a long halidey…

natapos din ang mahabang holiday dito, ang haba, sobra, mas mahaba pa sa….. ah okey ..basta

gaya nga ng sinabi ko kanina, holiday, pero di ibig sabihin e nakapag pahinga ako, baligtad nga siguro ang ibig sabihin ng holiday dito sa esteyts…

holiday sa estetys = super mega ultra sa dami ng trabaho
holiday sa pinas = pahinga, shopping, watevah

after holiday naramdaman ko na medyo masakit na lalamunan ko, nagbabadya na magkaka trangkaso ako. Ako naman si tanga, bumili ng avocado sabi ko pa nga:

BRATH: kuya germani(kasamahan ko sa trabaho)! ipili mo nga ko ng magandang avocado para may midnight snack ako mamayang gabi.

KUYA GERMANI: o sige *habang pumipili ng magandang avocado.

okeyy… tapos na siyang pumili.. Umuwi ako sa bahay na may dalang avocado. Sabi ni mudra hati daw kami.. Pumayag naman ako dahil malaki naman yung avocado.

Nilagyan ko ng condensed milk yung avocado. Kahit alam ko na lalong sasakit lalamunan ko, nilagyan ko parin ng nilagyan, (hay i hate myself)

at eto ang kinalabasan:

avo1.jpg

uhmmm medyo masagwa tingnan ano? pero masarap siya pramis!

Lagi ganyan ang midnight snack ko kapag may avocado akong uwi galing trabaho. Kumain ako ng kumain habang nanonood ako ng movie na ang pamagat ay “SILIP” yung kay Diana Zubiri(hiniram ko lang yung dvd sa ka trabaho ko ).

Kinabukasan, ang bigat ng ulo ko, parang ang sarap iumpog sa pader. Sabi na nga ba e, magakakasakit ako. Ampff!! naisahan ako! Ako pa naman yung tipong kapag nagkasakit e hindi nakakabangon sa higaan.

O diba ang saya ng holiday ko? nagkasakit lang naman ako. Hindi masyadong nagtagal ang sakit ko, ahm mga 3 days lang naman, at dahil sa NYQUIL e medyo umayos ang pakiramdam ko! tenk yu tenk yu!

11-26-07_1229.jpg

sa mga naka miss sakin…. hay miss yu tu!!!

Mga Puna

  1. sarap ng abokado ah, pero sa tingin ko lalong lumala yung sakit mo dahil sa pinanood mo😛

    enewey, welkam back😀

  2. hmmmm… SILIP.. kaya ka nagkasakit hahahaha!

    naalala ko nyquil.. dati kahit wala ako sakit, umiinom ako nyan. para akong sabog pero ang sarap ng feeling. at masarap ang tulog lagi!

    welcome back brath! advance merry xmas in case hindi ako mapadaan bago mag-pasko😛

  3. napanood ko na din yang SILIP. nyahahaha! para silang mga sira. heniway peborit ko yang avocado pero solve nako sa sandamakmak na asukal.

    hamisyu sister!

  4. angel~~ ganun ba? sabi na nga be masyado akong nag init dahil sa palabas.lols

    az~` ma try nga rin uminom ng nyquil kahit wala akong sakit hehehe meri xmas na din sayo huy gift ko ha>?

    jojie~~ haymisyu tu,,,, uie bawasan mo asukal ha,, baka diabetes ang abutin mo niyan nakow!

    xiao!

  5. aktwali, miss brath, ngayon ko lang nalaman na masama pala ang avocado (at kondensada) sa sumasakit na lalamunan… baka naman kasi sinamahan mo pa ng yelo🙂

  6. uy, ginagawa ko rin yan sa pinas dati. sarap nga. pero dito kasi ang condensed milk nila kasing labnaw ng evaporated milk e.. boring ang lasa. hope ur okay!

  7. Hala miss ko na ang avocado! Pero mas gusto ko yung mashed avocado (na may chunks pa) with evaporada and sugar. Yum yum.😀

    Miss ko na rin po ang blog niyo. Sorry po na di ako masyadong bumibisita. >__<

  8. matagal na akong di nakakain ng avocado. na miss ko yaan…ansarap nga lagyan ng gatas…erpo agree ako kay angelbert, sa kaka SILIP kaya ka nagkasakit! Ahihihihi


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s