gulo gulo

Masyadong magulo ang mga araw na nagdaan….

  • Una – buong araw sumakit ang tiyan ko, ibig sabihin nun buong araw din akong gu mebs at umutot. Hindi tuloy ako nakapasok sa trabaho at sinabi ko na lang na masakit ang ulo ko imbis na masakit ang pwet ko!!!!! Iyon na siguro ang pinaka masaklap na pangyayari sa buhay ko. Grabe para akong nanganak ng paulit ulit. Every 10 min yata akong pabalik balik sa banyo para lang dun whew!. Ang hirap pa lang magtae!
  • Pangalawa- ang engkwentro sa pagitan ni BRATH at ng kanyang madrasto. Medyo pang teleserye ang mga eksena pero syempre si BRATH parin ang nagwagi wahahaha (kontrabida)
  • Pangatlo – isang bomb threat ang sumambulat sa amin kanina(wednesday). Hindi naman talaga sa building naming nakuha yung bomb threat pero sa isang kilalang university na sobrang lapit (as in) malapit lang talaga sa opisina namin. O diba nakakaloka yun. Kaya naman lahat ng kapulisan, bomberong maiingay at pati narin ang media ay nagsisulputan sa paligid. Sayang nga lang at hindi ako nakapag pa interview kay aleng puting reporter. Yung ibang tao nag panic pero ako cool lang. E pano ba naman kasi bomb threat lang e, sana ba kung bomb explosion yun e di mas exciting ahahaha(lokaloka).
  • Pangapat – tapos sabi sa balita mag iisnow pa daw ngayong biyernes, shaks ayoko pa naman ng snow!
  • Panglima – may lunar eclipse DAW ngayong gabi, yun ang sabi sa balita. Sobrang dilim ng langit well madilim naman talaga pag gabi kaya lang iba ngayon kasi may eclipse nga!
Sana lang sa susunod na linggo e medyo normal naman ang maranasan ko ng sumaya naman ako! Ilang araw narin kasing ganito ang itsura ko e:

conpyus.jpg

Mga Puna

  1. bwahaha ang kyut naman ng pusa!😀 huling-huli ang gulat na reaksyon ahaha kyut😀

  2. hirap talaga pag tinopak ang tyan.

    ang ganda ng pusa…

  3. lil~~` kasing kyut ko yung pusa lols

    tapsi~~ hay sinabi mo pa pag tiyan na nag kalaban, panigurado talo ako..

    xiao!

  4. kahit pala gulong-gulo kana eh cute ka pa din, hahaha! Sana nga ok ang susunod na linggo sa’yo. Ingat lagi at have a nice weekend!🙂

  5. I am a ninja. I posted an entry about it, pictures included.🙂

  6. OT.. pero sa unang birada mo pa lang ng pagtatae, naalala ko na agad si jon cabron.. lols

  7. Az~~ siay nga una kong naalala nung nag tatae ako, tsk tsk,, tatak na talaga ni jon yun no?

    xiao!

  8. yan ang ichu ng pussy na huli sa akto na nagnenok ng pagkain hehe … ok din minsan yang gulo gulo para mas ma apprec8 yung plantsado ..😀

  9. HA?! ISA KA NANG PUSA?


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s