BRATH: malapit na akong umuwi…

Oo tama ka, malapit na akong umuwi sa pinas. Para sa inyong kaalaman, sa April na ang uwi ko. Malapit na yun at halos isang buwan na lang ang itatagal ko dito. Matatapos na ang maliligaya at malulungkot kong araw dito sa esteyts. Lagi kong sinasabi na gustong gusto ko ng umuwi pero ngayong nandito na para namang umaatras pa ko. Dahil narin siguro yun sa mga narating ko dito bilang isang indibidwal.

Mahirap mang sabihin pero marami din akong mamimiss dito. Isa na yung pagtanggap ko ng sweldo kada linggo, ang sarap sa pakiramdam nun no. Na pagkatapos ng ngaragang gawain ko sa trabaho namin e makakatanggap ako ng sweldo na ipambibili ko sa mga luho. Ang boss kong kamuka ni Batista, kahit laki na dito na sa esteyts lumaki si boss makikita mo parin sa kanya ang pagiging isang pinoy. Naks! Mamimis ko rin yung mga fighting scenes namin ng madrasto ko. Pramis pwede isa pelikula ang mga yon. Mga kasamahan ko sa trabaho na kung ituring nila ko e parang ako ang prinsesa sa opis namin hehe. Di nga mababait sila at alam ko namimis nila ako kapag naka off ako, ako lang naman kasi dun ang maingay at may pagka bubbly. Ang mama ko, na ngayong ko lang ulit nakasama. 10 months lang kami nag kasama ni mama simula nung iwan niya ko sa pinas 5 years ago. Alam ko disappointed siya sa naging desisyon ko pero sana naiintindihan niya ko.

Mamimis ko rin ang maliit at malambot kong kama, mas malambot at komportable ito kesa sa kama ko sa pinas. Ang pagsakay sa nj transit bus ng mag isa. Malungkot ang mga pagkakataong yun pero mararamdaman mong safe ka sa biyahe. Ang New York na nagsilbing pasyalan ko sa tuwing nababagot ako sa bahay namin.

Marami pang ibang bagay na mimis ko ng sobra dito sa esteyts pero alam ko sa sarili ko na hindi ito ang klase ng buhay na gusto ko. Kung pwede lang sana maging isa ang esteyts at ang pinas e di sana wala ng problema. Pwede naman yun diba? Kapag pinag isa sila magiging UNITED STATES OF THE PHILIPPINES na yun. O diba ang taray? oo mataray!

Hindi ko naman talaga tuluyang iiwan ang esteyts dahil babalik pa naman ako dito para ipagpatuloy ang dapat ipagpatuloy kaya nga lang medyo matatagalan dahil mahal ang pamasahe(sabay ganun). Maninibago lang siguro ako ng konti kapag bumalik na ko sa ‘tin. ….

ipagpapatuloy……

Mga Puna

  1. So babalik kana pala talaga sa atin for good? Akala ko magbabakasyon ka lang… Kung sakaling maisipan mong magbalik ng states daan ka din dito sa amin.

  2. Madrama ang post na ito. hehehe. btw, di na kita nakikita sa WPP anyway, take care. April.. malapit na nga un. malamig dito sa atin. as in. nakajacket nga ako eh kahit nasa bahay na. take note: march na ah malamig pa rin.

    Anyway. laters.

  3. misyel“~~ ahm di naman for good ang pag uwi ko pero medyo magtatagal lang ako kasi na miss ko talaga pinas e..

    laarnay~~ uu nga e di nako nakakabisita sa wpp busy kasi, pag my time pramis mangugulo ulit ako lols

    xiao!

  4. uuwi ka na?😀 ayos sulitin mo ang bakasyon mo rito. wag mo na panghinayangan yang buhay mo sa isteyts pwede ka namang bumalik anytime..mahal nga lang talaga pamasahe. sana ako rin lingguhan ang sweldo..dito kasi ang alam ko lang na work na lingguhan ang sweldo eh karpintero at construction worker..ahehe!

  5. sis!!!! ay naku pagsawaan mo muna dito sa pinas.😉 malay mo ikaw makapagpatalsik kay GMA. LOL!

  6. napaka lungkot na pamamaalam naman iyan. di bale, isipin mo na lang na uuwi ka naman sa lugar kung saan maraming nagmamahal sa iyo.


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s