ang sepulturero ng buhay ko

Hindi ko alam kung bakit nagiging biktima ako nitong mga huling araw. Nung una, yung mamang nakasabay ko sa bus, sumunod ang tag ni sis Bananie, at ngayon naman ang tag ni sis PAO. Pero ok lang dahil trip kong sagutin ang tag na ito dahil matagal ko na rin gustong i share sa inyo kung sino itong sepulturero sa buhay ko.

The instructions of this game are simple. It’s a blog post about your significant other (boyfriend/girlfriend, husband/wife, fiance). Just include the following in your blog post:

1. First name: if he doesn’t like his name plastered all over the internet, a pet name will do.
2. How and where did you meet?
3. Characteristics
4. Your plans 20 to 30 years from now.

game na!

~~~~~~~Tawagin na lang natin siya sa pangalang PIDYO. PIDYO ang itinawag ko sa kanya dahil gumanap siya bilang isang sepulturero sa play na “KASALAN SA LIKOD NG SIMBAHAN”(wish ko lang alam niyo yun). Ang galing niya dun, di ko akalaing mapapa arte mo siya sa harap ng maraming tao. Simula non, tinawag na siya ng mga kaibigan namin na PIDYO.

~~~~~~~Nagkita kami nung second year highschool pa. Mag ka klase kami nun, at di ko inakalang magiging kami ngayon. Isa siya sa mga bully, gago, tarantado, siraulo, pasaway, matigas ang ulo, (ah! basta lahat na!) sa batch namin.

~~~~~~~Matangkad siya kaya lagi akong nakatingala pag kausap siya. Magaling DAW siya mag gitara. Hilig niya sina: Jun Petrucci, Dimebag, bandang Dream theater at marami pang iba. Magaling siya math, sa kanya pa nga ko dati nagpapa gawa ng homework sa math nung highschool e. Malupit siya mag drawing, ballpen ang gamit niya minsan kapag gumuguhit siya. Lagi niya kong dino drawing saka si Jesus. Sabi ko nga sa kanaya minsan i drawing niya ko ng nakahubad e, di siya sumagot, ngumiti lang siya na parang aso sabay sabing may gagawin daw kami pag ka tapos niya kong i drawing. Di nga lang natuloy yun kasi nagpunta na ko dito sa esteyts kaya malamang lagot ako dun pag uwi ko. Mabait naman siya kaya lang minsan may topak.

Madali siyang maasar kapag mainit ang panahon kaya gusto niyang mag punta dito sa esteyts. Habulin din siya ng mga bakla, ewan ko kung bakit, pero merong isang beses na hinawakan daw ng bakla yung pwet niya kaya simula nun lumalayo na siya sa mga bakla. Minsan pa nga nung nag swimming kaming dalawa, sinabihan siya ng isang baklang mukang kabayo na kung pwede ba daw magpaturo sa kanya kung pano lumangoy(kamusta naman yun diba).

~~~~~~~Ang plano namin para sa future e simple lang, yun ay maging stable kami dito sa Amerika o kaya sa Pinas at magkaroon ng masayang pamilya(kung kami talaga para sa isa’t isa, why not diba?)

o sya sya tapos na!!!! hang galing ko noh?

ngayon ako naman ang mang bibiktima!

janjararan>>>>>>>>> ang biktima ay sina:::::

*kiko & *sistah sink or swim!!!!

yehey!!!!!!! lab yu ol

Mga Puna

  1. teka, hasan pektur ni pidyo?

  2. honga asan na si pidyo? hehehe..

  3. hehe! may pagka gay-magnet pala bf mo..nakow! kaya siguro ayaw mo ipakita baka maaswang😀

  4. akala ko… susulat mo na pilay ang sepulturero mo..
    ..
    .
    .akala ko.. ako ang iyong nasa puso..

    .
    .akala ko…
    .
    .
    nagkamali ako ng akala….
    .
    .
    masakit…

  5. Uy! tenkyu sa tag!🙂

  6. @ def
    iba naman daw kse yung sepulturero sa salsa… dancer’

  7. wala bang pichure ang sepulturero mo? kahit na blurred..lol

  8. Naharass din ako noon ng isang bakla kaya lumalayo na rin ako. @_@ Nakaka intriga ha. Bakit walang picture? haha

  9. mami kengks & bananie~~ oo nga noh, nakalimutan kong maglagay ng pic niya di bale sa susunod na lang.

    gasti~~ sinabi mo pa, ewan ko ba kung ano meron sa kanya

    def~~ sori def di ko gustong saktan ka….. di pa naman huli ang lahat diba?….

    jon~~ teka ? si def? sala dancer?

    malen~~ hmmm ikaw ha gusto mo rin siyang makita ha

    dru~~ wow dru may pagka gay magnet rin pala ang ka gwapuhan mo hehehe

    xiao!

  10. […] ang pinakagusto ko kasi ito ay patungkol sa isa sa mga pinakamamahal ko sa buhay. Kaya salamat kay Brath at Azrael sa tag nila sa akin. The instructions of this game are simple. It’s a blog post about […]


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s