paalam na CD-R KING!

Masakit sa kalooban ko na iwan ka. Pero anong magagawa ko? wala! Lagi ka na lang hindi gumagana at sa tuwing ipahihiram kita e lagi mo naman akong pinapahiya. Anong gusto mong gawin ko? Ipaayos kita? Pero saan? Ang alam ko lang na pwede mag ayos e yung kapitbahay ko sa pinas, pero syempre hindi pwede dahil (haler!!!) wala naman ako sa pinas.
Sana wag kang magalit sakin, alam mo naman kung gaano kita inalagaan at ipinaglaban pero sa ngayon hindi ko na kaya. Panahon na siguro para bigyan mo ang sarili mo ng pahinga. Kaylangan mo yun, kaylangan nating pareho para makapag move on na rin tayo sa isa’t isa. Wag kang mag alala pahahalagahan ko ang dalawang taon nating pinagsamahan. PAALAM NA TALAGA CD-R KING as in GOODBYE NA TALAGA……

01-19-08_1053.jpg

(papalayain na kita! alam ko namang matagal ka ng nasasakal sa nilagay kong rubber band sayo para lang umandar ka.)
Sya nga pala, wag ka ring magseselos sa ipinalit ko sayo. Mabait siya at sa tingin ko naman e magkakasundo kayo dahil
parehas kayo ng kulay. CD-R KING gusto ko nga pala ipakilala sayo si………..

01-19-08_1054.jpg

AFOL!!!!

Siya si AFOL, siya muna ang papalit sayo habang hindi mo pa kaya. Binili ko siya kama kaylan lang. Di ko nasabi
sayo agad kasi baka magalit ka sakin. Sorry na ha!

Mga Puna

  1. sadyang may mga depekto yung mga mabibili sa cd-r king, di ko lang sure.. pero sa lhat ng nabili kong gamit sa cd-r, di nagtatagal ng 1 buwan. hehe. agad agad na nasisira.

    sa tingin ko nga, disposable gadgets yung mga tinda nila eh, kasi sadyang topakin nga.

    infernes, mas kyut si afol kesa kay cd-r king. mwahaha

  2. cd-r king? anak ng kamote! bumili ako dun dati na 100pcs na blank CD, kalahati ata ang palpak! anyway… ganda ng touch mo ah, pwede bang maki-touch? ahihihihi!

  3. sa lugar na kinalalagyan mo ay mas mura pa ang bumili ng bago kesa magpa repair, kainis ano? at least may kapalit na. hindi ko alam kung ano yang cd-r king na yan, ehehehe

  4. nak ng! xchina ba ito o original afol? ang galenggggg

  5. hehe. ang kulet…

    napadaan lang. ^_^

  6. wow ur so yaman, u hab an afol! ahaha

  7. hmmm. talaga bang hindi okay ang mga cd-r king products? huhu. gusto ko rin ng afol kaya lang wala akong pera ngayon. huhu, nagloloko na kasi nokia phone ko kaya wala tuloy akong music ngayon…

  8. sarap talga sa tate no hon? walang cdr cdr king.. sa tingin ko kung makita ng mga taga dyan yang cdr king mo na mala ipod… malamang, may makipag swap pa sayo sa afol

  9. whatta change from an ailing MP3 player na may rubber band to an Apple Ipod touch,

  10. That is the sweetest thing! I do love the look of the iPhone, but for some reason I am not bothered if I have it. Are you enjoying it very much? A lot of my friends have it and they’re really pleased.

    By the way Brath, please visit A Pinay In England where I have left a meme for you.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You

  11. Wow. How’s your apple brath?

    Happy New Year. atagal din akong nawala.

  12. mabuhay ang mga alternatibong brand ng entertainment electronics! mura na, sulit pa🙂

  13. earth~~ medyo matibay naman yung mp4 ko na yan , umabat nga sakin ng 2 years yan e, kaya lang bumigay na tlaga siya e..

    enoch~~gusto mo ring maki touch? o sige na nga

    mami kengks~~ yun na nga mami e, kaya bumili na lang ako kasi mahal mag pa repair, saka sino pa kayang mag rerepaire sa cdr ko malamng sasabihan lang ako na itapon na yun.

    raymond~~ uie orig naman to hehehe nabili ko nga to ng sale sa best buy hehehe naka jackpot ako

    xiao!

  14. akda~~ ahm sinong makulet? ako ba o si afol? hehehe

    lilmiz~~ sisteret im not so yaman kaya heheheh

    rowjie~~ ipon ipon na lang muna, mahal pa yata itouch dyan diba? o mas mahal dito?

    def~~ naku wala pang nakipag swap sakin dito no,lahatng makasabayan ko sa bus naka ipod ako na lang ata naka mp4, kamusta naman yun diba?

    naksd~~ uu nga e ang ang laki nung itanaas na level ng cd r ko

    xiao!

  15. Okay si Afol ha.🙂 Para sa akin, kahit mahal, quality over quantity talaga.😀

  16. ah. ung post ung makulet. hehehe.

  17. waaaaaaaaa dami ko na din experience dito halos lahat ng bili ko nagsawa na din yung usb hub ko 1 month lang yung memory card reader ko 2 weeks sakto lang tlaga na matapos warranty sabay cra waaaaa

  18. asteeeeeeeeeeeeeg!!!!

    gsto ko tlgang mlaman kung panget mga produkto sa cdr king eh,
    slamat mga tol, muntik na kong mapabili ng mp3 dun hehe

  19. Napadaan lang. Akoy nanatili paring masugid na mamimili sa cdrk. In fairness, may mga tumagal, pero andaming palpak.

    Palpak:

    3 memory card reader (dating 80, 50 pesos na lang), 1 to 3 mos lang, ewan ko lang yung isang memory card reader ko na malaki, credit card size ata, di kasi masyadong nagagamit, buhay pa
    wireless mouse, (tibay sa bagsak) buhay pa, pero once a day ang charging (2xAA batery)
    wrist gel for keyboarding, lumabas ang malagkit na gel, dali mabutas, nilagyan ko nalang ng duck tape ang 3 butas

    Ayos:

    USB wifi receivers (2 units) 6 months na, no problem, 750 pesos lang may antenna pa
    headset w/ big ear covers (3 units), minsan mejo himas himasin pa ang connector plug para gumana
    USB stick na branded (pqi, apacer, kalimutan ko yung isa), naka 3 na ako, ayos naman lahat
    USN hub, yung may taiwan or japanese design, pinalit ko dun sa hub na may tatak cdrk na ayaw magbasa ng connection (kabibili pa lang) pero may power
    mini-vacuum, ok pa naman, mejo maingay na ngayon
    wrist-rest for mouse, yung may parang dayami sa loob
    screen protector, ayos naman sa digicam at pda ko

    cdrk rechargeable AAA batteries, ayos pa naman
    camera case, swak sa canon ko, at very functional for protection, tinangal ko lang ang cdrk brand na nakatahi

    Tip:

    Cguro yung pinaka mukang di mass production kung meron ang bilin nyo. tulad ng hub, an dami nilang version, yun nakuha ko mukang maganda at di tinipid ang materyales. Pag itsura pa lang e mukang junk na, patulan nyo lang kung wla nang alternative at sobrang baba ng presyo.


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s