umatras ang oras

…Kahapon 8 ng umaga ang pasok ko sa trabaho. Maaga masyado, nakakatamad gumising, nakakatamad maligo dahil malamig(pero syempre naligo parin ako)

…Nag alarm ako ng 5:30am pero wag niyong isiping gumising agad ako dahil ang totoo niyan, natulog ako ulit at mga 6:40 na yata ako gumising.

…Tumunganga saglit at naligo pagkatapos. Nagtimpla ng kape at kumain ng suman na malagkit na binili ko sa pinagtatrabahuan kong Pilipino store.

…Napatingin ako sa oras sa may microwave ng bigla akong napamura P#@*!!!!!!

…Nagulat ako kasi pagtingin ko sa oras e 8:48am na, lintik yan alas otso kaya ang pasok. Sobrang late na pala ako.

…Hinagilap ko selpon ko para i check kung 8:48 na talaga, pag tingin ko 7:30am pa lang.Chineck ko din yung oras sa naka roam kong phone at nakalagay dun e 9:15. AMPF! ano ba talaga kuya! nasa earth pa ba ako????!!!

…Kinatok ko yung madrasto ko para magpahatid na lang kasi di ko alam kung late na ba talaga ako. Kung mag ba bus ako tiyak ma lelate ako.:

BRATH:pudra, ihatid mo na lang ako sa trabaho
PUDRA: no oras ba pasok mo?
BRATH: 8!
PUDRA: nako!
(di ko na gets kung bakit siya nag sabi ng nako. basta nung tinanong ko kung bakit ang gulo ng oras ang sabi niya e umatras daw ng isang oras yung oras.)

…Ganun daw kasi kapag mag wiwinter na! Anak ng putakte! malay ko ba dun. Iintindihin ko pa ba ang pag ikot ng mundo, pagbago ng oras, at pag bago ng panahon??? ang gulo dito huh!

Ibig sabihin tama yung oras sa selpong gamit ko dito dahil nag o authomatic daw yun kapag nag babago yung oras.Sa madaling salita di pa talaga ako late(yehey!). Dumating ako sa trabaho ng mga 7:56am. O diba ang aga ko?lols.

Laging tandaan: TIME IS RUNNING WITHOUT FEET……( isa sa mga motto ng pinsan kong kikay..)

Mga Puna

  1. DST (daylight saving time) ata ang tawag nila dun …. buti na lang umabot ka. sabi nga ng ka opisina ko. ” just in the time of nick ka!” wehehe …….🙂

  2. time is running without feet… nyahahaha!

  3. nakakainis ang DST.. pag sa akin nangyari yan, wawasakin ko lahat na orasan sa bahay… buti narin di ka na late… kung andyan lang ako….

    …saranghamnida….

  4. pareho tayo mabuti ndi ka din na-late..

  5. hay, kami naman alas sais palang ng umaga gising na mga bulinggit, kasi dati alas siete yun, waahhh…

  6. Ahihi, ibang klase nga dine paiba-iba ng oras. Nangyari din sa akin yan last year pasimba naman ako akala ko sobrang late na ako yun pala ang aga ko ng 30 mins, hehe..

    San ka nga pala, sa Canada ba?

  7. air~~ tumpak yun nga ang tawag dun! hehehe

    jojie~~ totoo naman diba? tumatakabo yung oras kahit wala silang mga paa lols kamay lang meron sila e

    def~~ sana nga nandito ka na lang def lols..

    rhap~~ magaling kasi tayo e kaya di tayo na late hehehe

    mami kengks~~ aba ang sipag gumising nga mga chikiting ha, hindi nagmana sakin lols

    misyel~~ sis sa new jersey ako,

    xiao!

  8. astig naman,. ngayon ko lang nalaman yung ganun.. hehehe

    @defpotec sarang hamnida.. you speak korean?;)
    SArangheyo.. lols..

  9. hi miss brath. di ba parang nakakapanghina yun matapos maging hyper ang adrenaline mo sa kamamadali yun pala di ka naman pala late? add po kita ha.🙂


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s