kabastusan naman oh!

naranasan mo na bang masabihan ng:

“You know what, you look so yummy today!!”

napa ha at napakamot na lang ako sa ulo… di ko na lang pinansin dahil kulang ako sa tulog at walang akong sapat na lakas para makipagbakbakan…siguro kung may kasama lang ako boypren nung mga sandaling yon e baka nasapak na siya at umuwing duguan ang ilong..di masyadong maganda dating sakin nun dahil wala ako sa mood ng pumasok sa trabaho minsan nga naisip ko na dumaan na lang sa likod ng opisina para hindi ko na nakakasalubong yung mga makukulit na customer sa store namin…

hay mga lalake talaga.. ang sakiiiit sa ulooooooo!

Advertisements

do i look fat? as in?

 

 Malaki ang itinaas ng timbang ko nung nakaraang buwan mga 10 lbs yata yun. Kaya naman simula nun, kinontrol ko na ang pagkain ko at iniwasan si Ferrero kahit alam kong masarap siya.

Kanina, nagtimbang ko sa hello kitty kong weighing scale. Sabi dun na………. wapak! ahahha I LOSE WEIGHT!!! yeeehhhaaaah! Aylabyu hello kitty, pero syempre goodbye muna kay ferrero, kaya ko pa namang tiisin e.

 

At dahil sa magandang balita…

  
 

Pumasok ako sa trabaho na may ngiti sa aking labi dahil sa pagbaba ng timbang ko at ganun din naman ang mga katrabaho ko sakin. Kaya lang may nagsabi sakin habang naglalakad ako papunta sa opisina na lumusog daw ako..

 tawagin na lang natin siya bilang kuya…

kuya:  ” Brath! ang lusog mo ngayon ah! ang chubby chubby mo na!”

BRATH: “huh? ako chubby? e nagbawas na nga ko ng timbang e..”

kuya: ganun ba? e parang hindi naman e (sabay tawa)

BRATH: heh! ewan ko sayo kuya!! (galit nako nyan sabay alis)

Ewan ko kung bakit ganun si kuya. Gusto lang ba nya kong asarin o talagang chubby parin ang katawan ko. Pakiramdam ko naman e hindi ako ganun ka chubby ang katawan ko. Eto ang patunay!

01-30-08_0153.jpg
01-30-08_0152.jpg

o ayan! mataba? hindi naman diba? 
kung mataba parin aba kelangan ko na yatang mag gym nyan. susme!

umatras ang oras

…Kahapon 8 ng umaga ang pasok ko sa trabaho. Maaga masyado, nakakatamad gumising, nakakatamad maligo dahil malamig(pero syempre naligo parin ako)

…Nag alarm ako ng 5:30am pero wag niyong isiping gumising agad ako dahil ang totoo niyan, natulog ako ulit at mga 6:40 na yata ako gumising.

…Tumunganga saglit at naligo pagkatapos. Nagtimpla ng kape at kumain ng suman na malagkit na binili ko sa pinagtatrabahuan kong Pilipino store.

…Napatingin ako sa oras sa may microwave ng bigla akong napamura P#@*!!!!!!

…Nagulat ako kasi pagtingin ko sa oras e 8:48am na, lintik yan alas otso kaya ang pasok. Sobrang late na pala ako.

…Hinagilap ko selpon ko para i check kung 8:48 na talaga, pag tingin ko 7:30am pa lang.Chineck ko din yung oras sa naka roam kong phone at nakalagay dun e 9:15. AMPF! ano ba talaga kuya! nasa earth pa ba ako????!!!

…Kinatok ko yung madrasto ko para magpahatid na lang kasi di ko alam kung late na ba talaga ako. Kung mag ba bus ako tiyak ma lelate ako.:

BRATH:pudra, ihatid mo na lang ako sa trabaho
PUDRA: no oras ba pasok mo?
BRATH: 8!
PUDRA: nako!
(di ko na gets kung bakit siya nag sabi ng nako. basta nung tinanong ko kung bakit ang gulo ng oras ang sabi niya e umatras daw ng isang oras yung oras.)

…Ganun daw kasi kapag mag wiwinter na! Anak ng putakte! malay ko ba dun. Iintindihin ko pa ba ang pag ikot ng mundo, pagbago ng oras, at pag bago ng panahon??? ang gulo dito huh!

Ibig sabihin tama yung oras sa selpong gamit ko dito dahil nag o authomatic daw yun kapag nag babago yung oras.Sa madaling salita di pa talaga ako late(yehey!). Dumating ako sa trabaho ng mga 7:56am. O diba ang aga ko?lols.

Laging tandaan: TIME IS RUNNING WITHOUT FEET……( isa sa mga motto ng pinsan kong kikay..)

Report/s ni BRATH….

Kinarir ko ang paggawa ng reports sa loob ng tatlong araw. Ayos diba? Sumakit lang naman ulo ko at natuyo ang utak ko sa paggawa ng sandamukal na reports. Imbis tuloy na nagsusulat na lang ako dito sa bahay ko e natambakan pa ko ng peyper works hanubayan…

Nakakalungkot isipin na ang boss ko ay umuwi ng Pinas at nagpapakasarap dun samantalang ako ay hindi magkanda ugaga sa pagtapos ng dapat tapusin. Simula sabado hanggang kanina e naka kunot ang noo ko dahil diyan. Bihira lang ako gumuwa ng maraming reports kaya kanina walang nagtangkang kausapin ako dahil alam nila na kaya kong tapusin ang maliligayang araw nila kapag instorbo nila ako.

Ang taray diba? ahahaha.
Hindi lang pala reports ang inatupag ko meron pa pala. Pati mga hindi mabalanseng transactions ako pa ang nagbalanse. Kulang na lang halukayin ko kung sang lupalop ang hindi makitang pera o sobrang pera sa kaha. Ampf!

Ayoko ng isipan pa ang mga yan, wish ko lang next wik magbalik na ang boss kong kamuka ni Batista para hindi ako masyadong matambakan diva?

sige at ako’y mag bu beauty rest pa awts.

trabaho…trabaho…

Hay napagod ang beauty ni bRATH sa kaka trabaho.

Kung tutuusin 3 times a week lang ang trabaho ko, dapat nga hindi nakakapagod yun diba? Kaya lang tig 10 hours yun sa isang araw minsan nga 11 hours pa e. Ma reklamo ba ako? sorry na pagod lang kasi e.

Pero kanina, nung natanggap ko yung sweldo ko, aba biglang ginanahan naman ako magtrabaho. Kaya lang nung pagdating ng hapon nawalan ulit ng gana. Pambihira.

*sigh
Di bale may pang shopping na ulit ako ahihihihi……