ay nako day


arrrrrggghhh inis ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ko nakakapag miming…kaya nga ko umuwi ng pinas ay para ilantad ang sarili ko na naka tupiz habang pasuray suray sa maganda at sosyaling resort…pero anong ginawa ko, natulog lang ko ng natulog hanggang sa di ko na pala namalayan na mag dadalawang linggo na pala ako dito at wala paring nangyayari!!

 

kaya lang nung umuwi ako dito parang ang dami tuloy nagbago…naglabo labo lahat pati lablayp ko huhuhu…pero ayus lang, lilinaw din lahat ang kung sino man ang may sala lagot siya dahil parurusahan ko siya sa ngalan ng buwan!!..

bukas ang araw ni BRATH dahil siya ay mag mimiming!!magsisimula na akong maghasik ng lagim sa bawat sulok ng pilipinas…humanda kayo…malamang pagkatapos ng swimming back to normal naraman..pakiramdam ko nga wala kwenta buhay ko dito ampf na amerikang yan nag papa miss pa kasi yeta talaga..tapos super shaglid talaga lablayp ko ang hirap pag sarili mo na kalaban mo kasi di mo matalo talo amf!

hay kering keri mo ang lahat ng yan BRATH..ikaw pa atapang atao ka yata..sige kita kita na lang tayo,, kung makita niyo kong pasuray suray jan paki kalabit na lang ako…habaguday!

 



 
 
 

 

 

Advertisements

BRATH: malapit na akong umuwi…

Oo tama ka, malapit na akong umuwi sa pinas. Para sa inyong kaalaman, sa April na ang uwi ko. Malapit na yun at halos isang buwan na lang ang itatagal ko dito. Matatapos na ang maliligaya at malulungkot kong araw dito sa esteyts. Lagi kong sinasabi na gustong gusto ko ng umuwi pero ngayong nandito na para namang umaatras pa ko. Dahil narin siguro yun sa mga narating ko dito bilang isang indibidwal.

Mahirap mang sabihin pero marami din akong mamimiss dito. Isa na yung pagtanggap ko ng sweldo kada linggo, ang sarap sa pakiramdam nun no. Na pagkatapos ng ngaragang gawain ko sa trabaho namin e makakatanggap ako ng sweldo na ipambibili ko sa mga luho. Ang boss kong kamuka ni Batista, kahit laki na dito na sa esteyts lumaki si boss makikita mo parin sa kanya ang pagiging isang pinoy. Naks! Mamimis ko rin yung mga fighting scenes namin ng madrasto ko. Pramis pwede isa pelikula ang mga yon. Mga kasamahan ko sa trabaho na kung ituring nila ko e parang ako ang prinsesa sa opis namin hehe. Di nga mababait sila at alam ko namimis nila ako kapag naka off ako, ako lang naman kasi dun ang maingay at may pagka bubbly. Ang mama ko, na ngayong ko lang ulit nakasama. 10 months lang kami nag kasama ni mama simula nung iwan niya ko sa pinas 5 years ago. Alam ko disappointed siya sa naging desisyon ko pero sana naiintindihan niya ko.

Mamimis ko rin ang maliit at malambot kong kama, mas malambot at komportable ito kesa sa kama ko sa pinas. Ang pagsakay sa nj transit bus ng mag isa. Malungkot ang mga pagkakataong yun pero mararamdaman mong safe ka sa biyahe. Ang New York na nagsilbing pasyalan ko sa tuwing nababagot ako sa bahay namin.

Marami pang ibang bagay na mimis ko ng sobra dito sa esteyts pero alam ko sa sarili ko na hindi ito ang klase ng buhay na gusto ko. Kung pwede lang sana maging isa ang esteyts at ang pinas e di sana wala ng problema. Pwede naman yun diba? Kapag pinag isa sila magiging UNITED STATES OF THE PHILIPPINES na yun. O diba ang taray? oo mataray!

Hindi ko naman talaga tuluyang iiwan ang esteyts dahil babalik pa naman ako dito para ipagpatuloy ang dapat ipagpatuloy kaya nga lang medyo matatagalan dahil mahal ang pamasahe(sabay ganun). Maninibago lang siguro ako ng konti kapag bumalik na ko sa ‘tin. ….

ipagpapatuloy……