ay nako day


arrrrrggghhh inis ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ko nakakapag miming…kaya nga ko umuwi ng pinas ay para ilantad ang sarili ko na naka tupiz habang pasuray suray sa maganda at sosyaling resort…pero anong ginawa ko, natulog lang ko ng natulog hanggang sa di ko na pala namalayan na mag dadalawang linggo na pala ako dito at wala paring nangyayari!!

 

kaya lang nung umuwi ako dito parang ang dami tuloy nagbago…naglabo labo lahat pati lablayp ko huhuhu…pero ayus lang, lilinaw din lahat ang kung sino man ang may sala lagot siya dahil parurusahan ko siya sa ngalan ng buwan!!..

bukas ang araw ni BRATH dahil siya ay mag mimiming!!magsisimula na akong maghasik ng lagim sa bawat sulok ng pilipinas…humanda kayo…malamang pagkatapos ng swimming back to normal naraman..pakiramdam ko nga wala kwenta buhay ko dito ampf na amerikang yan nag papa miss pa kasi yeta talaga..tapos super shaglid talaga lablayp ko ang hirap pag sarili mo na kalaban mo kasi di mo matalo talo amf!

hay kering keri mo ang lahat ng yan BRATH..ikaw pa atapang atao ka yata..sige kita kita na lang tayo,, kung makita niyo kong pasuray suray jan paki kalabit na lang ako…habaguday!

 



 
 
 

 

 

bye bye blogging na nga ba??

hindi naman..kumakambyo lang ako ng onti.. para i enjoy ang pag lagi ko dito sa pinas…malay niyo makita niyo na lang ako na pagala gala dyan sa tabi at sabay sabing: “uy parang si brath yun ah, yung blogger?”” lols syempre alam ko naman na hindi ako ganon ka sikat no..

grabe na miss ko yung mga oras na pa upo upo lang ako nung wala pang kong trabaho yung pa blog blog lang kahit walang pera…ngayon talagang mauubos pera ko dahil alam kong wala akong mapag kukunan…baka naman isipin ng iba na gusto kong gawing pariwara ang buhay ko sa pinas at lustayin ang perang naipon ko para sa wala….sapat na siguro lahat ng ipon ko para mag enjoy sa buhay kahit sandali lang tapos nun papakamatay na ko lols…

na miss ko rin yung mga kaututang dila ko dito sa wp,, mga kaututang dila kamusta na?miss niyo ba ko?? hindi???(may pala sa puwet)  oo????(may kiss sa lips muuuaaahhrrrrrhhggg) o diba may kasama pang gigil lols

 

bulaga!!

medyo nawala lang ako sa sirkulasyon nitong mga nakaraang araw dahil kaylangan kong kumayod para sa aking future naks! pero sa totoo nyan nag iipon talaga dahil 5 araw na lang ay balik pinas na ulit ako.

ibig sabihin sasakay naraman ako ng jeep, fx, tricycle, pedicab, lrt..lalanghap naraman ako ng polusyon sa mga kalye..magsismula naraman akong pagpawisan ng todo todo..magsisimula naraman ang pakikibaka ko s mga ipis…

dahil busy ako di ko tuloy maayos ang sandamukal kong mga gamit, nahihirapan ako dahil pag uwi ko sa bahay ay lagi akong pagod…isa isa na nga kong nagpaalam sa mga bagay bagay dito sa steyts,,, babay na sa mga bus na sinasakyan ko araw araw papuntang trabaho…babay sa kama kong malamig…sa mga mall nalilibot ko maghapon pag day off ko,…sa pagtanggap ng sweldo kada martes(shaks pano na yan??!!) hay kaya nga todo kayod ako e para makaabot ako sa kota ko,,oo may kota ako at ang kotang yon ay para sa future ko lols..

 

magsisimula ulit ako sa umpisa pag uwi ko,, ayos lang sakin dahil ito naman talaga ang gusto ko noon pa naman.di bale kaya ko to!! AJA BRATH.. AJA!!