uy nandito pa naman ako!

waaaaahh ang tagal kong nawala sa sirkulasyon ng blogosphere.. nandito ako ngayon humihingi ng kapatawaran sa aking balay dahil sa kapabayaan ko… magpapaalan narin muna ako pansamantala…hindi na muna ako magsusulat dahil magiging busy ako sa mga susunod na araw, linggo at buwan.. ..hay sori na,….na mimiss ko pa naman ang ilan sa inyo na sadyang napalapit na sa puso ko naks!

babalik pa naman ako e, ..baka makiki lurk muna pansamantala…pero di muna gagawa ng mga walang ka kwenta kwentang entries…babalitaan ko na lang kayo kung ano na ang estado ng buhay ko sa ngayon…hay pero matagal pa yun perp at least nakapag paalam ako ng maayos..

 

alam ko na naman na hindi niyo ko mamimiss at nakalimutan niyo ng may BRATH sa wp… sa takdang panahon alam ko matatandaan niyo rin ako pramis yan…

 

o pano ba yan… paalam muna…

Advertisements

BRATH: malapit na akong umuwi…

Oo tama ka, malapit na akong umuwi sa pinas. Para sa inyong kaalaman, sa April na ang uwi ko. Malapit na yun at halos isang buwan na lang ang itatagal ko dito. Matatapos na ang maliligaya at malulungkot kong araw dito sa esteyts. Lagi kong sinasabi na gustong gusto ko ng umuwi pero ngayong nandito na para namang umaatras pa ko. Dahil narin siguro yun sa mga narating ko dito bilang isang indibidwal.

Mahirap mang sabihin pero marami din akong mamimiss dito. Isa na yung pagtanggap ko ng sweldo kada linggo, ang sarap sa pakiramdam nun no. Na pagkatapos ng ngaragang gawain ko sa trabaho namin e makakatanggap ako ng sweldo na ipambibili ko sa mga luho. Ang boss kong kamuka ni Batista, kahit laki na dito na sa esteyts lumaki si boss makikita mo parin sa kanya ang pagiging isang pinoy. Naks! Mamimis ko rin yung mga fighting scenes namin ng madrasto ko. Pramis pwede isa pelikula ang mga yon. Mga kasamahan ko sa trabaho na kung ituring nila ko e parang ako ang prinsesa sa opis namin hehe. Di nga mababait sila at alam ko namimis nila ako kapag naka off ako, ako lang naman kasi dun ang maingay at may pagka bubbly. Ang mama ko, na ngayong ko lang ulit nakasama. 10 months lang kami nag kasama ni mama simula nung iwan niya ko sa pinas 5 years ago. Alam ko disappointed siya sa naging desisyon ko pero sana naiintindihan niya ko.

Mamimis ko rin ang maliit at malambot kong kama, mas malambot at komportable ito kesa sa kama ko sa pinas. Ang pagsakay sa nj transit bus ng mag isa. Malungkot ang mga pagkakataong yun pero mararamdaman mong safe ka sa biyahe. Ang New York na nagsilbing pasyalan ko sa tuwing nababagot ako sa bahay namin.

Marami pang ibang bagay na mimis ko ng sobra dito sa esteyts pero alam ko sa sarili ko na hindi ito ang klase ng buhay na gusto ko. Kung pwede lang sana maging isa ang esteyts at ang pinas e di sana wala ng problema. Pwede naman yun diba? Kapag pinag isa sila magiging UNITED STATES OF THE PHILIPPINES na yun. O diba ang taray? oo mataray!

Hindi ko naman talaga tuluyang iiwan ang esteyts dahil babalik pa naman ako dito para ipagpatuloy ang dapat ipagpatuloy kaya nga lang medyo matatagalan dahil mahal ang pamasahe(sabay ganun). Maninibago lang siguro ako ng konti kapag bumalik na ko sa ‘tin. ….

ipagpapatuloy……

desperadang komento,,,,

Hmmmm. Hindi maganda dating sakin nung isang episode ng Desperate Housewives. Alam ko pinag uusapan ito ngayon lalo na ng mga Pinoy, kaya nais ko na ring magbigay ng komento patungkol dito.

Nung dumating ako dito sa esteyts, di ko ramdam ang diskriminasyon kasi marami na ring ibang lahi ang naninirahan dito ngayon. Pero nung nalaman ko ang patungkol sa desperate housewives parang nainis ako. Sinusuportahan at tinatangkilik ko kasi ang ilan sa mga series at kung anu anung palabas di lang ng tfc pati na rin ng ibang foreign channels.

Marami akong kakilalang mga Pinoy na doktor dito sa esteyts na nag sasakripisyo at nag aalay ng dugo at pawis para paglingkuran ang isang dayuhang bansa. Hindi basta basta ang hirap nila para insultuhin ng ganun ganun na lang.

Wala akong pakialam kung namali ang script sa naturang episode na yon. Ganun din naman ang gusto nilang ipahiwatig e. Ang akin lang, wala silang karapatan para maliitin tayong mga Pinoy. Kahit na ba sabihin nilang palabas lang yun, iba pa rin ang magiging dating non para sa ating mga Pinoy. Pang iinsulto ang tawag dun.

Hindi nasa maulit ito……..

im not a filipina anymore….

At dahil sa english ang title ng entry ko, dapat tagalog ang nilalaman nito nyahahahahha. Saka na yun pag malufet na ako mag english hmmm just gimme more 3 months to prepare lol.

Kahapon natanggap ko na ang pinaka hihintay kong american passport. Akala ko kasi October pa darating yun pero medyo napaaga ang pag process nila dahil kinulit ko sila sa internet. Syempre nakasulat dun yung mga information about sa katauahn ko at pinaka malufet lang dun e ang pagbabago ng nationality ko na ang nakasulat ay:

Nationality/Nationalite/Nacionalidad:
United States of America

huwhat! samantalang dati e FILIPINO pa ang nakasulat kapag nationality ko ang pinag uusapan. Kung tutuusin hindi ko nga na feel na nag iba na nationality ko e. Syempre dugong pinay parin ang dumadaloy sa ugat ko noh haler!

Pansamantala lang naman tong pagiging amerikana ko e kaya lulubus lubusin ko na nyahahaha. Hindi ibig sabihin nun na magiging inglesera na ako kasi di pa masyadong kaya ng shakra ko yun okey pero Im getting there…(ika nga ni Piolo nyahahahah). Bakit kamo pansamantala? aba syempre hindi ako papayag ng basta ganun ganun na lang. Mag aaply ako ng dual citizenship wahahahahah. Next week nga balak ko ng asikasuhin yun e kaya baka hindi matuloy yung sinasabi kong 3 months kanina sori na!.

Wag kayong mag alala hindi ako magbabago. Ako parin si BRATH na kilala niyo. Maganda, sexy, mabait ah basta lahat na lol.

ang drama ko….?

Bakit sa tagal tagal ko ng nabubuhay sa mundong ibabaw ay hindi ko pa rin maramdam na masaya ako sa buhay ko. Hindi naman kami ganun kayaman para masunod ang luho pero nabibili ko naman ang gusto ko. Naniniwala kasi ako na magkaiba ang luho sa gusto. Pero di bale hindi lang naman tungkol sa luho at gusto ang nais ko ng iparating. Eto talaga yun pramis!

Maraming tao lalong lalo na sa Pinas ang gustong makapunta sa Amerika, sabi kasi nila maganda daw ang oportunidad doon, kikita ka ng maraming pera, makakabingwit ng kanong mayaman at kung anu ano pa.

Aaminin ko isa ako sa maraming pinoy na gustong makapunta ng Amerika, nagsimula yun ng iwan ako ng mama ko sa Pinas para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Naiintindihan ko kung bakit niya kaylangang magtungo papuntang Amerika, anu pa nga ba kung di siguraduhin ang magiging kinabukasan ko. Ang kinalulungkot ko lang ay yung hindi niya nasubaybayan ang paglaki ko. Umalis kasi siya nung grade 5 pa lang ako, neneng nene pa ako nun. Kung baga yung mga sumunod na taon ang pinaka importante sana ng paglaki ko bilang isang babae na hindi naman niya nakita.

Limang taon siyang hindi bumalik ng Pinas, minsan nga iniisip ko kung bakit ayaw niyang umuwi. At may mga panahong hindi mo maiiwasang maiyak dahil ang mismong nanay mo ay hindi nakarating sa graduation mo ng elementary at highschool. Masakit yun para sakin lalo na’t nag iisa lang akong anak. Halos durugin ang puso ko sa sakit(ouchhh!).

At dahil sa naging matapang ako at positibo sa buhay, nakayanan ko lahat yun. Kahit papano naging masaya ako kahit hindi ko kapiling ang mama ko, sa madaling salita, bigla ko na lang natanggap ang lahat ng walang pag aalinlangan.

Dahil malayo ang mama ko sakin mas nabuhos ko ang pagmamahal ko sa mga kaibigan at sa tita ko na siyang nagalaga sa akin. Masaya ako dahil nabigyan ako ng mga makukulit at malulufet na kaibigan. Nawala na yung pangarap ko na maka punta ng Amerika dahil naisip ko na sobra saya palang mamuhay sa Pinas lalo na’t marami kang kaibigan laging nandyan para sayo.

Hindi ko akalaing inasikaso na pala ng mama ko ang mga papeles ko papuntang Amerika. Halos wala ako sa ulirat nung interview ko sa US Embassy dahil hindi ako makapaniwala na may pagkakataon na pala akong makapunta ng Amerika. Hindi ako natuwa, nalungkot pa nga ako ng matanggap ko yung visa ko. Siguro kung iba pa yun nagtatalon na sila sa sobrang tuwa pero ako parang ayaw tanggapin ng kamay ko yung visa nung iabot sakin nung mamang taga deliver.

Hindi ako makaiyak nung mga panahong iyon, dahil halos lahat sila masaya para sakin at sinasabi nilang napaka swerte ko daw dahil hindi biro ang mabigyan ng ganitong klase ng oportunidad. Lahat ng iyak ko naipon sa loob, mahirap, masakit hindi ko mapakita sa kanila kung ano ba talagang nararamdaman ko nung mga panahong iyon dahil narin siguro sa ayokong ma disappoint sila sakin. Baka sbihin pa nilang tumatanggi ako sa grasya.

Ang punto ko naman kasi, Kung kaylan naman ako naging masaya at kuntento sa buhay ko sa Pinas saka naman dumating yung panahon na kaylangan kong iwan ang bansang napamahal na sakin ng sobra. Iniisip ko nga minsan na kahit sobrang hirap mamuhay sa Pinas dahil sa mainit, mahal ang bilihin, talamak ang krimen etc etc, bakit hindi ko minsan maramdam lahat ng hirap sa bansa natin? Dahil narin siguro ay sanay na tayong mga Pilipino sa paghihirap minsan nga ay nakuha pa nating tumawa kahit kapos at hirap na tayo sa buhay. Doon ako bumilib sa mga Pinoy, napaka positibo sa buhay!

Ngayon nandito na ako sa bansang pinapangarap ng maraming tao, sinasabi ko sa inyo malungkot at mahirap din ang buhay dito. May parte sa buhay ko ngayon na masaya dahil kapiling ko na ang mama ko pero hindi sapat yun para punan lahat ng kalungkutang nararamdaman ko sa buhay ko ngayon. Gaya nga ng sabi ng iba sa akin: “Onting tiis lang”. Oo titiisin ko at alam ko namang kakayanin ko to, kaylangan ko lang sigurong magsakripisyo pansamantala. Oo nga mabibili ko lahat ng gusto ko pero hindi mabibili ng mga dolyares ang kaligayahan ko. Kaligayahan na tanging sa Pinas ko lang matatagpuan…

sad.jpg

Philippine Fiesta ’07

Ang akala ko ay puro trabaho lang inatupag ng mga Pilipino dito sa Amerika yun pala meron din silang tinatawag na “Philippine Fiesta”(wow!). Halos siyam na taon na nilang ipinagdiriwang ito tuwing Agosto sa Secaucus, New Jersey. At dahil sa first time kong pumunta dun ay inakala ko na boring at walang ka kwenta kwenta ang madadatnan ko roon. Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa mga ganung klaseng pagdiriwang at dahil sa nababagot, nawiwindang at nabuburyong na ako sa bahay ay pumunta nalang ako para maipasyal ang sarili ko.

fiesta.jpg

Pagpasok ko sa loob nagulat ako sa nakita ko, dahil sobrang saya ng mga tao at maraming mga booth na nagbebenta ng mga kung anu anu na galing pa sa Pinas. Hindi ko akalaing ganung karaming Pilipino ang nagkaisa para magsaya ng araw na yon.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako matutuwa nung nandoon na ako at nakikita ko na puro Pinoy ang nandoon. Mis na mis ko na talaga kasi ang Pinas. Naisip ko tuloy na kung hindi lang sana mahirap ang bansa natin malamang mangilan ilan lang ang Pinoy dito pero sa kasamaang palad mahirap parin hanggang ngayon.

Halos siyam na oras din akong nandon at nag ikot ikot kasi sabi nila magpe perform daw sa fafa Piolo, Pokwang atPops. E lagi ko namang nakikita si Piolo at si Pokwang sa tv titingnan ko lang kung makalaglag panty ba talaga ang kagwapuhan ni fafa Piolo.

At ng lumabas na si pokwang hindi ko akalaing maganda pala yun sa personal syempre ganun naman lahat ng artista, lahat gwapo at maganda sa personal. Pero nung si fafa Piolo na ang kumanta hindi nga ako nagkamali gwapo nga talaga pero hindi nalaglag ang panty ko nung nakita ko siya dahil nakalimutan ko palang mag panty hhehe( juk lang).

Marami akong natutunan doon, syempre hindi pwedeng wala no! Ang pinaka makulit ngunit totoo na realize ko about the Filipinos e sadya talagang mahilig tayo sa mga libre, sample at bargain. Syempre kahit may trabaho ang mga Pinoy dito e praktikal pa rin sila kung mag isip dahil hindi biro ang magtrabaho dito para lang kumita ng pera na ipapadala sa mga kamag anakan sa Pinas.

Kaya ikaw! kung sino ka mang kontrabida ka na sobra kung manglait sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa aba kilabutan ka! dahil hindi mo alam kung anung hirap at sakripisyo at pinagdadaanan namin no!

pagandahan nalang ano? laban ka?
hehehehe

kilala niyo naman siguro kung sino yun? ahihihih

Kaya I am supah proud to be Pinoy!!! (wow talaga!)