alarma!!

Nag time out ako sa trabaho ko mga 6:15 na ng gabi, umuulan sa labas kaya naki dekwat ako ng payang sa trabaho. Parang normal lang naman ang mga oras na yun. Punta sa bus terminal at sumakay sa bus na papuntang society hill. Nakikinig pa ko sa ipod ko na ang pinapatugtog e “i wont go home without you” ng maroon 5, kasabay nun ang pagkain ko ng pulburon para libangin ang sarili. Nakarating nako sa bus stop ko, binuklat ang payong at naglakad papunta sa bahay namin.

Nakita kong walang nakaparada sa garahe namin kaya masaya ako dahil alam kong wala ang madrasto ko.. Binuksan ko ang pintuan, hinubad ang sapatos at akmang papasok na sa sala ng biglang may tumunog…. tiiit tiiit tiiit (shit alarm namin yun) anak ng pating naka arm ang bahay namin!!! Ibig sabihin non naka on ang alarm system ng bahay namin. Ampf! hindi naman ako magnanakaw para gawin nila sakin to!!! nataranta ako dahil wala sakin yung pang dis arm nung alarm. At dahil wala akong pang dis arm, malamang tutunog ng sobrang lakas yun!!! amp*t*h ano gagawin ko????!!!!

sige kumalma ka muna brath, sa pagkakaalam ko may 3 mins pa ko bago tumunog yung letcheng alarm na yun. Tinawagan ko si mudra, ampf! ayaw pa sagutin. waaaah im running out of time!!!!! wala na!! tumunog na!!

Ang lakas sobra!!!! nakakabingi pati kapit bahay namin nabulabog. Syet talaga natataranta na ko dahil baka pumunta na mga pulis sa bahay namin at yoko namang humingi ng tulong sa kapitbahay namin. Pinindot pindot ko yung alarm waaaahhh la ring nangyari.Tinawagan ko ulit si mudra at sinabi kong naka arm ang bahay tinanong ko ang password sabi niya yung bertday ko raw yung password. Sinubukan ko pero huli na ang lahat, dumating ang mga pulis sa harapan ng bahay at kinausap ako. Medyo napasabak ako pagdating sa english gaya ni JANINA(wahahahaha)

.

Sinabi ko sa pulis na inarm ng madrasto ang bahay pero nakalimutan niyang sabihin sakin bago ako makauwi. Naniwala naman sakin ang buong kapulisan dahil alam ko naman yung password. Nakakainis lang isipin na kaylangan pang nila i arm ang bahay kahit alam naman nila na maaga ang uwi at wala akong pang dis arm sa lecheng alarm na yan. Umalis na ang buong kapulisan at sawakas natigil na rin ang tunog sa alarm. Umakyat ako sa kwarto na medyo naiinis parin sa madrasto at sa alarm  na parang gusto kong gumanti gaya ng pag sira sa alarm at sasabihin ko sa kanilang dinakma ng pusa yung alarm, o kaya nanakawin ko yung pang dis arm ni madrasto, irereset ang password sa alarm at i aarm ko para pagdating niya… duguuuuum siya naman ang matataranta. Waahahahaha ang mean ko naman masyado, pero wag kayong mag alala di naman ako gaganti….

Sana lang hindi na to mauulit kasi nasisira ang beauty ko sa mga ganun e…..

Advertisements

BoHoL, BoHoL sagot sa kahirapan…

Wala lang papansin lang yung title ko.

Every year kaming nagbabakasyon sa Bohol. Doon kasi ang probinsya ng aking mudra kaya hindi pwedeng di kami mapadalaw dun. Napamahal na sakin ang lugar na yon dahil simula 3 years old pa lang ako e regular na ang pagbisita namin sa Bohol.

Nakakaintindi rin ako ng bisaya pero medyo hirap magsalita. Pano ba naman kasi halos lahat ng kamag anak ko sa mudra’s side e puro bisaya. Pati nga mudra ko minsan binibisaya ako. Lahat ng kaibigan kong bisaya e binibisaya ako pero pag sumagot ako sa kanila tagalog na hehehe.

Pinagmamalaki ko na galing ako sa lahi ng mga bisaya kahit sa Manila na ko ipinanganak. Wala lang para sakin masarap sa feeling e.

Isa sa pinagmamalaki ng Bohol ang FLOATING RESTAURANT sa Loboc River. Kada magbabakasyon ako, lagi akong pumapasok bilang extra sa restaurant na yun sayang din kasi e. Gusto niyong makita yung restaurant na sinasabi ko? eto yun o:

floating.jpg

O diba ang ganda ganda! hehehehe maraming turista ang sumasakay diyan lalo na pag summer at nagpupunta sila dun sa maliita na falls na ang pangalan ay Busay or Busai(di ako sure sa spelling e).

busai.jpg

Gustong gusto maligo ng mga kano diyan sa maliit na falls na yan.

Talaga namang mabibighani ka sa ganda ng Loboc River. Doon pa nga nag shooting si Cesar Montano sa pelikula niyang “Panaghoy sa Suba”. Isang likas na boholano din kasi si Cesar kaya ganun.

float2.jpg

Malapit lang ang bahay bakasyunan namin sa suba(river) kaya dati lagi akong pumupunta para maligo hehehe. Sa susunod na summer pupunta ulit ako sa Bohol para mag relax. Ano gusto niyong sumama?