ay nako day


arrrrrggghhh inis ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ko nakakapag miming…kaya nga ko umuwi ng pinas ay para ilantad ang sarili ko na naka tupiz habang pasuray suray sa maganda at sosyaling resort…pero anong ginawa ko, natulog lang ko ng natulog hanggang sa di ko na pala namalayan na mag dadalawang linggo na pala ako dito at wala paring nangyayari!!

 

kaya lang nung umuwi ako dito parang ang dami tuloy nagbago…naglabo labo lahat pati lablayp ko huhuhu…pero ayus lang, lilinaw din lahat ang kung sino man ang may sala lagot siya dahil parurusahan ko siya sa ngalan ng buwan!!..

bukas ang araw ni BRATH dahil siya ay mag mimiming!!magsisimula na akong maghasik ng lagim sa bawat sulok ng pilipinas…humanda kayo…malamang pagkatapos ng swimming back to normal naraman..pakiramdam ko nga wala kwenta buhay ko dito ampf na amerikang yan nag papa miss pa kasi yeta talaga..tapos super shaglid talaga lablayp ko ang hirap pag sarili mo na kalaban mo kasi di mo matalo talo amf!

hay kering keri mo ang lahat ng yan BRATH..ikaw pa atapang atao ka yata..sige kita kita na lang tayo,, kung makita niyo kong pasuray suray jan paki kalabit na lang ako…habaguday!

 



 
 
 

 

 

BRATH: malapit na akong umuwi…

Oo tama ka, malapit na akong umuwi sa pinas. Para sa inyong kaalaman, sa April na ang uwi ko. Malapit na yun at halos isang buwan na lang ang itatagal ko dito. Matatapos na ang maliligaya at malulungkot kong araw dito sa esteyts. Lagi kong sinasabi na gustong gusto ko ng umuwi pero ngayong nandito na para namang umaatras pa ko. Dahil narin siguro yun sa mga narating ko dito bilang isang indibidwal.

Mahirap mang sabihin pero marami din akong mamimiss dito. Isa na yung pagtanggap ko ng sweldo kada linggo, ang sarap sa pakiramdam nun no. Na pagkatapos ng ngaragang gawain ko sa trabaho namin e makakatanggap ako ng sweldo na ipambibili ko sa mga luho. Ang boss kong kamuka ni Batista, kahit laki na dito na sa esteyts lumaki si boss makikita mo parin sa kanya ang pagiging isang pinoy. Naks! Mamimis ko rin yung mga fighting scenes namin ng madrasto ko. Pramis pwede isa pelikula ang mga yon. Mga kasamahan ko sa trabaho na kung ituring nila ko e parang ako ang prinsesa sa opis namin hehe. Di nga mababait sila at alam ko namimis nila ako kapag naka off ako, ako lang naman kasi dun ang maingay at may pagka bubbly. Ang mama ko, na ngayong ko lang ulit nakasama. 10 months lang kami nag kasama ni mama simula nung iwan niya ko sa pinas 5 years ago. Alam ko disappointed siya sa naging desisyon ko pero sana naiintindihan niya ko.

Mamimis ko rin ang maliit at malambot kong kama, mas malambot at komportable ito kesa sa kama ko sa pinas. Ang pagsakay sa nj transit bus ng mag isa. Malungkot ang mga pagkakataong yun pero mararamdaman mong safe ka sa biyahe. Ang New York na nagsilbing pasyalan ko sa tuwing nababagot ako sa bahay namin.

Marami pang ibang bagay na mimis ko ng sobra dito sa esteyts pero alam ko sa sarili ko na hindi ito ang klase ng buhay na gusto ko. Kung pwede lang sana maging isa ang esteyts at ang pinas e di sana wala ng problema. Pwede naman yun diba? Kapag pinag isa sila magiging UNITED STATES OF THE PHILIPPINES na yun. O diba ang taray? oo mataray!

Hindi ko naman talaga tuluyang iiwan ang esteyts dahil babalik pa naman ako dito para ipagpatuloy ang dapat ipagpatuloy kaya nga lang medyo matatagalan dahil mahal ang pamasahe(sabay ganun). Maninibago lang siguro ako ng konti kapag bumalik na ko sa ‘tin. ….

ipagpapatuloy……

payo ni BRATH kay VANGIE…

Dahil sa may trabaho ako ng sabado at linggo(pati pala lunes) ay hindi ako nakapag bukas ng kompyuter.

Merong isang babae ang nag comment sa entry kong:Ang Drama ko?…..Tawagin na lang natin siya sa pangalang Vangie. Di ko alam kung pano siya napadpad sa bahay ko, sa tingin ko naman kasi e hindi naman sikat ang bahay ko para madiscover ng ibang tao. Ayun nagulat lang ako kasi ang haba ng comment niya, kala ko nga nung una spam e pero mukang hindi naman.

Nanghihingi siya ng payo sakin. Ikinawindang ko yun dahil bihirang bihira ako magbigay ng matinong payo. Kung totoo man ang pinagdaraan niya ngayon, susubukan kong bigyan siya ng payo.

Vangie’s comment:

~depressed ako at s kahahanap ng makakapag-paluwag ng nagsisiskip kong dibdib,napunta ako s website n ito.napetisyon ako ng isang kanong penpal ko na 22 yrs ang agwat s akin.may isa akong anak s pagkadalaga at pareho na kaming narito s amerika.3 taon n kaming nagsasama ng kano pero habang tumatagal,lalo kong nare-realize na hindi ko sya kayang mahalin.hanggang sa nagkrus muli ang landas namin ng una kong pag-ibig thru internet makalipas ang 16 na taon na hndi pagkakaroon ng komunikasyon..nasa ibang bansa din sya at umabot ng taon ang lihim naming relasyon na hanggang computer lang naman ngunit ang pagmamahal sa isat-isa ay buhay n buhay muli.sa ngayon pilit n nya kaming pinauuwi ng pinas at mamuhay doon kasama sya at ang mga binuo nyang panagarap para sa aming mag-ina.alam ko sa puso ko na gus2 ko n syang makasama at magkasundo naman sila ng anak ko.naguguluhan ako.pag umuwi ako,magagalit ang magulang ko dahil opportunity na ito at paano si kano?kapag hndi ako umuwi,alam kong mawawala n din sa akin ang pinakamamahl ko.ayaw nya dito sa amerika at kaya nya daw kaming itaguyod mag-ina.gus2 nya akong maialis sa pagkakalubog ko sa malaking kasinungalingan…sa pakikisama s taong halos ama ko na at ni wla akong pagtingin kahit konti.naguguluhan ako.ano b ang dapat kong gawin?meron pa akong 8 buwan pra magdesisyon.uuwi ba ako s pinas at tuluyan ng kakalimutan ang amerika o isasakripisyo ko na lang ang sariling kaligayahan?paano ang kinabukasan ng anak ko n hndi sgurado s pinas?paano ang magulang ko na umaasa sa akin na mapepetisyon din sila(ngunit yun ay napakatagal pa bago mangyari)?nasa punto n ako ng pagpili kung puso b o future?minsan lng kumatok ang oportunidad ngunit pag pinalampas ko p ang pangalwang pagkakataon n maksama ang taong tangi kong minahal ng ganito katindi,alam ko wla ng susunod p.alam ko mdami kayong nakokornihan pero totoo lahat ng ito.napakahirap din pala dito s amerika.s haba ng panahong inilagi ko dito,ni minsan di ako naging masaya dito.gulung-gulo ang isip ko.sana may makapagbigay s akin ng payo s website n ito.

~di ko talaga ma-appreciate ang amerika kahit ang tagal ko na pero nwawalan ako ng loob kapag my nagsasabing malaking katangahan daw pag iniwan ko ang tate dhil wla daw knabuksan s pinas.pero dito ko nranasan n mabaon s utang ng nwalan ako ng trabaho,mag-iiyak s gabi dahil wla n kming kakainin ng anak ko at d k naman pwede manghingi s kapitbahay mo,tpos ung prang nadi-discriminate ang anak mo s school dahil d p sanay mag-ingles.malungkot ako dahil ipit n ipit ako s sitwasyon.maisusumpa ako ng parents ko kapag bumalik ako s pinas.maisusumpa din ako ng bf ko kapag d ako tumupad s pangako ko na umuwi na at pakasalan sya…sa tuwing magkakausap kmi,excited syang ibalita n gngwa n ang titirhan nming maliit n bahay,n nakabili n sya ng ganito o ganyan pra s bahay at higit s lahat,ang wedding ring n binili nya.hndi ko makuhang mgsaya ng totoo dahil di ko alam kng anong dapat kong gawin.oo,magiging masaya ako s piling nya pero paano ang magulang ko n masasaktan ko?at my kinabukasan kaya ang anak ko sa pilipinas s paglaki nya?anyone…pls help me.sana may maka-relate.

payo ni BRATH:

Hay buhay! May pagkakahawig ang buhay mo sakin Vangie kaya lang ako walang asawang kano at anak. Ibig sabihin parehas tayong may iniwan at pinangakuan na babalik tayo sa Pinas.

Mahirap pumili sa pagitan ng pag ibig at kinabukasan lalong lalo na kung anak ang pag uusapan. Tama ang sinabi mo na walang kasiguraduhan ang future ng anak mo sa Pinas, hindi basta basta uubra na ang bf mo lang ang magtatrabaho para masustentuhan kayong dalawa ng anak mo. Oo nga at magiging masaya ka dahil makakasama mo ang pinaka mamahal mong tao pero pano naman ang anak at mga magulang mo diba? Kung mahal ka niyang talaga makakapaghintay siya.

Kung may pagkakataon ka na makapag trabaho dito sa amerika, bakit di mo gawin.? Marami kang mahahanap na trabaho lalo na dito sa amerika, hinding hindi ka mauubusan nun. Kahit under the table lang sunggaban mo na ang importante makaipon ka. Pag nakaipon ka na, saka mo planuhin ang pagbalik niyong dalawa ng anak mo sa Pinas. Teka pano nga pala yung kano? Siyempre hindi mo pala basta na lang malulusutan yun.

Ang mabuti mong gawin kausapin mo yung kano. Sabihin mo sa kanya ang gusto mong mangyari. Alam ko iisipin niya na wala kang utang na loob pero kung desilido ka talagang bumalik ng Pinas siguro naman maiintindihan niya yun.

Kung hindi ka man payagan ng kano na umuwi at iwan na lang siya ng ganun ganun na lang, wala kang magagawa kung di magtiis. Ganun talaga ang buhay Vangie, kaylangan may sakripisyo, kaylangan may piliin para sa ikabubuti ng buhay mo. Sadyang mahirap talaga ang buhay dito sa Amerika, akala nila pa easy easy lang tayo dito pero kung alam lang nila ang pinagdadaanan ng mga Pilipinong tulad mo at nagtitiis para makamit ang magandang kinabukasan.

Vangie gaya nga ng sinabi ko kanina, kung mahal ka talaga ng bf mo, hihintayin ka niya kahit gaano pa katagal. Kung alam mo sa sarili mo na hindi ka makakabalik, sabihin mo sa kanya agad at wag mo siyang paasahin.

Hindi ako sigurado kung may mapupulot ba si Vangie sa mga sinabi ko. Ang hirap hirap naman kasi ng sitwasyon niya. Sana lang mapadpad ka ulit sa bahay ko at mabasa mo itong entry ko para sayo. Salamat nga pala sayo kasi nagbigay ka ng tiwala sa di mo kilalang taong tulad ko yun lang.

Sa mga ka bloggers ko, kung may iba pa kayong ma ipapayo para kay Vangie, mag payo lang kayo malay niyo naman makatulung tayo diba?

im not a filipina anymore….

At dahil sa english ang title ng entry ko, dapat tagalog ang nilalaman nito nyahahahahha. Saka na yun pag malufet na ako mag english hmmm just gimme more 3 months to prepare lol.

Kahapon natanggap ko na ang pinaka hihintay kong american passport. Akala ko kasi October pa darating yun pero medyo napaaga ang pag process nila dahil kinulit ko sila sa internet. Syempre nakasulat dun yung mga information about sa katauahn ko at pinaka malufet lang dun e ang pagbabago ng nationality ko na ang nakasulat ay:

Nationality/Nationalite/Nacionalidad:
United States of America

huwhat! samantalang dati e FILIPINO pa ang nakasulat kapag nationality ko ang pinag uusapan. Kung tutuusin hindi ko nga na feel na nag iba na nationality ko e. Syempre dugong pinay parin ang dumadaloy sa ugat ko noh haler!

Pansamantala lang naman tong pagiging amerikana ko e kaya lulubus lubusin ko na nyahahaha. Hindi ibig sabihin nun na magiging inglesera na ako kasi di pa masyadong kaya ng shakra ko yun okey pero Im getting there…(ika nga ni Piolo nyahahahah). Bakit kamo pansamantala? aba syempre hindi ako papayag ng basta ganun ganun na lang. Mag aaply ako ng dual citizenship wahahahahah. Next week nga balak ko ng asikasuhin yun e kaya baka hindi matuloy yung sinasabi kong 3 months kanina sori na!.

Wag kayong mag alala hindi ako magbabago. Ako parin si BRATH na kilala niyo. Maganda, sexy, mabait ah basta lahat na lol.

si-na-una

Masarap mabuhay noong unang panahon, yung bang magsusuot ka ng filipiñanang damit tapos may pamaypay kang masangsang ang amoy na ipangtatakip mo sa bibig mo kapag tatawa ka ng ahihihihi. Tapos kunwari conservative ka pero yun pala nasa loob ang kulo (hala).

Hindi ko alam kung pano nila natitiis magsuot ng ganung kainit na dami. Balot na balot ang mga kababaihan noon na parang sumang hindi matae. Whew! pati tuloy ako nag iinit na rin ahehehe.

balintawak1.jpg
Syet ang init abot singit! pero todo pose parin ang mga dalagingding

Sapalagay ko nga e hindi na nila nakuhang labhan yang mga damit nila dahil miski si Aleng Bebang na tumatanggap ng labada sa may kanto ay di kakayanin ang paglalaba ng mga filipiñanang damit.

Ewan ko ba kung bakit napagdiskitahan ko yung mga kasuotan noong unang panahon, dahil narin siguro namuryot ako kanina kakakain ng matigas na bagel with cream cheese. Tsk tsk nangawit lang ang panga ko kakanguya.

Okey, balik na tayo sa sinaunang panahon. Napaka ganda ng mga pangalang ibinibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak noong panahon ni kopong kopong:

Kuring, Inday, Bebang, Kardeng, Gorio, Sisa, Basilio, Crispin, Maria Clara, Trining, Pacita, Purikita, Purikito, Dudong, Luzviminda, Rupino, Tasyang, Pasing, Basyang, Basyong, Enriqueta, Enriqueto, Jose, Joseng, Joselito, Florencia, Cerenia, Inisia, Pinong, Pinang, Diding, Dorya, Pantsa, Tunying, Pedro, Sinang, Milagring, Luningning, Mariposa, Budang, Sonyang, Plunggay, Kunchita, Pirina, Pirino, Tekla, Bada, Piling, Alay, Aloy, Badong, Anoy, Lagik, Kabe, Pato, Bubong, Pelisidad, Caridad, Carming, Ibing, Nene, Tata, Undoy, Toto, Berto, Berta, Sonya, Bartolome, Pilipo, Pilipa, Purita, Purito, Consolacion, at marami pang iba hay hirap kaya mag isip.

Diba ang lufet ng mga pangalan! Minsan nga iniisip ko na ganyang klase na lang ang ibigay kong pangalan kapag nag kaanak ko (kaylan kaya yun? hay) kaya lang baka mamuryot lang sakin yung magiging anak ko at sabihin niyang :

(kunwari lalaki ang naging anak ko)
” Ermat! sa dinadami ba namang pangalan na naimbento sa ilalim at sa ibabaw ng lupa bakit Kardeng pa ang ipinangalan mo sakin! Bakit!? Pwede namang JOE o di kaya FALCON (hay yung anak ko gusto yata maging ibon) diba bakit hindi na lang yun?!!!! BAAAKIT!!!!! waaaaahhh”
(babae naman)
” Mudra!, Bakit naman Bebang ang ipinangalan ninyo sa akin ni Pudra?. Ayan tuloy akala ng mga klasmeyt ko tumatanggap ako ng labada ahuhuhuhuhu”

muryot_web.jpg
mga batang namuryot dahil sa pangalan nila

O diba kaawa naman yung magiging anak ko tsk tsk, pero iba talaga kasi dating sakin niyang mga makalumang pangalan na yan e. Di bale ibang pangalan na lang ibibigay ko sa kanila pagdating ng panahon pramis.

ang muryot kong wikend

Namuryot lang naman ako ngayong weekend kaya hindi tuloy ako nakapaglagay ng bago kong saloobin dito sa bahay bahayan ko. Nabwisit ako kay Odysseus, oo sya nga! Nahilo ang utak at dumugo ang ilong ko kakabasa ng THE ODYSSEY. Ang maganda lang dun e hindi ako binigo ni Odysseus, pinaliwanag niya ng maayos kung anong naging karanasan niya sa kanyang paglalakbay papuntang Ithaca. Hay, buti na lang mas makapal pa sa mukha ko yung dictionary na ginamit ko, laking tulong din nun para maintindihan ko yung mga pinagsasabi ni Odysseus sa kwento niya.

od1.jpg
ODYSSEUS(kuno!)

Anyweiz, wag na nating guluhin pa si Odysseus alam kong tahimik na ang pamumuhay niya ngayon. Bukod sa pagbabasa ng THE ODYSSEY nitong weekend, naging busy din ako kaka bloghopping. At napadpad ako sa makamundong blog ni ms.BANANA kasama ng kanyang saging sa bibig. Nagulat at nagulantang (parehas lang yata yun?) ako nung nakita ko yung maganda kong fektyur (kapal ko no? hehehe) sa isa sa mga entry nya. Sobra talaga akong na tats dun sa entry na yun ni ms.BANANA, hindi ko akalaing magkakaroon ako ng isang kaibigan tulad niya, at hindi lang siya marami sila na tumanggap sakin dito sa mundong to kahit hindi pa nila ako ganun kakilala.

Nandyan sila ms.MARU kasama ng kanyang mabulaklak na bikini, ms.JOJIE at ang kanyang curlers na blue na pinagkakaguluhan ng lahat, ms.RED na sinasabi nilang demonyita pero hindi naman.

brat1.jpg
kunwari tayo to mga sistah hehehehehe

Miski lahat ng nasa blogersrollers ko ay pinasasalamatan ko (tenk you tenk you!) kasi naging parte sila, nakibasa, nakikomento sa aking munting bahay bahayan. o diba nag drama naraman ako? hehhe wala lang.

Pero in the fair of ness kayo yung una kong set of friends dito sa esteyts no kasi dito lang naman ako nagsimulang mag blog.

Sana magkarooon tayo ng pagkakataon na makita ang isa’t isa tapos lahat tayo na ka curlers na blue o diba hindi halatang na obsess tayo sa curlers ni ms.JOJIE? hehehehe. Nasasabik na tuloy akong umuwi sa Pinas hehehe mis ko na rin kasi fafa ko dun e,(sabay ganun..)

sige sibat na muna ako ha magsasaing pa kasi ako e, hehehe(ang sipag ko talaga)

xiao!

gusto kong mag aral kahit ayoko?

Dahil sa sobrang pagkabagot ko dito, naisip ko na parang gusto kong mag aral dito kahit ayoko (gulo no?) wag niyo na tanungin kung anung major ko secret na lang yun!

ayoko kasi:
~ mahal ang tuition fee at ayoko ngang umasa sa mga student loans dito dahil for sure hindi rin ako magtatagal dito.

~ dumudugo ang ilong ko pag nag e english. bwisit pahirap sa buhay!

~ tinatamad na akong gumising ng maaga, hay ang sarap kasing matulog (gusto niyo akong samahan? hehehe)

~ wala pa akong prends, nakakakaba kaya yun, back to zero tuloy ang dating ko.

~ sayang ang pera pamasahe, iipunin ko na lang para hindi na ako naghihiram sa mudra ko ng laptop. bibili ako ng sarili ko hehhe

~ naiinis ako sa mga itim dito masyado silang marami at sobrang ingay pa nila

bigla ko naman nagustuhang mag aral ulit kahit ayoko kasi:

~ makaka ipon ako kapag binigyan ako ng alawans ng mudra ko

~ makakagala ako pagkatapos ng klase sa journal square ahihihihi

~ para hindi na ako masyadong mabagot dito sa bahay

~ para magkaroon ng prends

~ para ma praktis ko ang ability ko sa pag e english (wish ko lang meron)

~ para ma excercise ang utak ko sa kaiisip, medyo kinakalawang narin kasi

~ gusto kong magpasikat at patunayan sa kanila na magaling at malufet ang mga Pinay. O diba ang taray!?

Nagpapasalamat naman ako sa aking dearest mama at binayaran niya ang tuition fee ko kahit may kamahalan ng onti. Di bale isang sem lang ako mag aaral dahil panigurado sa feb uuwi na talaga ko (paulit ulit ko na tong sinasabi! hay kulit ko talaga).

Parang ang dating tuloy nun sakin e sinayang ko lang yung datung ng mama ko dahil isang sem lang ang papasukan ko. Pero ok na rin yun kasi kung sakaling gusto kong mag aral ulit e di sa Pinas na lang, mura pa.

Ah basta naguguluhan talaga ako bahala na nga si spiderman! i drop ko na lang kaya mga subjects ko, pede naman i refund e ehehehee….

confused.jpg