaliwanag ang lahat,alam ko bibihira lang ang makka-relate ng 220 s akin at bihira lang din ang makakapgbigay ng sagot na gus2 kong makuha.the bottomline is…..wala akong naramdaman ni katiting na kaligayahan simula ng napadpad ako d2 s amerika.at c kano..he knows im inlove with sumbody else at handa syang palayain ako.life is too short.napakahirap alamin kng ano b tlga ang tamang gawin.d natin alam kng ano ang pagccchan mo pagating ng araw.madaling solusyunan ang problemang ito pra s nakararami…dala na rin ng hirap ng buhay,automatic ang sagot-maging praktikal.kumikilos ako n prang robot sa lugar na ito pra s mga taong umaasa sa akin sa pinas pero ramdam n ramdam ko,unang araw p lng na umapak ako s lupain ng mga puti….namatay na ko.saka ko na-appreciate ang lahat ng meron s pinas.sa bawat oras n dumaraan,2 tao ang nasasaktan ko…c kano dahil alam nyang kasama ko man sya,iba naman ang laman ng puso ko at ung bf ko….na tinitiis ang bawat araw n alam nyang hndi sya ang kasama ko.im so desperate.mababaw lng naman ang kaligayahan ko…pero hndi ang mga taong umaasa sa akin.ang sakit-sakit.bawat araw unti-unting namamtay buong pagkatao ko.nanghhinayang ako s mga taon n iniwan ko ang anak ko at ngayong narito n sya s piling ko,dalawa na kaming miserable sapagkat hndi namin kapwa mayakap ang sitwasyong kinaroroonan namin.maraming salamt s inyong lahat.patuloy akong aasa s mga payo.dios lamang ang nakakalam kng gaano kabigat ang kalooban ko.MARAMING-MARAMING SALAMAT S INYO.

  5. tanong ko lang…amerika na lang b o pag-a-abroad ang sagot s lahat ng problema?bakit di ko makita yung saya at kakuntentuhan ng buhay dito na gaya ng sinasabi ng karamihan?meron pa kayang tao n nsa lupaing ito ang malilogaw s website na ito para sabihing ganon din ang perspektibo nya sa tate tulad ko?ilan lang ba kaming namumuhi sa pagkakapadpad s lugar n ito?at ako lamang ba ang taong nais iwan ang “masagana”daw n buhay d2?pasensya n po s mga taong maaaring nasasagasaan s mga tanong ko.ako po ay isang ligaw na kaluluwa na alam ang gus2ng tunguhin subalit walang lakas para higit na unahin ang sariling kaligayahn.noon,ako po ay taong gandang-ganda sa buhay,,laging nagbbigay inspirasyon s mga kaibigan subalit ng akoy napunta ng amerika,saka bumagsak ang lahat ng positibong pananaw ko s buhay.

  6. brath dear…
    ask mo sya kung gusto nya ng payo ko..

  7. hi defpotec.. i think dapat gawan mo siya ng espasyo sa iyong lovenuts..😉

    to vangie:

    sa tingin ko lahat tayo may kanya-kanyang desisyon sa buhay. kahit pa gano na kadami ang mga payo na matatanggap natin sa mga kaibigan, kakilala, at mahal sa buhay.. iisa pa rin ang masusunod.. at iyon ay IKAW lang. Sa pananaw ko lang at ng ibang nagcomment, mas priority muna ang immediate family, ang magulang at mga kapatid, at sariling anak. Ung makaganti ka sa mga nagawa nila sayo at mapasaya mo sila.

    tama ka na hindi lang pag-aabroad ang solusyon sa kinabukasan, pero sa kinalalagyan mo ngayon mas nakikita mo na ang kinabukasan. Hindi ka namn siguro magdadalawang-isip sa sitwasyon mo ngayon kung alam mong walang magiging problema sa kinabukasan ng anak mo kapag umuwi ka ng Pilipinas.

    opinyon ko lang yan Vangie… whatever ur decision is i hope na maging maganda ang outcome..

  8. kala ko may problema sya… wala naman pala. kung handa naman pala syang palayain ni kano e di ano ang problema sa pag-uwi?

  9. to all~~salamat sayo inyo sa pagpayo kay vangie..

    vangie~~ gusto mo ba daw ng payo galing kay def? hmmm magaling yan mag payo pramis!

    xiao!

  10. oo namn kahit kaninong payo manggaling..slamat brath,i really appreciate it.gus2 kong mahiya dahil s pagpo-post ko dito ng problema ko..mrami kc ang alam kong sarcastic s pagco-comment.at tama ka,ako pa din ang masusunod.dpat nmn tlgang immediate family muna..pero ang tanong,hanggang kailan at hanggang saan?hindi ko n talaga alam ang dapt piliin.bahala na.salamt s mga nagpayo skin.may god bless u all.

  11. rhapsody and def…thanks a lot.thank u,thank u,thank u.

  12. at sa lahat po n di ko na mabanggit pa…,marami pong salamat.sum helps,sum aggrevates but it taught me how to analyze evrything..matatalino at malalalim ang mga taong nakita ko sa website na ito.thank u guys.ang sarp pla ng pakiramdam na ang daming pumapansin syo.

  13. teka…extra lang ako ha….HI brath

    Vangie,
    u knw minsan kailangn natin magdesisyon sa buhay kahit anong gawin mo may masasaktan at masasaktan, ang tanong alin ang kaya mong tiisin ang sakit na nararamdaman mo o ng pamilya mo, may mga bagay na ginagawa tayo dhil akala natin dun tayo sasaya but lately pagsisihan natin. Buhay mo yan, hawak mo ang sagot sa mga taong mo pero handa mo bang panindigan, magiging masaya ka ba kung nakikita mo ang pamilya mo na nasasaktan? ang love ay kayang umunawa, maghintay at magsacrifice. Isipin mo ang anak mo, kung ano ang makakabuti sa kanya. KOnting tiis lang, mag ipon ka, kapag ok na lahat e di GO ka na pauwi ng pinas. Minsan lang kumatok ang swerte samantalahin, masakit mawalay sa mahal mo pero mas masakit kumalam ang sikmura at makitang naghihirap ang mahal mo sa buhay. Ikaw matitiis mo ang lungkot at sakit,eh sila kaya. wag mong antaying pagsisihan mo ang desisyon mo, wag padalosdalos…God is good, for sure tutulungan ka nya, libangin mo sarili mo.wag mong isiping malungkot ka kz lalo kang malulungkot. Kung love ka ni bf maghihintay sya kahit gano katagal…GOD BLESS.

  14. salamt katherine.salamt.god bless you all.

  15. HI… ATE VANGIE…. AKO NGA PALA SI ANGIE….. SANA MA PAG TUUNAN MO NG PANSIN ANG GUSTO KONG IPARATING SAYO…
    HINDI LNG IKAW ANG DUMARANAS NG GANYANG SITWASION.. ISA NKO DUN.. BKA NGA IKAW HINDI MO PA NAPA KASALAN ANG KANO..KAYA MAY CHOICE KANG PUMILI.. AKO WALA NA.. DAHIL NAPAKASALAN KO NA ANG TAONG MAG AANGAT KA SA AKIN SA KAHIRAPAN PURO MAGLU2BOG SAKIN SA KALUNGKUTAN…
    NAPAKA HIRAP NG BUHAY DITO SA PINAS. YUN ANG NAG TULAK SAKIN PARA GAWIN ANG BAGAY NA UN.. NA SA TINGIN KO DIN AY TULAD SAYO..
    ATE VANGIE… ADVICE KO LANG SAYO. NANDIYAN KA NARIN NAMAN. WAG MUNANG AK SAYAHIN ANG PAGKAKATAON. KUNIN MO UN TAONG MAHAL MO DITO AT JAN KAYO MA MUHAY NG MAAUS.. UN KANO. BILANG UTANG NA LOOB ALAGAAN MO SIYA….

    ATE VANGIE.. HINDI MAN TAYO MAG KAKILALA. IPAGDASAL NATIN NA MALAGPASAN NTIN ITO. AT DUMATING ANG ARAW NA GIGISING TAYO NA KUMPLETONG KASIYAHAN ANG NARARAMDAMAN… KASAMA NG MGA TOTOONG MAHAL NATEN…

    NANINIWALA AKO NA HINDI TAYO PABABAYAAN NG DIYOS…
    INGAT KA JAN GOD BLESS YOU PO…


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s