sino ka?

..Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Wala naman talaga akong pasok ngayon pero pinakiusapan lang ako dahil may importanteng gagawin.

.. Pagkatapos ng trabaho ko,lamig na lamig akong pumunta sa bus terminal para mag abang ng Society Hill na bus.

.. May nakita akong mama. Mukang pinoy. Tiningnan ko siya, tumingin din siya..

..Deadma lang ako, tapos napatingin ulit ako sa kanya, tumingin ulit isya sakin.

..gulo no? pero di ko talaga maintindihan kung bakit kami nagkakatinginan..

..Dumating na yung bus na hinintay ko, dun rin siya sumakay. Umupo malapit sa bintana at siya naman ay umupo sa upuan na pang señior citizen, disabled etc..

..kinuha niya yung notepad niya saka ballpen(di niya ko nakitang naka tignin sa kanya.)

..Nagsimula siyang magsulat sa notepad niya. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko na patingin tingin siya sakin.Medyo natakot na ko kasi baka may gawin sakin yung mama pag baba ko ng bus.

.. Gustong tingnan kung ano sinusulat niya, tyempo naman na napa yuko siya dahil nagsusulat nga siya.

.. HULI! di pala siya nag susulat! nag do drawing pala siya.

.. di kaya ako yung dino drawing nung mama? gusto kong makasiguro kaya hinintay ko ang muli niyang pagyuko.

.. yumuko ulit siya. Tama ako, ako nga yung nasa drawing, naaninag ko yun kasi mahaba yung buhok ng babaeng nasa drawing e , imposible namang yung katabi kong lalaki ang i drawing niya kasi kalbo yun(mukang bouncer).

.. Nagtaka ako, bakit niya ko dino drawing? nang kumpirmado ko na ako nga yung nasa drawing, di nako ulit tumingin pa sa kanya.

.. malapit na ang bus stop ko, pero di parin siya bumababa.

.. Bumaba ako ng bus ng hindi ko siya tinitingnan.

.. ayun safe naman akong nakauwi samin at eto gumagawa ng entry tungkol dun sa mama.

.. kung sino ka man, wag na sana tayong magkatagpo ulit sa bus terminal. saka yung drawing mo sakin tapon mo na lang yun, wala kang mapapala dun. Sa susunod na magkita tayo wag mo na kong idrawing natatakot ako sayo e. Basta ang pagkakatanda ko lang sayo e may bigote ka, yun lang .

Mga Puna

  1. tsk tsk tsk, good thing was di ka naman niano nung kumag. haha. ^_^

    ingat na lang sa susunod..

    ako rin nagtataka pala, ano at bakit ka nya nidrawing? hmm.. nakakapagtaka. haha. 6_^

  2. hahaha …. baka naman na inspired lang siya sa iyo? di nga kaya?

  3. oo nga noh, ang weird nmn bakit ka nya drawing… ingat ka na lng lagi, at sna nga ay dmo na sya makita pa db? 😉

  4. naku bka maging stalker mo un iba n talaga ang maganda….mana ka sa akin…nyahahaha…ingat ingat sa mga fans…

  5. huwwaaww.. haba ng hair..😉

  6. Baka ibebenta niya sana sa ”yo yun kung natapos niya at di ka pa nakababa! Hehe! Biro lang.

    Ingat ka na lang sa susunod kasi may pagka-weirdo nga yung mama, di ka naman kilala dinrowing ka. Iba na talaga ang maganda!🙂

  7. waaahhh, kakabaliw ang ganyan… mag ingat ka, dear brath

  8. sa tingin ko wala naman syang balak na masama..baka natipuhan ka lang tapos artist pala sya ikaw ang naging inspirasyon…malay mo pag nakapunta kang art exhibit makita mo mukha mo😀

    ang bangis mo pla brath!

  9. sissy! na tag kita ha!

    http://banana4u.wordpress.com/2007/11/13/tagged-the-santa-moo/#more-377

    please visit po.. tenks. miss you..🙂

  10. wow. surreal ang eksena… parang intro either sa isang malupit na mystery movie o sa isang nakaka-kilig na love story.

    pero kung na-harass ka sa moment na yun, always go with your instincts, kapatid. better safe🙂


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s