the xiao! is back!

Pansamantala muna akong lalagi sa napabayaan kong blog. Pakiramdam ko kasi malaki na ang tampo sakin ng balay kong ito lalo na yung babaeng hindi makita ang mata sa header ko. Ang tagal na rin kasing walang kumakausap dyan e.

Anyway, anu nga bang bago ngayon? wala akong kaalam alam dahil haloe ilang buwan din akong nawala sa sirkulasyon. Para tuloy akong isang baguhan blogger na nangangapa sa dilim. Marami akong gustong ikwento pero syempre isa isa lang muna para masaya.

O pano hanggang dito na lang muna,,, basta balitaan niyo ako ha,,,

san mas maganda?

Buhay sa pinas

 

Usok ng mga jeepney

Pagsakay sa lrt mula santolan hanggang recto

Mga turo turong pagkain

Mainit na panahon

Halo halo

Mga kaibigan kong Masaya kasama

Bakasyon sa bohol

Wala masyadong pera

Di ko nabibili lahat ng gusto (pero kunteto ako)

Pamemelengke

Maraming pagkain

Taho

Jollibee

divisoria

  

Buhay amerika

Maraming pera

Nakakapagod ang trabaho

Malungkot

Wala masyadong kaibigan

Lahat ng gusto mo mabibili mo

Di ka Masaya

Path train

Subway

Kape

May boss na kamuka ni batista

Puyat

Iyak

san mas maganda?

  

gulo gulo

Masyadong magulo ang mga araw na nagdaan….

  • Una – buong araw sumakit ang tiyan ko, ibig sabihin nun buong araw din akong gu mebs at umutot. Hindi tuloy ako nakapasok sa trabaho at sinabi ko na lang na masakit ang ulo ko imbis na masakit ang pwet ko!!!!! Iyon na siguro ang pinaka masaklap na pangyayari sa buhay ko. Grabe para akong nanganak ng paulit ulit. Every 10 min yata akong pabalik balik sa banyo para lang dun whew!. Ang hirap pa lang magtae!
  • Pangalawa- ang engkwentro sa pagitan ni BRATH at ng kanyang madrasto. Medyo pang teleserye ang mga eksena pero syempre si BRATH parin ang nagwagi wahahaha (kontrabida)
  • Pangatlo – isang bomb threat ang sumambulat sa amin kanina(wednesday). Hindi naman talaga sa building naming nakuha yung bomb threat pero sa isang kilalang university na sobrang lapit (as in) malapit lang talaga sa opisina namin. O diba nakakaloka yun. Kaya naman lahat ng kapulisan, bomberong maiingay at pati narin ang media ay nagsisulputan sa paligid. Sayang nga lang at hindi ako nakapag pa interview kay aleng puting reporter. Yung ibang tao nag panic pero ako cool lang. E pano ba naman kasi bomb threat lang e, sana ba kung bomb explosion yun e di mas exciting ahahaha(lokaloka).
  • Pangapat – tapos sabi sa balita mag iisnow pa daw ngayong biyernes, shaks ayoko pa naman ng snow!
  • Panglima – may lunar eclipse DAW ngayong gabi, yun ang sabi sa balita. Sobrang dilim ng langit well madilim naman talaga pag gabi kaya lang iba ngayon kasi may eclipse nga!
Sana lang sa susunod na linggo e medyo normal naman ang maranasan ko ng sumaya naman ako! Ilang araw narin kasing ganito ang itsura ko e:

conpyus.jpg

sino ang tunay na baliw?

Hindi ko talaga alam kung sino ang tunay na baliw. Ang totoo nga niyan medyo baliw baliwan lang talaga ang drama ko nitong mga nakaraang araw. Sana lang wala pa kong sakit.

May mga kakaibang napapansin kasi ako sa sarili ko, dahil narin siguro sa napurnadang pag uwi ko sa pinas sa darating na february.

una, bigla na lang ako nag sasalita mag isa
pangalawa, may mga pagkakataon na wala ako sa sarili, madalas na kong mag day dreaming, yung tipong feeling ko e nasa pinas ako kahit hindi naman
pangatlo, nakakalimutan ko na ring kumain sa tamang oras, minsan yung almusal ko saka tanghalian e pinag iisa ko na lang hay hanubeyan..

sya nga pala sa May pa ang uwi ko sa pinas kaya medyo nababadtrip parin ako sa sarili ko dahil nangako ako sa isang taong napaka importante na sa february ako uuwi. Ayoko pa naman mag valentines day dito dahil panigurado maiiyak lang ako…

*sigh

Simula nung nag katrabaho ako ,medyo madalang nako makapag blog. Diba napansin niyo yun? Dati kung mag blog hop ako parang wala ng bukas pero ngayon medyo di na ko active(pero di ako hiatus ah!). Pasensya na ha. Babawi ako sa inyong lahat this coming december.

Lahat kayo guguluhin ko pramis!hehehe

Nung una kasi kala ko meron paring akong maraming oras para dito kasi nga 3 days lang naman ang pasok ko, pero nung nagsimula na yung patawag tawag sakin during weekdays e aba di ko na maayos ang time management ko.

Tingin ko yung ang kulang sakin dito, ang time management.
Pero hanggang ngayon di ko parin yun maayos dahil sa iba kong co curricular activities hehehe.

Dati inis na inis ako sa buhay ko kasi nga wala akong trabaho at walang pera (at uwing uwi sa pinas). Iniisip ko kasi nun pano ko makakauwi ng pinas kung ala akong pera diba?

Ngayon may trabaho nako, inis parin ako dahil pagod ang kalaban ko. Infairness ang hirap niyang kalaban huh?
Kung wala lang talagang kapalit lahat ng pagod di ko gagawin to, makakauwi din ako sa pinas, uhmm mga ilang puyat na lang siguro makakaipon rin ako. Well may naipon na naman ako pero di pa sapat yun.
Hay buhay nga naman. Ayoko naman dumating yung point na sagarin ko ang sarili ko sa trabaho hanggang sa ma dedo ako.

dapat siguro wag akong mainis kasi baka sabihin niyo na reklamador ako, sorry na! naglalabas lang ako ng init sa katawan( i mean lagnat?) Kala ko ksai magaling na ako nung isang araw pero napansin ko pabalik balik yung lagnat ko.

Di ko maintindihna kung may pilay ba ko sa katawan o sadyang apektado lang ako ng malamig na panahon.

hay get well soon BRATH….

umatras ang oras

…Kahapon 8 ng umaga ang pasok ko sa trabaho. Maaga masyado, nakakatamad gumising, nakakatamad maligo dahil malamig(pero syempre naligo parin ako)

…Nag alarm ako ng 5:30am pero wag niyong isiping gumising agad ako dahil ang totoo niyan, natulog ako ulit at mga 6:40 na yata ako gumising.

…Tumunganga saglit at naligo pagkatapos. Nagtimpla ng kape at kumain ng suman na malagkit na binili ko sa pinagtatrabahuan kong Pilipino store.

…Napatingin ako sa oras sa may microwave ng bigla akong napamura P#@*!!!!!!

…Nagulat ako kasi pagtingin ko sa oras e 8:48am na, lintik yan alas otso kaya ang pasok. Sobrang late na pala ako.

…Hinagilap ko selpon ko para i check kung 8:48 na talaga, pag tingin ko 7:30am pa lang.Chineck ko din yung oras sa naka roam kong phone at nakalagay dun e 9:15. AMPF! ano ba talaga kuya! nasa earth pa ba ako????!!!

…Kinatok ko yung madrasto ko para magpahatid na lang kasi di ko alam kung late na ba talaga ako. Kung mag ba bus ako tiyak ma lelate ako.:

BRATH:pudra, ihatid mo na lang ako sa trabaho
PUDRA: no oras ba pasok mo?
BRATH: 8!
PUDRA: nako!
(di ko na gets kung bakit siya nag sabi ng nako. basta nung tinanong ko kung bakit ang gulo ng oras ang sabi niya e umatras daw ng isang oras yung oras.)

…Ganun daw kasi kapag mag wiwinter na! Anak ng putakte! malay ko ba dun. Iintindihin ko pa ba ang pag ikot ng mundo, pagbago ng oras, at pag bago ng panahon??? ang gulo dito huh!

Ibig sabihin tama yung oras sa selpong gamit ko dito dahil nag o authomatic daw yun kapag nag babago yung oras.Sa madaling salita di pa talaga ako late(yehey!). Dumating ako sa trabaho ng mga 7:56am. O diba ang aga ko?lols.

Laging tandaan: TIME IS RUNNING WITHOUT FEET……( isa sa mga motto ng pinsan kong kikay..)

unica hija

Malamang ako yun diba? nyahahaha. Sa totoo lang, wala ka masyadong mapupulot sa entry kong ito. Gusto ko lang kasi mag kwento dahil darating naraman ang wikends at magiging busy ulit ako.

Dahil nag iisa akong anak di ibig sabihin nun e nakukuha ko lahat ng gusto ko. Dati nung bata ako siguro oo, dahil isang ngawngaw ko lang e agad bibilhin ng mudra ko kung ano gusto ko. Pero nung medyo tumagal na di na masyado.

Alagang alaga din ako ng bata pa ko, kaya lang isang kasambahay ang nag aalaga sakin kasi may trabaho si mudra sa opis e. Meron isang nag alaga sakin na ayaw akong palabasin ng bahay dati kasi baka daw mag ka peklat ako. At ito ang kwento nun.

mudra: tess palabasin mo naman yung bata sa labas para maglaro. tingnan mo medyo maputla tuloy yung bata kasi di nakakalanghap ng sariwang hangin..

maid: ati, kung palalabasin ko si BRATH, baka magka piklat yan! sayang ang kutis!..

mudra: yaan mo na siyang magka peklat basta ma enjoy niya yung pagiging bata niya.

maid: ati ano ka ba magkaka piklat nga siya, kami na lang maglalaro ni brath dito sa loob uki para sif.

*hanggang sa wala ng nagawa si mudra para makalabas ako, umalis na lang siya agad papuntang trabaho….

Malungkot daw pag nag iisa ka lang anak. Pero ako di ko feel yun kasi nung pinapayagan na ko lumabas ng bahay e isang tambling ko lang, nandun na ko sa bahay ng pinsan ko kaya ang saya! saya!.

Ang pangit lang sa pagiging unica hija e bantay sarado ka, lalo na sa mga boys! Nakupo! Pero siyempre tuso tong si BRATH hahahaha kaya yung unang boyprend ko e hindi nila nalaman nyahahaha,, galing ko talaga. Itong beauty na to di pwedeng maka boypren? neknek nila! nyahahahaha

picture-10.jpg