Report/s ni BRATH….

Kinarir ko ang paggawa ng reports sa loob ng tatlong araw. Ayos diba? Sumakit lang naman ulo ko at natuyo ang utak ko sa paggawa ng sandamukal na reports. Imbis tuloy na nagsusulat na lang ako dito sa bahay ko e natambakan pa ko ng peyper works hanubayan…

Nakakalungkot isipin na ang boss ko ay umuwi ng Pinas at nagpapakasarap dun samantalang ako ay hindi magkanda ugaga sa pagtapos ng dapat tapusin. Simula sabado hanggang kanina e naka kunot ang noo ko dahil diyan. Bihira lang ako gumuwa ng maraming reports kaya kanina walang nagtangkang kausapin ako dahil alam nila na kaya kong tapusin ang maliligayang araw nila kapag instorbo nila ako.

Ang taray diba? ahahaha.
Hindi lang pala reports ang inatupag ko meron pa pala. Pati mga hindi mabalanseng transactions ako pa ang nagbalanse. Kulang na lang halukayin ko kung sang lupalop ang hindi makitang pera o sobrang pera sa kaha. Ampf!

Ayoko ng isipan pa ang mga yan, wish ko lang next wik magbalik na ang boss kong kamuka ni Batista para hindi ako masyadong matambakan diva?

sige at ako’y mag bu beauty rest pa awts.

Mga Puna

  1. buti ka pa, kamukha ni batista ang boss mo.. ang boss ko kamukha ni Shin Chan! wahahahaha! Happy beauty rest sister.🙂

  2. gusto mo ng tulong?

    xie xie!

  3. hirap kumita ng pera noh?
    mga boss ko dati mga gwapito.😀

  4. nakakatuwa naman. hihihi.

  5. jojie~~ uu kamuka talaga ni batista yun, kaya lang taken na siya e lols.

    def~~ oo gusto ko ng tulong mo,, kaylan ka ba libre?

    maru~~ hay sinabi mo pa, tsk tsk

    paurong~~ bakit ka naman natutuwa? hihihihih

    xiao!

  6. Buti ka pa may riport na ginagawa ako heto tunganga!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s