payo ni BRATH kay VANGIE…

Dahil sa may trabaho ako ng sabado at linggo(pati pala lunes) ay hindi ako nakapag bukas ng kompyuter.

Merong isang babae ang nag comment sa entry kong:Ang Drama ko?…..Tawagin na lang natin siya sa pangalang Vangie. Di ko alam kung pano siya napadpad sa bahay ko, sa tingin ko naman kasi e hindi naman sikat ang bahay ko para madiscover ng ibang tao. Ayun nagulat lang ako kasi ang haba ng comment niya, kala ko nga nung una spam e pero mukang hindi naman.

Nanghihingi siya ng payo sakin. Ikinawindang ko yun dahil bihirang bihira ako magbigay ng matinong payo. Kung totoo man ang pinagdaraan niya ngayon, susubukan kong bigyan siya ng payo.

Vangie’s comment:

~depressed ako at s kahahanap ng makakapag-paluwag ng nagsisiskip kong dibdib,napunta ako s website n ito.napetisyon ako ng isang kanong penpal ko na 22 yrs ang agwat s akin.may isa akong anak s pagkadalaga at pareho na kaming narito s amerika.3 taon n kaming nagsasama ng kano pero habang tumatagal,lalo kong nare-realize na hindi ko sya kayang mahalin.hanggang sa nagkrus muli ang landas namin ng una kong pag-ibig thru internet makalipas ang 16 na taon na hndi pagkakaroon ng komunikasyon..nasa ibang bansa din sya at umabot ng taon ang lihim naming relasyon na hanggang computer lang naman ngunit ang pagmamahal sa isat-isa ay buhay n buhay muli.sa ngayon pilit n nya kaming pinauuwi ng pinas at mamuhay doon kasama sya at ang mga binuo nyang panagarap para sa aming mag-ina.alam ko sa puso ko na gus2 ko n syang makasama at magkasundo naman sila ng anak ko.naguguluhan ako.pag umuwi ako,magagalit ang magulang ko dahil opportunity na ito at paano si kano?kapag hndi ako umuwi,alam kong mawawala n din sa akin ang pinakamamahl ko.ayaw nya dito sa amerika at kaya nya daw kaming itaguyod mag-ina.gus2 nya akong maialis sa pagkakalubog ko sa malaking kasinungalingan…sa pakikisama s taong halos ama ko na at ni wla akong pagtingin kahit konti.naguguluhan ako.ano b ang dapat kong gawin?meron pa akong 8 buwan pra magdesisyon.uuwi ba ako s pinas at tuluyan ng kakalimutan ang amerika o isasakripisyo ko na lang ang sariling kaligayahan?paano ang kinabukasan ng anak ko n hndi sgurado s pinas?paano ang magulang ko na umaasa sa akin na mapepetisyon din sila(ngunit yun ay napakatagal pa bago mangyari)?nasa punto n ako ng pagpili kung puso b o future?minsan lng kumatok ang oportunidad ngunit pag pinalampas ko p ang pangalwang pagkakataon n maksama ang taong tangi kong minahal ng ganito katindi,alam ko wla ng susunod p.alam ko mdami kayong nakokornihan pero totoo lahat ng ito.napakahirap din pala dito s amerika.s haba ng panahong inilagi ko dito,ni minsan di ako naging masaya dito.gulung-gulo ang isip ko.sana may makapagbigay s akin ng payo s website n ito.

~di ko talaga ma-appreciate ang amerika kahit ang tagal ko na pero nwawalan ako ng loob kapag my nagsasabing malaking katangahan daw pag iniwan ko ang tate dhil wla daw knabuksan s pinas.pero dito ko nranasan n mabaon s utang ng nwalan ako ng trabaho,mag-iiyak s gabi dahil wla n kming kakainin ng anak ko at d k naman pwede manghingi s kapitbahay mo,tpos ung prang nadi-discriminate ang anak mo s school dahil d p sanay mag-ingles.malungkot ako dahil ipit n ipit ako s sitwasyon.maisusumpa ako ng parents ko kapag bumalik ako s pinas.maisusumpa din ako ng bf ko kapag d ako tumupad s pangako ko na umuwi na at pakasalan sya…sa tuwing magkakausap kmi,excited syang ibalita n gngwa n ang titirhan nming maliit n bahay,n nakabili n sya ng ganito o ganyan pra s bahay at higit s lahat,ang wedding ring n binili nya.hndi ko makuhang mgsaya ng totoo dahil di ko alam kng anong dapat kong gawin.oo,magiging masaya ako s piling nya pero paano ang magulang ko n masasaktan ko?at my kinabukasan kaya ang anak ko sa pilipinas s paglaki nya?anyone…pls help me.sana may maka-relate.

payo ni BRATH:

Hay buhay! May pagkakahawig ang buhay mo sakin Vangie kaya lang ako walang asawang kano at anak. Ibig sabihin parehas tayong may iniwan at pinangakuan na babalik tayo sa Pinas.

Mahirap pumili sa pagitan ng pag ibig at kinabukasan lalong lalo na kung anak ang pag uusapan. Tama ang sinabi mo na walang kasiguraduhan ang future ng anak mo sa Pinas, hindi basta basta uubra na ang bf mo lang ang magtatrabaho para masustentuhan kayong dalawa ng anak mo. Oo nga at magiging masaya ka dahil makakasama mo ang pinaka mamahal mong tao pero pano naman ang anak at mga magulang mo diba? Kung mahal ka niyang talaga makakapaghintay siya.

Kung may pagkakataon ka na makapag trabaho dito sa amerika, bakit di mo gawin.? Marami kang mahahanap na trabaho lalo na dito sa amerika, hinding hindi ka mauubusan nun. Kahit under the table lang sunggaban mo na ang importante makaipon ka. Pag nakaipon ka na, saka mo planuhin ang pagbalik niyong dalawa ng anak mo sa Pinas. Teka pano nga pala yung kano? Siyempre hindi mo pala basta na lang malulusutan yun.

Ang mabuti mong gawin kausapin mo yung kano. Sabihin mo sa kanya ang gusto mong mangyari. Alam ko iisipin niya na wala kang utang na loob pero kung desilido ka talagang bumalik ng Pinas siguro naman maiintindihan niya yun.

Kung hindi ka man payagan ng kano na umuwi at iwan na lang siya ng ganun ganun na lang, wala kang magagawa kung di magtiis. Ganun talaga ang buhay Vangie, kaylangan may sakripisyo, kaylangan may piliin para sa ikabubuti ng buhay mo. Sadyang mahirap talaga ang buhay dito sa Amerika, akala nila pa easy easy lang tayo dito pero kung alam lang nila ang pinagdadaanan ng mga Pilipinong tulad mo at nagtitiis para makamit ang magandang kinabukasan.

Vangie gaya nga ng sinabi ko kanina, kung mahal ka talaga ng bf mo, hihintayin ka niya kahit gaano pa katagal. Kung alam mo sa sarili mo na hindi ka makakabalik, sabihin mo sa kanya agad at wag mo siyang paasahin.

Hindi ako sigurado kung may mapupulot ba si Vangie sa mga sinabi ko. Ang hirap hirap naman kasi ng sitwasyon niya. Sana lang mapadpad ka ulit sa bahay ko at mabasa mo itong entry ko para sayo. Salamat nga pala sayo kasi nagbigay ka ng tiwala sa di mo kilalang taong tulad ko yun lang.

Sa mga ka bloggers ko, kung may iba pa kayong ma ipapayo para kay Vangie, mag payo lang kayo malay niyo naman makatulung tayo diba?

Advertisements

para sa nawawalang ama ni BRATH…

Hindi ako magsusulat ng ganitong klaseng entry dahil lang sa wala akong maisip na iba (pero sige sabihin na nating isa na rin yun lols).

Tawagin na lang natin siya sa pangalang MR.NAVOTAS(pagkakaalam ko kasi dati taga navotas daw yun). Di kasi ako sanay na tawagin kang papa, itay, tatay, pudra, erpats, dad, daddy, pappi, etc.

MR.NAVOTAS,

Alam ko hindi pa father’s day o di kaya christmas para sulatan ka pero ito lang ang tanging paraan para ilabas kung ano ang saloobin ko tungkol sayo. Huling kitang nakita nung 3 years old pa lang ako. Alam ko matangkad ka, maputi at balbas sarado. Pagkatapos nun di kana ulit nagpakita.

Wala akong sama ng loob, galit o hinanakit sayo. Kung tutuusin gusto ko pa ngang magpasalamat kasi kung hindi mo kami iniwan ni mama, hindi magiging ganito ka ganda ang buhay ko ngayon. Ni minsan hindi ko naramdam na may kulang sa pagkatao ko dahil napunan lahat ni mama ang pagkukulang mo sakin kaya wag ka mag alala.

Wala na akong balak na hanapin ka pa, ni hindi ko nga pinangarap na mag krus pa ang landas nating dalawa gaya ng mga napapanood ko sa mga teleserye. Huwag mo na rin sana akong hanapin, di dahil sa ayaw kitang makita pero kasi baka makita kapa ni mudra, masampal ka pa nun alam mo na.

Ang nais ko lang sana ay maging maayos ang kalagayan mo ngayon. Minahal mo man kami ng mama ko o hindi wala na akong pakialam dun. ang importante lumaki akong maganda(hala!), mabait at may takot sa Diyos.

Hindi ko alam kung mababasa mo ito o hindi, ang importante alam ko, alam ng mg makakabasa nito at alam ng Diyos na tanggap pa rin kita bilang isang ama…..

Nagmamahal,
BRATH….

a text message..

May natanggap akong text message kanina galing Pinas, at ito yung nakalagay:

kung may makita ka na dyan na sa tingin mo mas magiging maligaya ka.. sabihin mo lang pu sakin.. kasi parang nahihirapan ka na yata dyan dahil sa layo.. baka nakakahanap kana dyan.. matatanggap ko naman e…

bigla ko na lang napansin na naluha na pala ako habang binabasa ko yung text message niya. Nalito ako, hindi ko maintindihan kung ano gusto niyang sabihin o iparating sakin. Hindi ko tuloy makuhang mag text sa kanya dahil di ko naman alam kung anong dapat kong sabihin.

..dahil ba yun sa pag aaral ko dito? hindi ko naman ginustong mag aral ulit ng nursing dito dahil nakatapos na ko ng kolehiyo sa Pinas yun nga lang hindi ko magamit kung ano ang natapos ko dito. (hindi naman kasi lahat ng tao nabibigyan ng oportunidad dito, ang iba nga nakatapos ng engineering sa pinas pero pagiging isang cook ang naging trabaho niya dito. Kaya gusto nila na mag nursing ako tsk tsk)

..baka naman sya tong nakahanap ng iba?

naguguluhan talaga ako,ang labo rin kasi minsan ng mga lalaki. Hindi ko alam kung may ibang kahulugan yong sinabi niya na yun.

Kaya kaylangan ko ng tulong di lang ng mga babae pati na rin ng mga lalake dahil mismong mga lalake lang makakaintindi sa mga pinag gagawa o pinagsasabi nila. Ipaintindi niyo sakin kung ano ba talagang ibig sabihin nun..waaaaaaaaah/..hay

tir.jpg
hay buhay

ang drama ko….?

Bakit sa tagal tagal ko ng nabubuhay sa mundong ibabaw ay hindi ko pa rin maramdam na masaya ako sa buhay ko. Hindi naman kami ganun kayaman para masunod ang luho pero nabibili ko naman ang gusto ko. Naniniwala kasi ako na magkaiba ang luho sa gusto. Pero di bale hindi lang naman tungkol sa luho at gusto ang nais ko ng iparating. Eto talaga yun pramis!

Maraming tao lalong lalo na sa Pinas ang gustong makapunta sa Amerika, sabi kasi nila maganda daw ang oportunidad doon, kikita ka ng maraming pera, makakabingwit ng kanong mayaman at kung anu ano pa.

Aaminin ko isa ako sa maraming pinoy na gustong makapunta ng Amerika, nagsimula yun ng iwan ako ng mama ko sa Pinas para mabigyan ako ng magandang kinabukasan. Naiintindihan ko kung bakit niya kaylangang magtungo papuntang Amerika, anu pa nga ba kung di siguraduhin ang magiging kinabukasan ko. Ang kinalulungkot ko lang ay yung hindi niya nasubaybayan ang paglaki ko. Umalis kasi siya nung grade 5 pa lang ako, neneng nene pa ako nun. Kung baga yung mga sumunod na taon ang pinaka importante sana ng paglaki ko bilang isang babae na hindi naman niya nakita.

Limang taon siyang hindi bumalik ng Pinas, minsan nga iniisip ko kung bakit ayaw niyang umuwi. At may mga panahong hindi mo maiiwasang maiyak dahil ang mismong nanay mo ay hindi nakarating sa graduation mo ng elementary at highschool. Masakit yun para sakin lalo na’t nag iisa lang akong anak. Halos durugin ang puso ko sa sakit(ouchhh!).

At dahil sa naging matapang ako at positibo sa buhay, nakayanan ko lahat yun. Kahit papano naging masaya ako kahit hindi ko kapiling ang mama ko, sa madaling salita, bigla ko na lang natanggap ang lahat ng walang pag aalinlangan.

Dahil malayo ang mama ko sakin mas nabuhos ko ang pagmamahal ko sa mga kaibigan at sa tita ko na siyang nagalaga sa akin. Masaya ako dahil nabigyan ako ng mga makukulit at malulufet na kaibigan. Nawala na yung pangarap ko na maka punta ng Amerika dahil naisip ko na sobra saya palang mamuhay sa Pinas lalo na’t marami kang kaibigan laging nandyan para sayo.

Hindi ko akalaing inasikaso na pala ng mama ko ang mga papeles ko papuntang Amerika. Halos wala ako sa ulirat nung interview ko sa US Embassy dahil hindi ako makapaniwala na may pagkakataon na pala akong makapunta ng Amerika. Hindi ako natuwa, nalungkot pa nga ako ng matanggap ko yung visa ko. Siguro kung iba pa yun nagtatalon na sila sa sobrang tuwa pero ako parang ayaw tanggapin ng kamay ko yung visa nung iabot sakin nung mamang taga deliver.

Hindi ako makaiyak nung mga panahong iyon, dahil halos lahat sila masaya para sakin at sinasabi nilang napaka swerte ko daw dahil hindi biro ang mabigyan ng ganitong klase ng oportunidad. Lahat ng iyak ko naipon sa loob, mahirap, masakit hindi ko mapakita sa kanila kung ano ba talagang nararamdaman ko nung mga panahong iyon dahil narin siguro sa ayokong ma disappoint sila sakin. Baka sbihin pa nilang tumatanggi ako sa grasya.

Ang punto ko naman kasi, Kung kaylan naman ako naging masaya at kuntento sa buhay ko sa Pinas saka naman dumating yung panahon na kaylangan kong iwan ang bansang napamahal na sakin ng sobra. Iniisip ko nga minsan na kahit sobrang hirap mamuhay sa Pinas dahil sa mainit, mahal ang bilihin, talamak ang krimen etc etc, bakit hindi ko minsan maramdam lahat ng hirap sa bansa natin? Dahil narin siguro ay sanay na tayong mga Pilipino sa paghihirap minsan nga ay nakuha pa nating tumawa kahit kapos at hirap na tayo sa buhay. Doon ako bumilib sa mga Pinoy, napaka positibo sa buhay!

Ngayon nandito na ako sa bansang pinapangarap ng maraming tao, sinasabi ko sa inyo malungkot at mahirap din ang buhay dito. May parte sa buhay ko ngayon na masaya dahil kapiling ko na ang mama ko pero hindi sapat yun para punan lahat ng kalungkutang nararamdaman ko sa buhay ko ngayon. Gaya nga ng sabi ng iba sa akin: “Onting tiis lang”. Oo titiisin ko at alam ko namang kakayanin ko to, kaylangan ko lang sigurong magsakripisyo pansamantala. Oo nga mabibili ko lahat ng gusto ko pero hindi mabibili ng mga dolyares ang kaligayahan ko. Kaligayahan na tanging sa Pinas ko lang matatagpuan…

sad.jpg

alang magawa bow…

At dahil sa wala akong maisip na paksa para sa entri na to ay kung anu anu na lang ang isusulat ko dito.

Kanina bago ako magbukas ng computer ay naligo muna ako ng siguro mga tatlong oras kaya pag labas ko ay nanginginig ang katawan ko(kamusta naman yun).

Kahapon ang daming inutos sakin ni mama kaya gumawa ako ng listahan para hindi ko makalimutan:

*Punasan ang salamin gamit ang glass cleaner (tsek!)

*Magwalis sa kusina at sa sala (kalahating tsek lang kasi di ako nakapagwalis sa sala kasi malinis pa naman yun!)

*Labhan yung basahan at baunan ng madrasto ko na natapunan ng sabaw ng adobong pusit (tsek!)

*Mag tupi ng mga damit galing sa maingay na dryer (tsek!)

*Maghugas ng pinggan (tsek!)

*Mag saing para makakain na ako habang nanonood ng Ysabella (tsek!)

Natapos ko ang lahat ng pinapagawa ng mama ko sakin(maswerte siya dahil masipag ako hehehe). Kaya oras na para makapag pahinga ako at manood ng tv.

Pinanood ko muna yung “Natutulog ba ang Diyos?”, ang gusto ko talagang makatuluyan ni Roxanne dun ay si Andrew heheheh.Tpos “Ysabella” naman, dati gustung gusto ko si Mito pero ngayon kay Andrew na ako. Kung pede lang sana sabunutun si Victoria Amarillo e kahapon ko pa ginawa, di na sila naawa kay Ysay hmp! bad sila!

Pangatlo kong pinanood yung kay Claudine, naawa ako sa kanya kasi inilayo yung anak nya sa kanya, salbaheng Cynthia yan ang kapal ng mukha! Dapat mabawi na niya yung anak niya sa lalong madaling panahon wahahaha!(feeling ko naman ako yung direktor?).

Ang susunod dun e Lovers in Paris ewan ko ba kung bakit yun ang kasunod pero hindi ko na pinanood yun kasi natapos ko na yun nung nasa Pinas pa ako kaya para sosyal “America’s Next Top Model” na lang yung pinanood ko. Kapag nanonood kasi ako nun pakiramdam ko isa ako sa mga contestant dun tapos ako yung mananalo wahaha(ilusyunada!).

At ang panghuli ay yung “Margarita” na puro pambubugbug lang at pagkulong sa kanya sa parang bodega ang lagi kong napapansin. Grabe ganun ba talaga ka bilis ang pera sa Japan?(Hay makapag Japan nga bukas!hehe)

At iyon lahat ang ginawa ko kahapon, ngayon naman parang gusto kong magpunta sa Journal Square at mag ikot ikot kaya lang wala akong pera, kaylangan ko pang mag ipon para makabili ako ng laperstopers(laptop). KAYA KUNG MERON GUSTONG MAGBIGAY NG DONASYON, AY WAG NA KAYONG MAHIYA LIBRE ANG PAGBIGAY NG DONASYON LALO NA SA MGA TAONG KAPUS PAA! hehehehe

Mag iingat kayo lagi at baka makagat kayo ng aso sa kalye mahirap na!…..

At dahil mbait ako ehehe e nais kong ibahagi sa inyo ang paborito kong banda! chedeng!

hustisya?

Marami akong natatanggap na mga email araw araw, yung iba binubura ko na dahil wala namang ka kwenta kwenta yung nakasulat at yung iba hindi. Pero itong email na pinadala sa akin ng kaibigan kong si keng keng ay hindi ko magawang burahin dahil naawa ako sa mga litrato ng bata na nakalagay roon at maari ang ilang sa inyo ay nakita na ang mga nasabing litrato. Ang mga litratong ipapakita ko sa inyo ay makikita rin sa matecafe.com at sa kung saang lupalop ng mundo pa yan. Ang mga pangyayari sa litratong ito ay naganap sa bansang Iran.

Ang sabi sa email, may isang walong taong batang lalake ang nagnakaw ng isang tinapay sa tindahan at dahil sa nahuli siya ng mga awtoridad ay kaylangan niyang panagutan ang kanyang pagkakasala sapagkat iyon daw ay naaayon sa relihiyon ng mga taga Iran. Hindi ko lubos maisip na ganitong parusa ang ipapataw nila sa isang musmos at kaawa awang bata…

fa188-1.jpg

fa1a6-2.jpg

fa1bf-4.jpg

fa1e3-5.jpg

Yan ba ang sinasabi nilang hustisya? Sa ginawa nilang yun ay halos pagkaitan nila yung bata ng pagkakataon para mag bagong buhay at maging masaya bilang isang bata. Haka inis yung mga yon!(ayan nagalit tuloy ako) wala silang karapatan para sirain ang buhay ng isang bata.arrrggghhhh

hay buhay…………………………….