WEIRD = BRATH

Natanggap ko ang meme na ito kay Joy. Dito na lang ako babawi dahil hindi ko nagawa yung meme niya sakin nung pasko.

 ok start na tayo!

ang kaylangan lang naman e pitong kawirduhan tungkol sakin..

1.) Dahil winter dito ngayon, kaylangan na mga tao dito e mga makakapal ang jacket. Kaya lang kapag napupunta ako sa mall, mga pang summer na damit ang binibili ko, dahil na rin siguro medyo mura yun kesa sa mga winter clothes. Pero kahit na! Weird para sakin yun e.

2.) Mahilig akong bumuli ng pabango. Hindi dahil sa mabaho ako pero gusto kong makita sila na naka display sa kwarto ko.

3.) Laging namamaga mga daliri ko sa paa kapag sobrang lamig. Bumabalik din sila sa dati kapag uminit na yung paligid.

4.) Kapag galit ako o kaya may tampo ako sa isang tao, ang ginagawa ko sinusulutan ko sila. Sinusulat ko yung mga gusto kong sabihin, mas ok sakin yun kesa kausapin ko sila ng personal. Wala tayong magagawa, ganun talaga ako e.

5.) Mahilig akong kumiss sa tenga. Dati may kaklase akong lalake, kiniss ko sa tenga ang nangyari , tumaas yung mga balahibo niya. Tuwang tuwa ako nun hehehe.

6.) Pag nagugulat ako, hindi ako nakakasigaw agad. Siguro mga after 15 seconds pa bago ako makasigaw ng malakas. Lagi kasing akong late reaction.

7.) Mahilig akong tumambay sa bathroom. Miski nung nasa pinas pa ko, hilig ko na talagang tumambay sa bathroom namin kapag nababagot ako. Minsan, kuma kanta kanta ako dun kasi feeling ko naka microphone ako kapag sa bathroom ako kumakanta. Ayus diba?

ok tapos na thanks joy!!!!

Mga Puna

  1. Naku, sinabi mo pa kapag winter sarap mamili ng pang summer kasi mura at sa summer naman mas mura ang panlamig. Ngayon pa lang ipon na ng pangrampa sa summer. Siguro maganda voice mo brath ano? hmmm…

  2. 1. mas gusto ko ang babaeng naka sleeveles, kesa naka coat…
    2. mabuti na ang mabango….
    3. hilutin ko yan
    4. buti nalang wala pa akong email na natatanggap
    5. kinilabutan ako nung nabasa ko to… sana mafeel ko rin yung actual..
    6. yaan mo, di ko na hihintayin na sumigaw ka, aakbayan kita agad…
    7. pwede kayang maging audience sa tambayan mo.. la lang… nakakaaliw

  3. ibig sabihin ba nyan hindi kasya paa mo sa mga sapatos mo pag tag lamig? hehehe! kelangan may warmer o heater mga sapatos mo para hindi mamaga.

  4. misyel~~ tama ka jan sisteret, kelangan natin ng pamparampa para sa summer, pero alam mo mas feel kong rumampa sa pinas kesa dito, kasi paring hindi ako masyadong pansinin dito e..

    def`~~ hay ang sweet mo talaga def..

    mawu~~ korak ka dyan kaya lagi akong naka boots kapag winter kasi pag nag rubber shoes ako lalong masakit sa paa.. tsk tsk

    xiao!

  5. eeeekkkk!!! tapos na pala.. huhuhu.. tag ko din ito sayo SANA.

  6. uy pareho tyo nung #4

  7. Marami talaga tayong mga Bathroom Voice.😛 Magaganda lang ang mga boses kung nasa banyo na. O diba?

  8. Hi Brath! Thanks for doing the tag😀 These are very interesting revelations indeed. Just make sure you don’t pneumonia.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s