gusto kong mag aral kahit ayoko?

Dahil sa sobrang pagkabagot ko dito, naisip ko na parang gusto kong mag aral dito kahit ayoko (gulo no?) wag niyo na tanungin kung anung major ko secret na lang yun!

ayoko kasi:
~ mahal ang tuition fee at ayoko ngang umasa sa mga student loans dito dahil for sure hindi rin ako magtatagal dito.

~ dumudugo ang ilong ko pag nag e english. bwisit pahirap sa buhay!

~ tinatamad na akong gumising ng maaga, hay ang sarap kasing matulog (gusto niyo akong samahan? hehehe)

~ wala pa akong prends, nakakakaba kaya yun, back to zero tuloy ang dating ko.

~ sayang ang pera pamasahe, iipunin ko na lang para hindi na ako naghihiram sa mudra ko ng laptop. bibili ako ng sarili ko hehhe

~ naiinis ako sa mga itim dito masyado silang marami at sobrang ingay pa nila

bigla ko naman nagustuhang mag aral ulit kahit ayoko kasi:

~ makaka ipon ako kapag binigyan ako ng alawans ng mudra ko

~ makakagala ako pagkatapos ng klase sa journal square ahihihihi

~ para hindi na ako masyadong mabagot dito sa bahay

~ para magkaroon ng prends

~ para ma praktis ko ang ability ko sa pag e english (wish ko lang meron)

~ para ma excercise ang utak ko sa kaiisip, medyo kinakalawang narin kasi

~ gusto kong magpasikat at patunayan sa kanila na magaling at malufet ang mga Pinay. O diba ang taray!?

Nagpapasalamat naman ako sa aking dearest mama at binayaran niya ang tuition fee ko kahit may kamahalan ng onti. Di bale isang sem lang ako mag aaral dahil panigurado sa feb uuwi na talaga ko (paulit ulit ko na tong sinasabi! hay kulit ko talaga).

Parang ang dating tuloy nun sakin e sinayang ko lang yung datung ng mama ko dahil isang sem lang ang papasukan ko. Pero ok na rin yun kasi kung sakaling gusto kong mag aral ulit e di sa Pinas na lang, mura pa.

Ah basta naguguluhan talaga ako bahala na nga si spiderman! i drop ko na lang kaya mga subjects ko, pede naman i refund e ehehehee….

confused.jpg

Advertisements

ang drama ko….?

Bakit sa tagal tagal ko ng nabubuhay sa mundong ibabaw ay hindi ko pa rin maramdam na masaya ako sa buhay ko. Hindi naman kami ganun kayaman para masunod ang luho pero nabibili ko naman ang gusto ko. Naniniwala kasi ako na magkaiba ang luho sa gusto. Pero di bale hindi lang naman tungkol sa luho at gusto ang nais ko ng iparating. Eto talaga yun pramis!

Maraming tao lalong lalo na sa Pinas ang gustong makapunta sa Amerika, sabi kasi nila maganda daw ang oportunidad doon, kikita ka ng maraming pera, makakabingwit ng kanong mayaman at kung anu ano pa.

Aaminin ko isa ako sa maraming pinoy na gustong makapunta ng Amerika, nagsimula yun ng iwan ako ng mama ko sa Pinas para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Naiintindihan ko kung bakit niya kaylangang magtungo papuntang Amerika, anu pa nga ba kung di siguraduhin ang magiging kinabukasan ko. Ang kinalulungkot ko lang ay yung hindi niya nasubaybayan ang paglaki ko. Umalis kasi siya nung grade 5 pa lang ako, neneng nene pa ako nun. Kung baga yung mga sumunod na taon ang pinaka importante sana ng paglaki ko bilang isang babae na hindi naman niya nakita.

Limang taon siyang hindi bumalik ng Pinas, minsan nga iniisip ko kung bakit ayaw niyang umuwi. At may mga panahong hindi mo maiiwasang maiyak dahil ang mismong nanay mo ay hindi nakarating sa graduation mo ng elementary at highschool. Masakit yun para sakin lalo na’t nag iisa lang akong anak. Halos durugin ang puso ko sa sakit(ouchhh!).

At dahil sa naging matapang ako at positibo sa buhay, nakayanan ko lahat yun. Kahit papano naging masaya ako kahit hindi ko kapiling ang mama ko, sa madaling salita, bigla ko na lang natanggap ang lahat ng walang pag aalinlangan.

Dahil malayo ang mama ko sakin mas nabuhos ko ang pagmamahal ko sa mga kaibigan at sa tita ko na siyang nagalaga sa akin. Masaya ako dahil nabigyan ako ng mga makukulit at malulufet na kaibigan. Nawala na yung pangarap ko na maka punta ng Amerika dahil naisip ko na sobra saya palang mamuhay sa Pinas lalo na’t marami kang kaibigan laging nandyan para sayo.

Hindi ko akalaing inasikaso na pala ng mama ko ang mga papeles ko papuntang Amerika. Halos wala ako sa ulirat nung interview ko sa US Embassy dahil hindi ako makapaniwala na may pagkakataon na pala akong makapunta ng Amerika. Hindi ako natuwa, nalungkot pa nga ako ng matanggap ko yung visa ko. Siguro kung iba pa yun nagtatalon na sila sa sobrang tuwa pero ako parang ayaw tanggapin ng kamay ko yung visa nung iabot sakin nung mamang taga deliver.

Hindi ako makaiyak nung mga panahong iyon, dahil halos lahat sila masaya para sakin at sinasabi nilang napaka swerte ko daw dahil hindi biro ang mabigyan ng ganitong klase ng oportunidad. Lahat ng iyak ko naipon sa loob, mahirap, masakit hindi ko mapakita sa kanila kung ano ba talagang nararamdaman ko nung mga panahong iyon dahil narin siguro sa ayokong ma disappoint sila sakin. Baka sbihin pa nilang tumatanggi ako sa grasya.

Ang punto ko naman kasi, Kung kaylan naman ako naging masaya at kuntento sa buhay ko sa Pinas saka naman dumating yung panahon na kaylangan kong iwan ang bansang napamahal na sakin ng sobra. Iniisip ko nga minsan na kahit sobrang hirap mamuhay sa Pinas dahil sa mainit, mahal ang bilihin, talamak ang krimen etc etc, bakit hindi ko minsan maramdam lahat ng hirap sa bansa natin? Dahil narin siguro ay sanay na tayong mga Pilipino sa paghihirap minsan nga ay nakuha pa nating tumawa kahit kapos at hirap na tayo sa buhay. Doon ako bumilib sa mga Pinoy, napaka positibo sa buhay!

Ngayon nandito na ako sa bansang pinapangarap ng maraming tao, sinasabi ko sa inyo malungkot at mahirap din ang buhay dito. May parte sa buhay ko ngayon na masaya dahil kapiling ko na ang mama ko pero hindi sapat yun para punan lahat ng kalungkutang nararamdaman ko sa buhay ko ngayon. Gaya nga ng sabi ng iba sa akin: “Onting tiis lang”. Oo titiisin ko at alam ko namang kakayanin ko to, kaylangan ko lang sigurong magsakripisyo pansamantala. Oo nga mabibili ko lahat ng gusto ko pero hindi mabibili ng mga dolyares ang kaligayahan ko. Kaligayahan na tanging sa Pinas ko lang matatagpuan…

sad.jpg

Philippine Fiesta ’07

Ang akala ko ay puro trabaho lang inatupag ng mga Pilipino dito sa Amerika yun pala meron din silang tinatawag na “Philippine Fiesta”(wow!). Halos siyam na taon na nilang ipinagdiriwang ito tuwing Agosto sa Secaucus, New Jersey. At dahil sa first time kong pumunta dun ay inakala ko na boring at walang ka kwenta kwenta ang madadatnan ko roon. Hindi naman kasi ako mahilig pumunta sa mga ganung klaseng pagdiriwang at dahil sa nababagot, nawiwindang at nabuburyong na ako sa bahay ay pumunta nalang ako para maipasyal ang sarili ko.

fiesta.jpg

Pagpasok ko sa loob nagulat ako sa nakita ko, dahil sobrang saya ng mga tao at maraming mga booth na nagbebenta ng mga kung anu anu na galing pa sa Pinas. Hindi ko akalaing ganung karaming Pilipino ang nagkaisa para magsaya ng araw na yon.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako matutuwa nung nandoon na ako at nakikita ko na puro Pinoy ang nandoon. Mis na mis ko na talaga kasi ang Pinas. Naisip ko tuloy na kung hindi lang sana mahirap ang bansa natin malamang mangilan ilan lang ang Pinoy dito pero sa kasamaang palad mahirap parin hanggang ngayon.

Halos siyam na oras din akong nandon at nag ikot ikot kasi sabi nila magpe perform daw sa fafa Piolo, Pokwang atPops. E lagi ko namang nakikita si Piolo at si Pokwang sa tv titingnan ko lang kung makalaglag panty ba talaga ang kagwapuhan ni fafa Piolo.

At ng lumabas na si pokwang hindi ko akalaing maganda pala yun sa personal syempre ganun naman lahat ng artista, lahat gwapo at maganda sa personal. Pero nung si fafa Piolo na ang kumanta hindi nga ako nagkamali gwapo nga talaga pero hindi nalaglag ang panty ko nung nakita ko siya dahil nakalimutan ko palang mag panty hhehe( juk lang).

Marami akong natutunan doon, syempre hindi pwedeng wala no! Ang pinaka makulit ngunit totoo na realize ko about the Filipinos e sadya talagang mahilig tayo sa mga libre, sample at bargain. Syempre kahit may trabaho ang mga Pinoy dito e praktikal pa rin sila kung mag isip dahil hindi biro ang magtrabaho dito para lang kumita ng pera na ipapadala sa mga kamag anakan sa Pinas.

Kaya ikaw! kung sino ka mang kontrabida ka na sobra kung manglait sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa aba kilabutan ka! dahil hindi mo alam kung anung hirap at sakripisyo at pinagdadaanan namin no!

pagandahan nalang ano? laban ka?
hehehehe

kilala niyo naman siguro kung sino yun? ahihihih

Kaya I am supah proud to be Pinoy!!! (wow talaga!)