uy nandito pa naman ako!

waaaaahh ang tagal kong nawala sa sirkulasyon ng blogosphere.. nandito ako ngayon humihingi ng kapatawaran sa aking balay dahil sa kapabayaan ko… magpapaalan narin muna ako pansamantala…hindi na muna ako magsusulat dahil magiging busy ako sa mga susunod na araw, linggo at buwan.. ..hay sori na,….na mimiss ko pa naman ang ilan sa inyo na sadyang napalapit na sa puso ko naks!

babalik pa naman ako e, ..baka makiki lurk muna pansamantala…pero di muna gagawa ng mga walang ka kwenta kwentang entries…babalitaan ko na lang kayo kung ano na ang estado ng buhay ko sa ngayon…hay pero matagal pa yun perp at least nakapag paalam ako ng maayos..

 

alam ko na naman na hindi niyo ko mamimiss at nakalimutan niyo ng may BRATH sa wp… sa takdang panahon alam ko matatandaan niyo rin ako pramis yan…

 

o pano ba yan… paalam muna…

kabastusan naman oh!

naranasan mo na bang masabihan ng:

“You know what, you look so yummy today!!”

napa ha at napakamot na lang ako sa ulo… di ko na lang pinansin dahil kulang ako sa tulog at walang akong sapat na lakas para makipagbakbakan…siguro kung may kasama lang ako boypren nung mga sandaling yon e baka nasapak na siya at umuwing duguan ang ilong..di masyadong maganda dating sakin nun dahil wala ako sa mood ng pumasok sa trabaho minsan nga naisip ko na dumaan na lang sa likod ng opisina para hindi ko na nakakasalubong yung mga makukulit na customer sa store namin…

hay mga lalake talaga.. ang sakiiiit sa ulooooooo!

alarma!!

Nag time out ako sa trabaho ko mga 6:15 na ng gabi, umuulan sa labas kaya naki dekwat ako ng payang sa trabaho. Parang normal lang naman ang mga oras na yun. Punta sa bus terminal at sumakay sa bus na papuntang society hill. Nakikinig pa ko sa ipod ko na ang pinapatugtog e “i wont go home without you” ng maroon 5, kasabay nun ang pagkain ko ng pulburon para libangin ang sarili. Nakarating nako sa bus stop ko, binuklat ang payong at naglakad papunta sa bahay namin.

Nakita kong walang nakaparada sa garahe namin kaya masaya ako dahil alam kong wala ang madrasto ko.. Binuksan ko ang pintuan, hinubad ang sapatos at akmang papasok na sa sala ng biglang may tumunog…. tiiit tiiit tiiit (shit alarm namin yun) anak ng pating naka arm ang bahay namin!!! Ibig sabihin non naka on ang alarm system ng bahay namin. Ampf! hindi naman ako magnanakaw para gawin nila sakin to!!! nataranta ako dahil wala sakin yung pang dis arm nung alarm. At dahil wala akong pang dis arm, malamang tutunog ng sobrang lakas yun!!! amp*t*h ano gagawin ko????!!!!

sige kumalma ka muna brath, sa pagkakaalam ko may 3 mins pa ko bago tumunog yung letcheng alarm na yun. Tinawagan ko si mudra, ampf! ayaw pa sagutin. waaaah im running out of time!!!!! wala na!! tumunog na!!

Ang lakas sobra!!!! nakakabingi pati kapit bahay namin nabulabog. Syet talaga natataranta na ko dahil baka pumunta na mga pulis sa bahay namin at yoko namang humingi ng tulong sa kapitbahay namin. Pinindot pindot ko yung alarm waaaahhh la ring nangyari.Tinawagan ko ulit si mudra at sinabi kong naka arm ang bahay tinanong ko ang password sabi niya yung bertday ko raw yung password. Sinubukan ko pero huli na ang lahat, dumating ang mga pulis sa harapan ng bahay at kinausap ako. Medyo napasabak ako pagdating sa english gaya ni JANINA(wahahahaha)

.

Sinabi ko sa pulis na inarm ng madrasto ang bahay pero nakalimutan niyang sabihin sakin bago ako makauwi. Naniwala naman sakin ang buong kapulisan dahil alam ko naman yung password. Nakakainis lang isipin na kaylangan pang nila i arm ang bahay kahit alam naman nila na maaga ang uwi at wala akong pang dis arm sa lecheng alarm na yan. Umalis na ang buong kapulisan at sawakas natigil na rin ang tunog sa alarm. Umakyat ako sa kwarto na medyo naiinis parin sa madrasto at sa alarm  na parang gusto kong gumanti gaya ng pag sira sa alarm at sasabihin ko sa kanilang dinakma ng pusa yung alarm, o kaya nanakawin ko yung pang dis arm ni madrasto, irereset ang password sa alarm at i aarm ko para pagdating niya… duguuuuum siya naman ang matataranta. Waahahahaha ang mean ko naman masyado, pero wag kayong mag alala di naman ako gaganti….

Sana lang hindi na to mauulit kasi nasisira ang beauty ko sa mga ganun e…..

do i look fat? as in?

 

 Malaki ang itinaas ng timbang ko nung nakaraang buwan mga 10 lbs yata yun. Kaya naman simula nun, kinontrol ko na ang pagkain ko at iniwasan si Ferrero kahit alam kong masarap siya.

Kanina, nagtimbang ko sa hello kitty kong weighing scale. Sabi dun na………. wapak! ahahha I LOSE WEIGHT!!! yeeehhhaaaah! Aylabyu hello kitty, pero syempre goodbye muna kay ferrero, kaya ko pa namang tiisin e.

 

At dahil sa magandang balita…

  
 

Pumasok ako sa trabaho na may ngiti sa aking labi dahil sa pagbaba ng timbang ko at ganun din naman ang mga katrabaho ko sakin. Kaya lang may nagsabi sakin habang naglalakad ako papunta sa opisina na lumusog daw ako..

 tawagin na lang natin siya bilang kuya…

kuya:  ” Brath! ang lusog mo ngayon ah! ang chubby chubby mo na!”

BRATH: “huh? ako chubby? e nagbawas na nga ko ng timbang e..”

kuya: ganun ba? e parang hindi naman e (sabay tawa)

BRATH: heh! ewan ko sayo kuya!! (galit nako nyan sabay alis)

Ewan ko kung bakit ganun si kuya. Gusto lang ba nya kong asarin o talagang chubby parin ang katawan ko. Pakiramdam ko naman e hindi ako ganun ka chubby ang katawan ko. Eto ang patunay!

01-30-08_0153.jpg
01-30-08_0152.jpg

o ayan! mataba? hindi naman diba? 
kung mataba parin aba kelangan ko na yatang mag gym nyan. susme!

yuhuuuu nandito na aketch!

whew! Infairness na miss ko tong kubo ko dito sa wp, siyempre pati mga frends ko na miss ko. Sa sobrang dami ng nangyari sakin nitong mga huling araw e hindi ko na alam kung ano ang unang ikukuwento ko sa inyo.

Anyweiz, malapit na ang pasko ibig sabihin malapit na rin ang bartday ko, tatanda naraman ako ng isang taon. Malungkot mang isipin pero yun ang totoo echos! hehehe Hindi ako excited na mag pasko dito kahit ito ang una kong xmas sa esteyts. Ang gusto ko yung masaya, maliwanag at maingay na pasko sa pinas. Totoo naman diba? Iba talaga ang pasko satin, walang katulad.

Syempre gaya ng marami, excited din ako sa mga gifts na matatanggap ko. Last week, naisipan ko ng mamili ng pang regalo, at sa di ko mawaring dahilan ay bigla na lang akong pumasok sa isang pet shop sa mall. Naramdaman ko kasi na parang gusto ko ng pet ngayong pasko. Yung tipong kasa kasama mo sa darating na Noche Buena. Kaya naman si BRATH e tumingin tingin sa mga kyut na hayop, may aso, pusa, daga, isda, at kung anu ano pa.

Pero ,pero, pero! Meron akong nakita na nakupaw ng aking pansin, at sa unang tingin ko pa lang e parang gustoko na silang bilhin, eto sila:

12-12-07_0520.jpg

Anong masasabi nyo?O diba ang sweet nilang tatlo? kaya nga nagustuhan ko sila e. Kaya lang di ko sila binili, gusto ko kasi iba ang bibili ng mga kyut na butiki na yan para sakin. Sino kaya ang mag reregalo sakin nito?, ito lang naman ang wish ko ngayong pasko. Ikaw reregaluahn mo ba ko nitong mga butiki na to ngayong pasko?lols

MERRY CHRISTMAS!!!

away TOOTSIE ROLL…

Namili na kami ng maraming kendi para sa darating na trick-or-treat.

Ako yung pumili ng ibang kendi tapos si mudra nag hakot din ng kanya. Pag uwi sa bahay, tiningnan ko lahat ng pinamili namin at nakita ko na may kending tootsie roll doon.

BRATH: ma! bakit ka bumili nito? matigas to saka panahon pa ni kopong kopong tong kendi na to e!

mudra: ano ka ba! masarap yan!

BRATH: e matagal na nga to saka masakit sa ngipin!

mudra: bakit kaw ba kakain niyan?

BRATH: hindi.. *sabay tahimik si BRATH…

mudra: ang mahal na ngayon nitong toosie roll ano?

BRATH: ewan ko,, kasi bili bili ka pa niyan e mamaya kaw lang pala kakain niya.

mudra: paborito ko kaya ito, pag nagbalot ka na ng mga kendi tirhan mo ko ng mga sampung piraso

BRATH: kitams! kaw rin kakain..

*umalis si mudra at nagpunta sa kusina…

bulk_wrapped_tootsie_roll_midgies1x1.png

hay mudra bawas bawasan mo ang matatamis ok? pasaway ka rin e.

hanubayan..,..,

Tamad na tamad ang beauty ni BRATH nitong nakaraang araw. Hala! Bakit kaya? Baka meron na akong tinatawag nilang Seasonal Affective Disorder. Nye! ano naman yun?

Ayon kay mareng wiki ang SAD(Seasonal Affective Disorder) ay:

-a type of depression that tends to occur (and recur) as the days grow shorter in the fall and winter. It is believed that affected persons react adversely to the decreasing amounts of light and the colder temperatures as the fall and winter progress. It is important to note that although seasonal affective disorder usually presents in the fall and winter, there are those who suffer from this condition during the summer instead of, or in addition to, during the fall or winter.

Kamusta naman yun diba? nitong mga nakaraang araw kasi e masyadong makulimlim sa Jersey. Feeling ko hindi naman ako apektado nito no, may pagkatamad din kasi ako e saka drama ko lang to kaya wag kayong mabahala hehehehe.

Mga wpp friends! ha miss you a lot! hehe(sabay ganun)

teka! teka! ismayl ka naman dyan oh! sige na! hehehe

mik.jpg