BRATH: malapit na akong umuwi…

Oo tama ka, malapit na akong umuwi sa pinas. Para sa inyong kaalaman, sa April na ang uwi ko. Malapit na yun at halos isang buwan na lang ang itatagal ko dito. Matatapos na ang maliligaya at malulungkot kong araw dito sa esteyts. Lagi kong sinasabi na gustong gusto ko ng umuwi pero ngayong nandito na para namang umaatras pa ko. Dahil narin siguro yun sa mga narating ko dito bilang isang indibidwal.

Mahirap mang sabihin pero marami din akong mamimiss dito. Isa na yung pagtanggap ko ng sweldo kada linggo, ang sarap sa pakiramdam nun no. Na pagkatapos ng ngaragang gawain ko sa trabaho namin e makakatanggap ako ng sweldo na ipambibili ko sa mga luho. Ang boss kong kamuka ni Batista, kahit laki na dito na sa esteyts lumaki si boss makikita mo parin sa kanya ang pagiging isang pinoy. Naks! Mamimis ko rin yung mga fighting scenes namin ng madrasto ko. Pramis pwede isa pelikula ang mga yon. Mga kasamahan ko sa trabaho na kung ituring nila ko e parang ako ang prinsesa sa opis namin hehe. Di nga mababait sila at alam ko namimis nila ako kapag naka off ako, ako lang naman kasi dun ang maingay at may pagka bubbly. Ang mama ko, na ngayong ko lang ulit nakasama. 10 months lang kami nag kasama ni mama simula nung iwan niya ko sa pinas 5 years ago. Alam ko disappointed siya sa naging desisyon ko pero sana naiintindihan niya ko.

Mamimis ko rin ang maliit at malambot kong kama, mas malambot at komportable ito kesa sa kama ko sa pinas. Ang pagsakay sa nj transit bus ng mag isa. Malungkot ang mga pagkakataong yun pero mararamdaman mong safe ka sa biyahe. Ang New York na nagsilbing pasyalan ko sa tuwing nababagot ako sa bahay namin.

Marami pang ibang bagay na mimis ko ng sobra dito sa esteyts pero alam ko sa sarili ko na hindi ito ang klase ng buhay na gusto ko. Kung pwede lang sana maging isa ang esteyts at ang pinas e di sana wala ng problema. Pwede naman yun diba? Kapag pinag isa sila magiging UNITED STATES OF THE PHILIPPINES na yun. O diba ang taray? oo mataray!

Hindi ko naman talaga tuluyang iiwan ang esteyts dahil babalik pa naman ako dito para ipagpatuloy ang dapat ipagpatuloy kaya nga lang medyo matatagalan dahil mahal ang pamasahe(sabay ganun). Maninibago lang siguro ako ng konti kapag bumalik na ko sa ‘tin. ….

ipagpapatuloy……

san mas maganda?

Buhay sa pinas

 

Usok ng mga jeepney

Pagsakay sa lrt mula santolan hanggang recto

Mga turo turong pagkain

Mainit na panahon

Halo halo

Mga kaibigan kong Masaya kasama

Bakasyon sa bohol

Wala masyadong pera

Di ko nabibili lahat ng gusto (pero kunteto ako)

Pamemelengke

Maraming pagkain

Taho

Jollibee

divisoria

  

Buhay amerika

Maraming pera

Nakakapagod ang trabaho

Malungkot

Wala masyadong kaibigan

Lahat ng gusto mo mabibili mo

Di ka Masaya

Path train

Subway

Kape

May boss na kamuka ni batista

Puyat

Iyak

san mas maganda?

  

gulo gulo

Masyadong magulo ang mga araw na nagdaan….

  • Una – buong araw sumakit ang tiyan ko, ibig sabihin nun buong araw din akong gu mebs at umutot. Hindi tuloy ako nakapasok sa trabaho at sinabi ko na lang na masakit ang ulo ko imbis na masakit ang pwet ko!!!!! Iyon na siguro ang pinaka masaklap na pangyayari sa buhay ko. Grabe para akong nanganak ng paulit ulit. Every 10 min yata akong pabalik balik sa banyo para lang dun whew!. Ang hirap pa lang magtae!
  • Pangalawa- ang engkwentro sa pagitan ni BRATH at ng kanyang madrasto. Medyo pang teleserye ang mga eksena pero syempre si BRATH parin ang nagwagi wahahaha (kontrabida)
  • Pangatlo – isang bomb threat ang sumambulat sa amin kanina(wednesday). Hindi naman talaga sa building naming nakuha yung bomb threat pero sa isang kilalang university na sobrang lapit (as in) malapit lang talaga sa opisina namin. O diba nakakaloka yun. Kaya naman lahat ng kapulisan, bomberong maiingay at pati narin ang media ay nagsisulputan sa paligid. Sayang nga lang at hindi ako nakapag pa interview kay aleng puting reporter. Yung ibang tao nag panic pero ako cool lang. E pano ba naman kasi bomb threat lang e, sana ba kung bomb explosion yun e di mas exciting ahahaha(lokaloka).
  • Pangapat – tapos sabi sa balita mag iisnow pa daw ngayong biyernes, shaks ayoko pa naman ng snow!
  • Panglima – may lunar eclipse DAW ngayong gabi, yun ang sabi sa balita. Sobrang dilim ng langit well madilim naman talaga pag gabi kaya lang iba ngayon kasi may eclipse nga!
Sana lang sa susunod na linggo e medyo normal naman ang maranasan ko ng sumaya naman ako! Ilang araw narin kasing ganito ang itsura ko e:

conpyus.jpg

api balentayms wpp bloggers!/ di eks epek!

Totoo nga ang sabi nila. Mas malamig ang panahon dito sa esteyts pagdating ng February. Kasabay non ang init ng pagmamahal na pwede nating pag saluhan sa taong pinaka mahalaga sa ating buhay.. Naks!

Ayun, gusto ko lang sana kayong batiin ng api api balentayms dey!!!

balentayms.jpg

Sa mga mag jowa dyan jan,, san date nyo? sama naman ako oh!! lols..Para naman sa mga singles, wag kayong mag alala makakahanap din kayo ng isang katulad ko lol uit..Sa mga married couples,, humayo kayo ang paramihin ang inyong lahi…

at dahil sa balentayms naman ngayon e gagawin ko na ang tag ng diyosang si marush!!!

Tag: Revenge of the broken hearts.

do you want to see my eks? here he is……….

pter.jpg

(PAsensya na kung medyo dugyot siya jan sa picture nya huh… )

  Here’s the rule:1.      Post a picture of your EX (ex-boyfriend, girlfriend, MU, crush or whoever it is that you hate for hurting you in the past or present) and then answer the questions below. PAYBACK time! 2.      TAG as many as you can! 3.      A link to this post will be appreciated. GAME!

1. Have you forgiven him/her already?

………………opkors naman

2. Do you regret ever meeting him/her?

………………hindi kasi minahal ko naman siya saka feel e minahal niya rin ako,,, naks!talaga

3. Describe him/her in three words:

……………..talk – dark – handsome? lol

4. Are you over him/her?

……………..sus! naman

5. Would you give him/her a second chance? Kahit mag maka-awa?

……………..di na uy! kahit maglupasay pa siya hehehe 

6. Would you visit him/her if he/she gets hospitalized?

……………..siguro tapos dadalahan ko siya ng puno ng mangga o diba ang sweet ko parin?

7. What if he/she died? Iiyak ka ba?

………………hindi na ciguro, masakit sa mata e

8. Have you tried to cheat on him/her?

………………please! good girl po ako no..

9. Have you lied to him/her?

……………….not in his dreams!

10. Your wish to that person:

……………….ang wish ko lang e sana maging masaya siya yung tipong mababaliw na siya sa saya ahahaha

ayus!! marush mission accomplish ahahaha

as usual, wala naraman akong bibiktimahin…

private BRATH…

Gusto ko lang sanang i share sa madlang people kung saan ako tumatabay ng madalas bukod sa bath room. dito rin ako ng mumukmok, umiiyak, nagsasalita mag isa (hala! baliw?), nagpapa gulong gulong,  kumakanta, sumasayaw, humahalak hak at kung anung anik anik pa yan.

Hindi naman ganun ka ganda ang kwarto at wala naman talaga akong balak pang pagandahin ito. Na kukyutan lang kasi ako kasi maliit lang syang kwarto. Tatlo ang kwarto dito sa balay namin pero yung pinaka maliit ang pinili ko kasi:

a. madaling linisin

b. madali ding magkalat
c. gusto ko kasi na nakikita nag apat na sulok ng kwarto ko 
d. masikip? ayoko kasi ng maluwag? does it make sense?

Ganito ang itsura ng kwarto ko kapag gulong gulo ang isip ko, badtrip, naiiyak, namumuryot, nagugutom at kulang sa tulog..:

02-02-08_1014.jpg
02-02-08_1011.jpg

02-02-08_1010.jpg

Nakaka turn off ba? Sori na! Di naman sinasadya e. 4 times a week lang naman ganyan ang itsura ng kwarto

ko e (joke lang). Feeling ko kasi mas madali kong nahahanap yung mga gamit ko kapag medyo makalat. kapag
maayos at malinis naman yung kwarto, parang nahihirapan akong maghanap ng gamit (teka asan na ba yung panty ko dito? oops!). Teka sino gusto mag volunteer para tulungan ako maglinis???? huh? WALA? ayaw niyo? hmp! Di bale ako na lang ….

Makalipas ang ilang dekada… eto ang naging kinalabasan with matching pawis sa noo..
06-26-07_0218.jpg
06-09-07_2046.jpg
06-09-07_2045.jpg

O diba ang laki ng improvement! wahaha. Fulfillment para sakin to no dahil once in a blue moon

ko lang ginagawa to. hehehe. Ngayon, sino gustong tumabi sakin? kasya pa naman siguro ang isa pang
tao sa kama ko no. Gaya nga ng sinabi ko kanina, gusto ko ng masikip kesa sa maluwag ahahahaha.
ay labyu ol!

do i look fat? as in?

 

 Malaki ang itinaas ng timbang ko nung nakaraang buwan mga 10 lbs yata yun. Kaya naman simula nun, kinontrol ko na ang pagkain ko at iniwasan si Ferrero kahit alam kong masarap siya.

Kanina, nagtimbang ko sa hello kitty kong weighing scale. Sabi dun na………. wapak! ahahha I LOSE WEIGHT!!! yeeehhhaaaah! Aylabyu hello kitty, pero syempre goodbye muna kay ferrero, kaya ko pa namang tiisin e.

 

At dahil sa magandang balita…

  
 

Pumasok ako sa trabaho na may ngiti sa aking labi dahil sa pagbaba ng timbang ko at ganun din naman ang mga katrabaho ko sakin. Kaya lang may nagsabi sakin habang naglalakad ako papunta sa opisina na lumusog daw ako..

 tawagin na lang natin siya bilang kuya…

kuya:  ” Brath! ang lusog mo ngayon ah! ang chubby chubby mo na!”

BRATH: “huh? ako chubby? e nagbawas na nga ko ng timbang e..”

kuya: ganun ba? e parang hindi naman e (sabay tawa)

BRATH: heh! ewan ko sayo kuya!! (galit nako nyan sabay alis)

Ewan ko kung bakit ganun si kuya. Gusto lang ba nya kong asarin o talagang chubby parin ang katawan ko. Pakiramdam ko naman e hindi ako ganun ka chubby ang katawan ko. Eto ang patunay!

01-30-08_0153.jpg
01-30-08_0152.jpg

o ayan! mataba? hindi naman diba? 
kung mataba parin aba kelangan ko na yatang mag gym nyan. susme!

WEIRD = BRATH

Natanggap ko ang meme na ito kay Joy. Dito na lang ako babawi dahil hindi ko nagawa yung meme niya sakin nung pasko.

 ok start na tayo!

ang kaylangan lang naman e pitong kawirduhan tungkol sakin..

1.) Dahil winter dito ngayon, kaylangan na mga tao dito e mga makakapal ang jacket. Kaya lang kapag napupunta ako sa mall, mga pang summer na damit ang binibili ko, dahil na rin siguro medyo mura yun kesa sa mga winter clothes. Pero kahit na! Weird para sakin yun e.

2.) Mahilig akong bumuli ng pabango. Hindi dahil sa mabaho ako pero gusto kong makita sila na naka display sa kwarto ko.

3.) Laging namamaga mga daliri ko sa paa kapag sobrang lamig. Bumabalik din sila sa dati kapag uminit na yung paligid.

4.) Kapag galit ako o kaya may tampo ako sa isang tao, ang ginagawa ko sinusulutan ko sila. Sinusulat ko yung mga gusto kong sabihin, mas ok sakin yun kesa kausapin ko sila ng personal. Wala tayong magagawa, ganun talaga ako e.

5.) Mahilig akong kumiss sa tenga. Dati may kaklase akong lalake, kiniss ko sa tenga ang nangyari , tumaas yung mga balahibo niya. Tuwang tuwa ako nun hehehe.

6.) Pag nagugulat ako, hindi ako nakakasigaw agad. Siguro mga after 15 seconds pa bago ako makasigaw ng malakas. Lagi kasing akong late reaction.

7.) Mahilig akong tumambay sa bathroom. Miski nung nasa pinas pa ko, hilig ko na talagang tumambay sa bathroom namin kapag nababagot ako. Minsan, kuma kanta kanta ako dun kasi feeling ko naka microphone ako kapag sa bathroom ako kumakanta. Ayus diba?

ok tapos na thanks joy!!!!