unica hija

Malamang ako yun diba? nyahahaha. Sa totoo lang, wala ka masyadong mapupulot sa entry kong ito. Gusto ko lang kasi mag kwento dahil darating naraman ang wikends at magiging busy ulit ako.

Dahil nag iisa akong anak di ibig sabihin nun e nakukuha ko lahat ng gusto ko. Dati nung bata ako siguro oo, dahil isang ngawngaw ko lang e agad bibilhin ng mudra ko kung ano gusto ko. Pero nung medyo tumagal na di na masyado.

Alagang alaga din ako ng bata pa ko, kaya lang isang kasambahay ang nag aalaga sakin kasi may trabaho si mudra sa opis e. Meron isang nag alaga sakin na ayaw akong palabasin ng bahay dati kasi baka daw mag ka peklat ako. At ito ang kwento nun.

mudra: tess palabasin mo naman yung bata sa labas para maglaro. tingnan mo medyo maputla tuloy yung bata kasi di nakakalanghap ng sariwang hangin..

maid: ati, kung palalabasin ko si BRATH, baka magka piklat yan! sayang ang kutis!..

mudra: yaan mo na siyang magka peklat basta ma enjoy niya yung pagiging bata niya.

maid: ati ano ka ba magkaka piklat nga siya, kami na lang maglalaro ni brath dito sa loob uki para sif.

*hanggang sa wala ng nagawa si mudra para makalabas ako, umalis na lang siya agad papuntang trabaho….

Malungkot daw pag nag iisa ka lang anak. Pero ako di ko feel yun kasi nung pinapayagan na ko lumabas ng bahay e isang tambling ko lang, nandun na ko sa bahay ng pinsan ko kaya ang saya! saya!.

Ang pangit lang sa pagiging unica hija e bantay sarado ka, lalo na sa mga boys! Nakupo! Pero siyempre tuso tong si BRATH hahahaha kaya yung unang boyprend ko e hindi nila nalaman nyahahaha,, galing ko talaga. Itong beauty na to di pwedeng maka boypren? neknek nila! nyahahahaha

picture-10.jpg

Mga Puna

  1. hmmmm.. walang peklat… hmmmmmmmmm.. la lang nyahahahaha

  2. Naka-relate ako dito kasi isang anak lang din ako. Oo nga di naman malungkot pag isang anak ka lang, enjoy nga kasi bigay sa ‘yo lahat ng gusto mo eh! Saka madami namang prens na parang kapatid na rin.🙂

  3. aZ~~ hmmmmmmmm ikaw ha… lols

    kiko~~ haha uu nga ang saya saya !

    xiao!

  4. neknek talaga nila, ahahaha… gusto ko yang expression na yan, pero ngayon ko na lang ulit na-alala… hay, kami din, pati sa lamok dapat daw e itago. hanu ba yun. buti pa itong mga anakis ko, kahit anong sulok pinapasok; oks lang kay nanay kengkay. pero sa tatay nila minsan e pumapalya yon… papa’s girls e.

  5. So tell us about your first boyfriend. That should be interesting. By the way Brath, please to go Your Love Coach as I have tagged you in the post 7 Truths About Me. Please let me know once you’ve done it coz I’d really like to get to know you better. Ingat!

    joy
    The Goddess In You

  6. AYUN NA!!!!!! Pretty! Ay naku, ako nun bata ako…lagalag akoooo. Sobra kong na enjoy ang aking childhood.

  7. i can relate. im an only child as well.

    diosmeh diba. only child na nga, girl pa! kelangan ko pa tumakas dati para makapaglaro dahil bawal ren ako makipagtakbuhan at baka nga daw magkapeklat. ngayon, pinagbabawalan pa ring lumabas dahil baka ano mangyari. malas lang ng parents ko (slight) dahil lakwatsera ako. mwehehehe. :p

    pero keri. mejo nagsawa na rin sila manaway. :p

  8. only child din ako, masaya naman kahit mag isa madami namang ibang tao e, pero siguro mas masaya kung may kapatid, ewan natin diba kasi di naman natin na experience e.. pero sa anak ko plano kong bigyan ng kapatid ng maiba naman hahaha.. tc sis😀

  9. only girl lang ako eh… kaya masyado silang mag-ingat sa akin kasi babae daw ako kaya kahit college na di dapat magpgabi…

    at nung bata pa ko, ksma ko ang kuya ko tumakas para maglaro kami with our cuz.. kaya aun may peklat ako, nasabugan ba naman ako nung paputok ewan ko kung anong tawag dun.. hindi siya actually pumutok basta nakita nalang nila na dami ng dugo.. malikot kasi tsk tsk tsk..

  10. (nagtataka)… lasing na naman ba ako? parang di maka-pokus mga mata ko e… sayang. me magandang babae pa naman…🙂

  11. waaahhhh!!! sis! anlabo mo! nyahahaha! ay lab it!

  12. mami kenkgs~~ kaylangan alagaan ang mga chikiting para iwas peklat sila

    joy~~ dont worry ill work on it soon…

    malen~~ yun yun e! heheehe na enjoy ko rin naman ang kabataan ko kaya lang medyo na late lang ako ng konti hehehe

    alpha~~ sinabi mo pa sis, ang tawag satin ay takas gang~!

    taroogs~~ oo lasing ka, kaya mag kape ka muna lols

    jojitah~~ ay sis malabo talago kahit kaylan

    joan~~ dapat ramihan mo ana mo ha? lols

    rhap~~ baka pla pla yung sumabog na paputok? aray sakit nu ha

    xiao!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s