ay nako day


arrrrrggghhh inis ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ko nakakapag miming…kaya nga ko umuwi ng pinas ay para ilantad ang sarili ko na naka tupiz habang pasuray suray sa maganda at sosyaling resort…pero anong ginawa ko, natulog lang ko ng natulog hanggang sa di ko na pala namalayan na mag dadalawang linggo na pala ako dito at wala paring nangyayari!!

 

kaya lang nung umuwi ako dito parang ang dami tuloy nagbago…naglabo labo lahat pati lablayp ko huhuhu…pero ayus lang, lilinaw din lahat ang kung sino man ang may sala lagot siya dahil parurusahan ko siya sa ngalan ng buwan!!..

bukas ang araw ni BRATH dahil siya ay mag mimiming!!magsisimula na akong maghasik ng lagim sa bawat sulok ng pilipinas…humanda kayo…malamang pagkatapos ng swimming back to normal naraman..pakiramdam ko nga wala kwenta buhay ko dito ampf na amerikang yan nag papa miss pa kasi yeta talaga..tapos super shaglid talaga lablayp ko ang hirap pag sarili mo na kalaban mo kasi di mo matalo talo amf!

hay kering keri mo ang lahat ng yan BRATH..ikaw pa atapang atao ka yata..sige kita kita na lang tayo,, kung makita niyo kong pasuray suray jan paki kalabit na lang ako…habaguday!

 



 
 
 

 

 

bye bye blogging na nga ba??

hindi naman..kumakambyo lang ako ng onti.. para i enjoy ang pag lagi ko dito sa pinas…malay niyo makita niyo na lang ako na pagala gala dyan sa tabi at sabay sabing: “uy parang si brath yun ah, yung blogger?”" lols syempre alam ko naman na hindi ako ganon ka sikat no..

grabe na miss ko yung mga oras na pa upo upo lang ako nung wala pang kong trabaho yung pa blog blog lang kahit walang pera…ngayon talagang mauubos pera ko dahil alam kong wala akong mapag kukunan…baka naman isipin ng iba na gusto kong gawing pariwara ang buhay ko sa pinas at lustayin ang perang naipon ko para sa wala….sapat na siguro lahat ng ipon ko para mag enjoy sa buhay kahit sandali lang tapos nun papakamatay na ko lols…

na miss ko rin yung mga kaututang dila ko dito sa wp,, mga kaututang dila kamusta na?miss niyo ba ko?? hindi???(may pala sa puwet)  oo????(may kiss sa lips muuuaaahhrrrrrhhggg) o diba may kasama pang gigil lols

 

bulaga!!

medyo nawala lang ako sa sirkulasyon nitong mga nakaraang araw dahil kaylangan kong kumayod para sa aking future naks! pero sa totoo nyan nag iipon talaga dahil 5 araw na lang ay balik pinas na ulit ako.

ibig sabihin sasakay naraman ako ng jeep, fx, tricycle, pedicab, lrt..lalanghap naraman ako ng polusyon sa mga kalye..magsismula naraman akong pagpawisan ng todo todo..magsisimula naraman ang pakikibaka ko s mga ipis…

dahil busy ako di ko tuloy maayos ang sandamukal kong mga gamit, nahihirapan ako dahil pag uwi ko sa bahay ay lagi akong pagod…isa isa na nga kong nagpaalam sa mga bagay bagay dito sa steyts,,, babay na sa mga bus na sinasakyan ko araw araw papuntang trabaho…babay sa kama kong malamig…sa mga mall nalilibot ko maghapon pag day off ko,…sa pagtanggap ng sweldo kada martes(shaks pano na yan??!!) hay kaya nga todo kayod ako e para makaabot ako sa kota ko,,oo may kota ako at ang kotang yon ay para sa future ko lols..

 

magsisimula ulit ako sa umpisa pag uwi ko,, ayos lang sakin dahil ito naman talaga ang gusto ko noon pa naman.di bale kaya ko to!! AJA BRATH.. AJA!!

kabastusan naman oh!

naranasan mo na bang masabihan ng:

“You know what, you look so yummy today!!”

napa ha at napakamot na lang ako sa ulo… di ko na lang pinansin dahil kulang ako sa tulog at walang akong sapat na lakas para makipagbakbakan…siguro kung may kasama lang ako boypren nung mga sandaling yon e baka nasapak na siya at umuwing duguan ang ilong..di masyadong maganda dating sakin nun dahil wala ako sa mood ng pumasok sa trabaho minsan nga naisip ko na dumaan na lang sa likod ng opisina para hindi ko na nakakasalubong yung mga makukulit na customer sa store namin…

hay mga lalake talaga.. ang sakiiiit sa ulooooooo!

alarma!!

Nag time out ako sa trabaho ko mga 6:15 na ng gabi, umuulan sa labas kaya naki dekwat ako ng payang sa trabaho. Parang normal lang naman ang mga oras na yun. Punta sa bus terminal at sumakay sa bus na papuntang society hill. Nakikinig pa ko sa ipod ko na ang pinapatugtog e “i wont go home without you” ng maroon 5, kasabay nun ang pagkain ko ng pulburon para libangin ang sarili. Nakarating nako sa bus stop ko, binuklat ang payong at naglakad papunta sa bahay namin.

Nakita kong walang nakaparada sa garahe namin kaya masaya ako dahil alam kong wala ang madrasto ko.. Binuksan ko ang pintuan, hinubad ang sapatos at akmang papasok na sa sala ng biglang may tumunog…. tiiit tiiit tiiit (shit alarm namin yun) anak ng pating naka arm ang bahay namin!!! Ibig sabihin non naka on ang alarm system ng bahay namin. Ampf! hindi naman ako magnanakaw para gawin nila sakin to!!! nataranta ako dahil wala sakin yung pang dis arm nung alarm. At dahil wala akong pang dis arm, malamang tutunog ng sobrang lakas yun!!! amp*t*h ano gagawin ko????!!!!

sige kumalma ka muna brath, sa pagkakaalam ko may 3 mins pa ko bago tumunog yung letcheng alarm na yun. Tinawagan ko si mudra, ampf! ayaw pa sagutin. waaaah im running out of time!!!!! wala na!! tumunog na!!

Ang lakas sobra!!!! nakakabingi pati kapit bahay namin nabulabog. Syet talaga natataranta na ko dahil baka pumunta na mga pulis sa bahay namin at yoko namang humingi ng tulong sa kapitbahay namin. Pinindot pindot ko yung alarm waaaahhh la ring nangyari.Tinawagan ko ulit si mudra at sinabi kong naka arm ang bahay tinanong ko ang password sabi niya yung bertday ko raw yung password. Sinubukan ko pero huli na ang lahat, dumating ang mga pulis sa harapan ng bahay at kinausap ako. Medyo napasabak ako pagdating sa english gaya ni JANINA(wahahahaha)

.

Sinabi ko sa pulis na inarm ng madrasto ang bahay pero nakalimutan niyang sabihin sakin bago ako makauwi. Naniwala naman sakin ang buong kapulisan dahil alam ko naman yung password. Nakakainis lang isipin na kaylangan pang nila i arm ang bahay kahit alam naman nila na maaga ang uwi at wala akong pang dis arm sa lecheng alarm na yan. Umalis na ang buong kapulisan at sawakas natigil na rin ang tunog sa alarm. Umakyat ako sa kwarto na medyo naiinis parin sa madrasto at sa alarm  na parang gusto kong gumanti gaya ng pag sira sa alarm at sasabihin ko sa kanilang dinakma ng pusa yung alarm, o kaya nanakawin ko yung pang dis arm ni madrasto, irereset ang password sa alarm at i aarm ko para pagdating niya… duguuuuum siya naman ang matataranta. Waahahahaha ang mean ko naman masyado, pero wag kayong mag alala di naman ako gaganti….

Sana lang hindi na to mauulit kasi nasisira ang beauty ko sa mga ganun e…..

BRATH: malapit na akong umuwi…

Oo tama ka, malapit na akong umuwi sa pinas. Para sa inyong kaalaman, sa April na ang uwi ko. Malapit na yun at halos isang buwan na lang ang itatagal ko dito. Matatapos na ang maliligaya at malulungkot kong araw dito sa esteyts. Lagi kong sinasabi na gustong gusto ko ng umuwi pero ngayong nandito na para namang umaatras pa ko. Dahil narin siguro yun sa mga narating ko dito bilang isang indibidwal.

Mahirap mang sabihin pero marami din akong mamimiss dito. Isa na yung pagtanggap ko ng sweldo kada linggo, ang sarap sa pakiramdam nun no. Na pagkatapos ng ngaragang gawain ko sa trabaho namin e makakatanggap ako ng sweldo na ipambibili ko sa mga luho. Ang boss kong kamuka ni Batista, kahit laki na dito na sa esteyts lumaki si boss makikita mo parin sa kanya ang pagiging isang pinoy. Naks! Mamimis ko rin yung mga fighting scenes namin ng madrasto ko. Pramis pwede isa pelikula ang mga yon. Mga kasamahan ko sa trabaho na kung ituring nila ko e parang ako ang prinsesa sa opis namin hehe. Di nga mababait sila at alam ko namimis nila ako kapag naka off ako, ako lang naman kasi dun ang maingay at may pagka bubbly. Ang mama ko, na ngayong ko lang ulit nakasama. 10 months lang kami nag kasama ni mama simula nung iwan niya ko sa pinas 5 years ago. Alam ko disappointed siya sa naging desisyon ko pero sana naiintindihan niya ko.

Mamimis ko rin ang maliit at malambot kong kama, mas malambot at komportable ito kesa sa kama ko sa pinas. Ang pagsakay sa nj transit bus ng mag isa. Malungkot ang mga pagkakataong yun pero mararamdaman mong safe ka sa biyahe. Ang New York na nagsilbing pasyalan ko sa tuwing nababagot ako sa bahay namin.

Marami pang ibang bagay na mimis ko ng sobra dito sa esteyts pero alam ko sa sarili ko na hindi ito ang klase ng buhay na gusto ko. Kung pwede lang sana maging isa ang esteyts at ang pinas e di sana wala ng problema. Pwede naman yun diba? Kapag pinag isa sila magiging UNITED STATES OF THE PHILIPPINES na yun. O diba ang taray? oo mataray!

Hindi ko naman talaga tuluyang iiwan ang esteyts dahil babalik pa naman ako dito para ipagpatuloy ang dapat ipagpatuloy kaya nga lang medyo matatagalan dahil mahal ang pamasahe(sabay ganun). Maninibago lang siguro ako ng konti kapag bumalik na ko sa ‘tin. ….

ipagpapatuloy……

san mas maganda?

Buhay sa pinas

 

Usok ng mga jeepney

Pagsakay sa lrt mula santolan hanggang recto

Mga turo turong pagkain

Mainit na panahon

Halo halo

Mga kaibigan kong Masaya kasama

Bakasyon sa bohol

Wala masyadong pera

Di ko nabibili lahat ng gusto (pero kunteto ako)

Pamemelengke

Maraming pagkain

Taho

Jollibee

divisoria

  

Buhay amerika

Maraming pera

Nakakapagod ang trabaho

Malungkot

Wala masyadong kaibigan

Lahat ng gusto mo mabibili mo

Di ka Masaya

Path train

Subway

Kape

May boss na kamuka ni batista

Puyat

Iyak

san mas maganda?

  

gulo gulo

Masyadong magulo ang mga araw na nagdaan….

  • Una - buong araw sumakit ang tiyan ko, ibig sabihin nun buong araw din akong gu mebs at umutot. Hindi tuloy ako nakapasok sa trabaho at sinabi ko na lang na masakit ang ulo ko imbis na masakit ang pwet ko!!!!! Iyon na siguro ang pinaka masaklap na pangyayari sa buhay ko. Grabe para akong nanganak ng paulit ulit. Every 10 min yata akong pabalik balik sa banyo para lang dun whew!. Ang hirap pa lang magtae!
  • Pangalawa- ang engkwentro sa pagitan ni BRATH at ng kanyang madrasto. Medyo pang teleserye ang mga eksena pero syempre si BRATH parin ang nagwagi wahahaha (kontrabida)
  • Pangatlo - isang bomb threat ang sumambulat sa amin kanina(wednesday). Hindi naman talaga sa building naming nakuha yung bomb threat pero sa isang kilalang university na sobrang lapit (as in) malapit lang talaga sa opisina namin. O diba nakakaloka yun. Kaya naman lahat ng kapulisan, bomberong maiingay at pati narin ang media ay nagsisulputan sa paligid. Sayang nga lang at hindi ako nakapag pa interview kay aleng puting reporter. Yung ibang tao nag panic pero ako cool lang. E pano ba naman kasi bomb threat lang e, sana ba kung bomb explosion yun e di mas exciting ahahaha(lokaloka).
  • Pangapat - tapos sabi sa balita mag iisnow pa daw ngayong biyernes, shaks ayoko pa naman ng snow!
  • Panglima - may lunar eclipse DAW ngayong gabi, yun ang sabi sa balita. Sobrang dilim ng langit well madilim naman talaga pag gabi kaya lang iba ngayon kasi may eclipse nga!
Sana lang sa susunod na linggo e medyo normal naman ang maranasan ko ng sumaya naman ako! Ilang araw narin kasing ganito ang itsura ko e:

conpyus.jpg

api balentayms wpp bloggers!/ di eks epek!

Totoo nga ang sabi nila. Mas malamig ang panahon dito sa esteyts pagdating ng February. Kasabay non ang init ng pagmamahal na pwede nating pag saluhan sa taong pinaka mahalaga sa ating buhay.. Naks!

Ayun, gusto ko lang sana kayong batiin ng api api balentayms dey!!!

balentayms.jpg

Sa mga mag jowa dyan jan,, san date nyo? sama naman ako oh!! lols..Para naman sa mga singles, wag kayong mag alala makakahanap din kayo ng isang katulad ko lol uit..Sa mga married couples,, humayo kayo ang paramihin ang inyong lahi…

at dahil sa balentayms naman ngayon e gagawin ko na ang tag ng diyosang si marush!!!

Tag: Revenge of the broken hearts.

do you want to see my eks? here he is……….

pter.jpg

(PAsensya na kung medyo dugyot siya jan sa picture nya huh… )

  Here’s the rule:1.      Post a picture of your EX (ex-boyfriend, girlfriend, MU, crush or whoever it is that you hate for hurting you in the past or present) and then answer the questions below. PAYBACK time! 2.      TAG as many as you can! 3.      A link to this post will be appreciated. GAME!

1. Have you forgiven him/her already?

………………opkors naman

2. Do you regret ever meeting him/her?

………………hindi kasi minahal ko naman siya saka feel e minahal niya rin ako,,, naks!talaga

3. Describe him/her in three words:

……………..talk - dark - handsome? lol

4. Are you over him/her?

……………..sus! naman

5. Would you give him/her a second chance? Kahit mag maka-awa?

……………..di na uy! kahit maglupasay pa siya hehehe 

6. Would you visit him/her if he/she gets hospitalized?

……………..siguro tapos dadalahan ko siya ng puno ng mangga o diba ang sweet ko parin?

7. What if he/she died? Iiyak ka ba?

………………hindi na ciguro, masakit sa mata e

8. Have you tried to cheat on him/her?

………………please! good girl po ako no..

9. Have you lied to him/her?

……………….not in his dreams!

10. Your wish to that person:

……………….ang wish ko lang e sana maging masaya siya yung tipong mababaliw na siya sa saya ahahaha

ayus!! marush mission accomplish ahahaha

as usual, wala naraman akong bibiktimahin…

private BRATH…

Gusto ko lang sanang i share sa madlang people kung saan ako tumatabay ng madalas bukod sa bath room. dito rin ako ng mumukmok, umiiyak, nagsasalita mag isa (hala! baliw?), nagpapa gulong gulong,  kumakanta, sumasayaw, humahalak hak at kung anung anik anik pa yan.

Hindi naman ganun ka ganda ang kwarto at wala naman talaga akong balak pang pagandahin ito. Na kukyutan lang kasi ako kasi maliit lang syang kwarto. Tatlo ang kwarto dito sa balay namin pero yung pinaka maliit ang pinili ko kasi:

a. madaling linisin

b. madali ding magkalat
c. gusto ko kasi na nakikita nag apat na sulok ng kwarto ko 
d. masikip? ayoko kasi ng maluwag? does it make sense?

Ganito ang itsura ng kwarto ko kapag gulong gulo ang isip ko, badtrip, naiiyak, namumuryot, nagugutom at kulang sa tulog..:

02-02-08_1014.jpg
02-02-08_1011.jpg

02-02-08_1010.jpg

Nakaka turn off ba? Sori na! Di naman sinasadya e. 4 times a week lang naman ganyan ang itsura ng kwarto

ko e (joke lang). Feeling ko kasi mas madali kong nahahanap yung mga gamit ko kapag medyo makalat. kapag
maayos at malinis naman yung kwarto, parang nahihirapan akong maghanap ng gamit (teka asan na ba yung panty ko dito? oops!). Teka sino gusto mag volunteer para tulungan ako maglinis???? huh? WALA? ayaw niyo? hmp! Di bale ako na lang ….

Makalipas ang ilang dekada… eto ang naging kinalabasan with matching pawis sa noo..
06-26-07_0218.jpg
06-09-07_2046.jpg
06-09-07_2045.jpg

O diba ang laki ng improvement! wahaha. Fulfillment para sakin to no dahil once in a blue moon

ko lang ginagawa to. hehehe. Ngayon, sino gustong tumabi sakin? kasya pa naman siguro ang isa pang
tao sa kama ko no. Gaya nga ng sinabi ko kanina, gusto ko ng masikip kesa sa maluwag ahahahaha.
ay labyu ol!