kabastusan naman oh!

naranasan mo na bang masabihan ng:

“You know what, you look so yummy today!!”

napa ha at napakamot na lang ako sa ulo… di ko na lang pinansin dahil kulang ako sa tulog at walang akong sapat na lakas para makipagbakbakan…siguro kung may kasama lang ako boypren nung mga sandaling yon e baka nasapak na siya at umuwing duguan ang ilong..di masyadong maganda dating sakin nun dahil wala ako sa mood ng pumasok sa trabaho minsan nga naisip ko na dumaan na lang sa likod ng opisina para hindi ko na nakakasalubong yung mga makukulit na customer sa store namin…

hay mga lalake talaga.. ang sakiiiit sa ulooooooo!

WEIRD = BRATH

Natanggap ko ang meme na ito kay Joy. Dito na lang ako babawi dahil hindi ko nagawa yung meme niya sakin nung pasko.

 ok start na tayo!

ang kaylangan lang naman e pitong kawirduhan tungkol sakin..

1.) Dahil winter dito ngayon, kaylangan na mga tao dito e mga makakapal ang jacket. Kaya lang kapag napupunta ako sa mall, mga pang summer na damit ang binibili ko, dahil na rin siguro medyo mura yun kesa sa mga winter clothes. Pero kahit na! Weird para sakin yun e.

2.) Mahilig akong bumuli ng pabango. Hindi dahil sa mabaho ako pero gusto kong makita sila na naka display sa kwarto ko.

3.) Laging namamaga mga daliri ko sa paa kapag sobrang lamig. Bumabalik din sila sa dati kapag uminit na yung paligid.

4.) Kapag galit ako o kaya may tampo ako sa isang tao, ang ginagawa ko sinusulutan ko sila. Sinusulat ko yung mga gusto kong sabihin, mas ok sakin yun kesa kausapin ko sila ng personal. Wala tayong magagawa, ganun talaga ako e.

5.) Mahilig akong kumiss sa tenga. Dati may kaklase akong lalake, kiniss ko sa tenga ang nangyari , tumaas yung mga balahibo niya. Tuwang tuwa ako nun hehehe.

6.) Pag nagugulat ako, hindi ako nakakasigaw agad. Siguro mga after 15 seconds pa bago ako makasigaw ng malakas. Lagi kasing akong late reaction.

7.) Mahilig akong tumambay sa bathroom. Miski nung nasa pinas pa ko, hilig ko na talagang tumambay sa bathroom namin kapag nababagot ako. Minsan, kuma kanta kanta ako dun kasi feeling ko naka microphone ako kapag sa bathroom ako kumakanta. Ayus diba?

ok tapos na thanks joy!!!!

ang pasko ng isang BRATH

December 24, 2007…8 am may pasok si BRATH sa trabaho hanggang 5 pm.

Pagkauwi, humiga at nakatulalang nakatingin sa kisame ng kwarto niya.

..nakatulog dahil sa sobrang pagod

…… at pag ka gising niya magpapasko na…

..ang lungkot ng pasko diba?

…paano pa kaya sa darating kong birthday sa 26, e di mas lalong malungkot…… *sigh

….nakakaiyak……….

merry christmas……….

sino ka?

..Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Wala naman talaga akong pasok ngayon pero pinakiusapan lang ako dahil may importanteng gagawin.

.. Pagkatapos ng trabaho ko,lamig na lamig akong pumunta sa bus terminal para mag abang ng Society Hill na bus.

.. May nakita akong mama. Mukang pinoy. Tiningnan ko siya, tumingin din siya..

..Deadma lang ako, tapos napatingin ulit ako sa kanya, tumingin ulit isya sakin.

..gulo no? pero di ko talaga maintindihan kung bakit kami nagkakatinginan..

..Dumating na yung bus na hinintay ko, dun rin siya sumakay. Umupo malapit sa bintana at siya naman ay umupo sa upuan na pang señior citizen, disabled etc..

..kinuha niya yung notepad niya saka ballpen(di niya ko nakitang naka tignin sa kanya.)

..Nagsimula siyang magsulat sa notepad niya. Sa gilid ng mga mata ko, nakikita ko na patingin tingin siya sakin.Medyo natakot na ko kasi baka may gawin sakin yung mama pag baba ko ng bus.

.. Gustong tingnan kung ano sinusulat niya, tyempo naman na napa yuko siya dahil nagsusulat nga siya.

.. HULI! di pala siya nag susulat! nag do drawing pala siya.

.. di kaya ako yung dino drawing nung mama? gusto kong makasiguro kaya hinintay ko ang muli niyang pagyuko.

.. yumuko ulit siya. Tama ako, ako nga yung nasa drawing, naaninag ko yun kasi mahaba yung buhok ng babaeng nasa drawing e , imposible namang yung katabi kong lalaki ang i drawing niya kasi kalbo yun(mukang bouncer).

.. Nagtaka ako, bakit niya ko dino drawing? nang kumpirmado ko na ako nga yung nasa drawing, di nako ulit tumingin pa sa kanya.

.. malapit na ang bus stop ko, pero di parin siya bumababa.

.. Bumaba ako ng bus ng hindi ko siya tinitingnan.

.. ayun safe naman akong nakauwi samin at eto gumagawa ng entry tungkol dun sa mama.

.. kung sino ka man, wag na sana tayong magkatagpo ulit sa bus terminal. saka yung drawing mo sakin tapon mo na lang yun, wala kang mapapala dun. Sa susunod na magkita tayo wag mo na kong idrawing natatakot ako sayo e. Basta ang pagkakatanda ko lang sayo e may bigote ka, yun lang .