alarma!!

Nag time out ako sa trabaho ko mga 6:15 na ng gabi, umuulan sa labas kaya naki dekwat ako ng payang sa trabaho. Parang normal lang naman ang mga oras na yun. Punta sa bus terminal at sumakay sa bus na papuntang society hill. Nakikinig pa ko sa ipod ko na ang pinapatugtog e “i wont go home without you” ng maroon 5, kasabay nun ang pagkain ko ng pulburon para libangin ang sarili. Nakarating nako sa bus stop ko, binuklat ang payong at naglakad papunta sa bahay namin.

Nakita kong walang nakaparada sa garahe namin kaya masaya ako dahil alam kong wala ang madrasto ko.. Binuksan ko ang pintuan, hinubad ang sapatos at akmang papasok na sa sala ng biglang may tumunog…. tiiit tiiit tiiit (shit alarm namin yun) anak ng pating naka arm ang bahay namin!!! Ibig sabihin non naka on ang alarm system ng bahay namin. Ampf! hindi naman ako magnanakaw para gawin nila sakin to!!! nataranta ako dahil wala sakin yung pang dis arm nung alarm. At dahil wala akong pang dis arm, malamang tutunog ng sobrang lakas yun!!! amp*t*h ano gagawin ko????!!!!

sige kumalma ka muna brath, sa pagkakaalam ko may 3 mins pa ko bago tumunog yung letcheng alarm na yun. Tinawagan ko si mudra, ampf! ayaw pa sagutin. waaaah im running out of time!!!!! wala na!! tumunog na!!

Ang lakas sobra!!!! nakakabingi pati kapit bahay namin nabulabog. Syet talaga natataranta na ko dahil baka pumunta na mga pulis sa bahay namin at yoko namang humingi ng tulong sa kapitbahay namin. Pinindot pindot ko yung alarm waaaahhh la ring nangyari.Tinawagan ko ulit si mudra at sinabi kong naka arm ang bahay tinanong ko ang password sabi niya yung bertday ko raw yung password. Sinubukan ko pero huli na ang lahat, dumating ang mga pulis sa harapan ng bahay at kinausap ako. Medyo napasabak ako pagdating sa english gaya ni JANINA(wahahahaha)

.

Sinabi ko sa pulis na inarm ng madrasto ang bahay pero nakalimutan niyang sabihin sakin bago ako makauwi. Naniwala naman sakin ang buong kapulisan dahil alam ko naman yung password. Nakakainis lang isipin na kaylangan pang nila i arm ang bahay kahit alam naman nila na maaga ang uwi at wala akong pang dis arm sa lecheng alarm na yan. Umalis na ang buong kapulisan at sawakas natigil na rin ang tunog sa alarm. Umakyat ako sa kwarto na medyo naiinis parin sa madrasto at sa alarm  na parang gusto kong gumanti gaya ng pag sira sa alarm at sasabihin ko sa kanilang dinakma ng pusa yung alarm, o kaya nanakawin ko yung pang dis arm ni madrasto, irereset ang password sa alarm at i aarm ko para pagdating niya… duguuuuum siya naman ang matataranta. Waahahahaha ang mean ko naman masyado, pero wag kayong mag alala di naman ako gaganti….

Sana lang hindi na to mauulit kasi nasisira ang beauty ko sa mga ganun e…..

Mga Puna

  1. hehhee….social naman ng bahay niyo…may alarm…samen ang tangeng alarm lang eh ang aso…kaya huling hulig ako tuwing umuuwi ako madaling araw from inuman..weee

  2. naku kung ako papipiliin mas gusto ko pang maging alarm ang aso kesa sa alarm ng bahay namin ngayon/….. mamat sa pagbisita..

    xiao!

  3. This post is very hoting, and this blog is high ranked in
    the top blogs report
    . You can
    earn some money with a good blog
    like this.

  4. ahahah.. ala janina talaga ang sagot? kaya siguro naniwala na lang ang pulis sayo kasi nahilo sa sagot nyahaha😛 .. honga ang sowsyal ng haus, me alarm😀 wala ata ganyan d2 haha gumanti ka sa madrasto mo para quits na.. lolz BI😀

  5. halos lahat naman yata ng bahay dito lil me alarm gaya nung amin e heheh, wag ka mag alala paghahandaan ko ang aking paghihiganti wahahahaha

    xiao!

  6. totsyal naman po bahay nio ate…kami nga po ang alarm lng ng bahay namin lata lng na natabing sa pintuan para pag may bumukas…tutumba yung lata..hehehehe..nwei..kung ako cguro ung nasa kalagayan mu, baka naghisterikal ma po ako..hahahaha..un lang,,napadaan lng..ni-add po kita sa blogroll ko..hehehe…m\pag me tym ka po daaan ka din sa site ko..heheheh…;p

  7. yan ang bahay! may alarm!

    gantihan mo si madrasto. kabitan mo ng machine gun yung alarm nyo nyahahaha!


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s