7 deadly truths about BRATH…

Ako ay isa sa mga biktima nina:Joy, ms.sink or swim, at Boss Chuck.

Medyo na late lang ako ng konti dahil magulo pa sked ni BRATH nitong mga nakaraang araw.

G A M E!

seven.jpg

U N O:

Madali akong maiyak. Minsan nga umiiyak na lang ako bigla kahit walang dahilan. Alam mo yung pakiramdam na gusto mong umiyak kasi parang merong mahapdi sa kalooban mo na di mo ma identify.

D O S:

Isa akong ULTIMATE KURIPOT. Kahit gustong gusto ko ng bilhin ang isang bagay di ko pa magawa. Dati kasi pag bumili ako ng isang bagay na nagustuhan ko, ang mangyayari panay dampot ko na ng kung ano ano kaya ayun nauubos ang pera ko. Kinokontrol ko muna ang sarili ko para makaipon.

T R E S:

Diba pag hayskul, uso yung may class officers? Mula 1st year hanggang 4th year hayskul, ako yung na elect na secretary. Di ko alam kung trip lang nila akong iboto o gusto talaga nilang pahirapan ang buhay ko. Ang hirap kaya maging secretary, ako na lang lagi ang nagsusulat ng sandamukal na lecture sa blackboard na kulay green. Pambihira!

Q U A T R O:

Kapag natutulog ako, gusto ko napapalibutan ako ng maraming unan. Pag ganun kasi feeling ko may katabi ako at hindi ako mahuhulog sa kama.

S I N G K O:

Hate ko ang magtupi ng damit. Lahat ng tinutupi kong damit e nagugusot. Minabuti ko na lang na i hanger ang mga damit ko para di nako mahirapan pa.

S A I S:

Isa akong “AMBIDEXTROUS”. Nakakapagsulat ako gamit ang kaliwa at kanan kong kamay. Hindi ko ma explain kung pano nangyari yun. Basta ang pagkaka alam ko, right handed talaga ako nung bata pa ko tapos isang araw ginagamit ko na rin yung kaliwa kong kamay kapag napapagod na yung kanang kamay ko sa pagsusulat.

S I E T E:

Pagka gising ko sa umaga, kaylangang tumunganga muna ako ng mga 15 minutes. Naka set na ang biological time clock ko para tumunganga sa umaga, pag di ko nagawa yun, parang naba badtrip ako.

Ayan! Mission Accomplished.

At dahil sa super bait si BRATH e hindi muna siya mam bibiktima ok? hehehe BAIT KO NO?

Mga Puna

  1. Q U A T R O:

    Kapag natutulog ako, gusto ko napapalibutan ako ng maraming unan. Pag ganun kasi feeling ko may katabi ako at hindi ako mahuhulog sa kama.

    – parehas tayo, minsan isip isip ko ikaw yung unan na katabi ko, tapos niyayakap kita ng mahigpit… (insert kilig here)…. there was one time.. nanaginip ako na kumakain daw ako ng giant marsmallow, pag gising ko uhaw na uhaw na ako, at kulang na ako ng isang unan… di ko alam kung pinaglaruan ako ng mumu, o talagang nakain ko yung unan.. sabagay, rich in fiber naman ang unan…

    S A I S:

    Isa akong “AMBIDEXTROUS”. Nakakapagsulat ako gamit ang kaliwa at kanan kong kamay. Hindi ko ma explain kung pano nangyari yun. Basta ang pagkaka alam ko, right handed talaga ako nung bata pa ko tapos isang araw ginagamit ko na rin yung kaliwa kong kamay kapag napapagod na yung kanang kamay ko sa pagsusulat.

    -ayus, kaya tayo magkakaintindihan nito, ako din ambi… ambi pure! (insert canned laughter here).. pero di nga, natuto akong gumamit ng kaliwang kamay ko, kasi ayaw ko laging napapagod ang kanan.. so nasanay na ako… left is for power, right is finesse…
    sa basketball pala yan.. ano ba naman ang mga nasa isip ng readers mo?!?

    -saranghamnida-

  2. def~~ hindi kaya soulmate tayo? hmmm

    xiao!

  3. aha! soulmate nga..wehehehe! parang ako din yun ah..umaga gumising pero tutunganga ng 15 minutes minsan 30 minutes pa nga..haha!

  4. gasti~~ wow ibig sabihin ba nun dalawa ang soulmate ko?

    xiao!

  5. hmmm.. secretary lagi nung hi-skul. hala pareho tayo brath! isa lang ang ibig sabihin nyan.. maganda penmanship mo both sa papel at blackboard hahahaha!😀

  6. az~~ huwat! ikaw din secretary nung highschool? bihira samin magkaroon ng lalakeng secretary e

    xiao!

  7. huwaw, sana may ganyan din akong katangian tuald mo na kayang magsulat sa parehong kamay.. tsk tsk tsk..

    hahaha. ^_^ masarap din tumunganga muna, parang amdami mong nagawa, kumpleto ang araw ko din pag ganun. haha. ^_^

  8. hi po! habang binabasa ko ung post mo sabi ko wow medyo nakikita ko ung sarili ko sau hehe *sort of🙂 ta’s ung huli natawa tlga ako kasi ganun din ako eh nababadtrip pag di nkkpagmuni-muni pagkagising hehe

    PS: ang ganda ng mga post mo cguro mppgawi ako palagi rito🙂 di ko nga alam kung paano ako napadpad dito ang alam ko ngreresearch ako pra sa class ko eh wehehe

  9. earth~~ try mo mong mag praktis malay mo magawa mo rin ehehehe

    chingkay~~ mamat sa pagbisita a. sige lang daan ka lang dito sa bahay ko. you’re always welcome….

    xiao!

  10. uyy, ambidextrous ka…galeng. sa pwriting, i can’t be lefthanded but I try to use my left hands/arms more often now…like sa pag t-txt, i do it with my left hand…overused ang right eh..straining na

  11. malen~~ bata pa lang kasi ko ganun na ko e. yoko kasing napapagod ng sobra yung right hand ko kaya dapat balance silang dalawa hehehe

    xiao!

  12. ako right hand lang sa lahat. kaya nga nagkatendon eh kase lahat ginagawa ko by my right hand. tsk tsk..

  13. Naaliw po ako. actually napadaan lang. paklick-click ng link hangang umabot dito.

    add ko po kau sa blogroll ko ha?


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s